Kabanata 20

3.5K 236 100
                                    

KASALUKUYAN ako ngayong nag-mamaneho papunta sa mansion ng mga Armani para ihatid si Alessia.

Hindi ko alam na nung nakaraan pa pala nila pinapauwi si Alessia ngunit wala manlang siyang nababanggit saakin nalaman ko lang nung kinagabihan ng may tumawag saaking unknown number at iyon pala ang mama niya.

Alalang alala sila dahil akala nila kung ano ng nangyari sa anak nila, hindi din daw sinasagot ni Alessia mga tawag nila akala ko pa naman naka usap ng mga tauhan ko ang mga Armani ng maayos tapos malalaman kong two words na "She's safe.", lang pala ang sinabi nila literal na kung ano yung sinabi ko ay yun nga lang ang sinabi nila tapos umalis na agad.

Napahilot na lamang ako sa sintido gamit ang kaliwang kamay habang nakasandal ang braso ko sa bintana, gamit lamang ang kanang kamay sa pag mamaneho.

Napatingin ako sa gilid ko kung saan nakaupo si Alessia sa passenger seat, kanina pang umaga ito tahimik mukhang malalim ang iniisip. Nagtataka rin ako kung bakit tila balot na balot ang katawan nito. Mataas ang sikat ng araw kaya maiinit sa labas hindi rin ganun kalamig sa loob ng sasakyan ko ngayon--Iginilid ko ang sasakyan at hininto bago tinanggal ang suot kong seatbelt para makalapit ng maayos sakanya, gamit ang kamay ay idinikit ko iyon sakanyang noo para tingnan kung mainit siya. Baka kasi nilalagnat na pala siya tapos hindi ko manlang alam.

Nagulat naman ito sa ginawa ko, siguro ay hindi inaasahan ang biglang pag hinto ng sasakyan at ang pag hawak ko sakanya ngayon, nakatingin lamang ito saakin at hindi nagsasalita, habang namumula ang pisngi.

Siguro ay nilalamig.

"You don't have a fever." Wika ko rito at muling umayos na ng upo at kinabit ang seatbelt.

"Are you cold?" Tanong ko sakanya pero hindi ko na siya hinintay sumagot at hininaan na ang aircon sa loob ng sasakyan.

Muli akong humarap sa gawi niya at nakita itong nakatingin lamang saakin, tila pinoproseso ang mga nangyayari.

"Is there a law for someone who kept staring?"

Napakurap-kurap ito ng marinig ang aking sinabi tila natauhan. Mabilis niyang iniiwas ang tingin at humarap sa may bintana ngunit kitang kita naman ang pamumula ng kanyang tainga.

Napangiti na lamang ako at napailing bago muling inistart ang sasakyan, "So lawyers can blush huh."

Mabilis ang pag-lingong ginawa nito sa gawi ko, "Who's blushing?" Tanong nito tila patay malisya. Akala mo ay hindi na visible ang pamumula ng kanyang tainga kung maka-angal.

"Then, are you cold?" Tanong ko na lamang dahil ayaw ko naman inisin pa siya .

"Bawal naba magsuot ng hoodie ngayon?" She ask sarcastically that made me giggle.

"Bakit ang sungit ng beshy ko?" Wala sa sariling naisatinig ko.

Shit, tanggal angas. Kung ano ano kasing napapanood ko.

Akala ko ay maiinis ito dahil sa sinabi ko kaya naman saglit akong tumingin sa gawi nito habang nagmamaneho para tingnan kung anong ginagawa niya dahil nanatili itong tahimik, na sana ay hindi ko nalang ginawa dahil mapang asar na ngisi lamang niya ang bumungad saakin.

Sabi na nga ba eh.

"Oh really? Where's the baby now?" Mapang-asar na sabi niya.

Ngumuso ako at hindi nalang pinansin ang sinabi niya dahil nakikita ko na ang malaking gate ng mga Armani. Nandito na pala kami.

Kusang bumukas ang gate nila kaya naman ipinasok ko na ang sasakyan malayo palang ay kita ko na ang parents niya sa main entrance ng mansion marahil ay inaabangan ang pagdating ng anak nila.

Sweet Vengeance Where stories live. Discover now