Kabanata 24

2.8K 154 32
                                    

Nagmamadali ako papasok sa restaurant kung saan magkikita kami ni Chiara. Hindi ko napansin ang oras dahil masyado akong naging abala sa mga papeles sa opisina pati na rin ang balitang hatid ni Lilith na talaga hindi mawala wala saaking isip.

Kasalukuyan akong nakasuot ng simpleng pants at itim na polo na nakabulas ang dalawang butones, hindi na ako masyadong nakapag ayos dahil late na ako ng Isang oras.

Kapapasok ko palang sa dinning hall ng hotel ay natatanaw ko na si Chiara na agad namang nag tama ang tingin namin dahil mukang kanina pa sya nag aabang ng papasok sa malaking pintong ito.

Hindi ko alam kung ngingiti ba ako o kakaway sakanya dahil mukang nakabusangot na ito, napansin niya ata ang pag-aalinlangan ko kaya ngumiti ito.

Hindi ko alam kung matatawa ba ako or what dahil ang bilis mag bago ng mood niya kapansin-pansin rin na tila may pang-asar ang ngiti niya ngayon tila ba may kapilyahang gustong sabihin ngunit pinipigil ang sarili .

Nakatutok lamang ako sakanya habang naglalakad palapit, hindi ko na napansin ang itsura ng buong lugar at kung gaano karami ang tao sa loob. Basta naka-focus lang ako sa mga mata niya, kakaiba ang ganda niya ngayon tila ba siya'y nagliliwanag, kapansin-pansin rin ang naguumapaw na confidence sakanya. Bagay na bagay sakanya ang simple dress na kanyang suot, hindi ito ganoong karevealing tama lang ang hiwa sa bandang dibdib niya at kitang kita rin ang makinis niyang shoulder. Kaya nasabi kong para siyang nagliliwanag ay dahil masyadong agaw pansin ang kaputian niya idagdag pa ang kulay ng dress na suot niya. Nahiya naman ako sa suot ko.

Nang tuluyang makalapit sa table niya ay medyo nahihiya pa akong batiin siya ngunit  tinawanan lang ako nito at tumayo.

I was about to kiss her on the cheek para batiin siya when suddenly her lips brushed on mine. She just kissed me.

And that's also the moment I realized na hindi lang pala siya nag-iisa sa table.

It's like my whole life flashes on my eyes the moment I realize who was sitting in front of her.

Hindi ko sila napansin kanina dahil nakatalikod sila sa gawi ko at tanging si Chiara lamang ang nakaharap sa entrance ng hall, idagdag pa na masyadong occupied ang isip ko at nag mamadali dahil late na.

Pusang gala.

Bakit hindi ko naisip iyon?

Bakit ni hindi manlang ako nagtaka na sabay-sabay silang nagyaya para lumabas?

Anong ginagawa nila dito?

Bakit ngayon pa?

Are they testing me ?

The he---

Sunod sunod ang ubo na ginawa ko, wala pa naman akong kinakain pero parang nabulunan ako, tila nangati ang lalamunan ko at gusto ko nalang umuwi kesa makita kung gaano kasasama ang tingin saakin ng tatlong mga nag-gagandahang babae saaking harapan.

I heard Chiara's giggle, "Here's your water honey." Inabutan ako nito ng water.

Pero tila mas lumakas ang ubo ko ng banggitin nito ang salitang honey  lalo pa't kitang kita ko kung paano tumaas ang kilay ni Ygritte, pati na rin ang sarkastikong pag ngisi ni Alessia at ang mahigpit na pag kuyom ni Miss Walton sa table napkin.

Help.

I need help.

Parang awa niyo na ialis niyo ako sa sitwasyong ito, dahil mas nakakatok ang katahimikan ngayon lalo pa't wala pang nag sasalita sakanilang tatlo, idagdag pa ang mapang-asar na tawa ni Chiara.

Sweet Vengeance Where stories live. Discover now