Kabanata 26

4.5K 228 49
                                    

Content Warning: Mature Themes ⚠️

This chapter includes explicit sexual content, scenes of violence, and contains strong language. Reader discretion is strongly advised.

Thank you for your understanding.

***


Nakasimangot akong bumababa ng hagdan nang mahagip ng mata ko si Ygritte na naglalakad papasok sa kitchen ng villa. Hindi pa rin ito nagbibihis at naka suot pa rin ito nung bathrobe na suot niya kanina. Nakabihis na at nakaligo nako't lahat pero siya tila walang pake sa paligid at tanging iyon lamang talaga ang suot niya.

Dumiretso ako sa kitchen at nadatnan roon ang apat. Nag-luluto si Miss Walton, si Chiara naman ay patawa-tawa habang may pinapanood na kung ano sakanyang cellphone at nakaupo sa upuan, si Ygritte naman ay kumakain ng sandwich habang pinapanood ang niluluto ni Miss Walton.

Napatingin ako sa may bandang ref kung saan tahimik na nakatayo si Alessia habang may hawak na cold compress at dahan-dahang idinadampi sa isa niyang kamay.

Wala pang nakakapansin saakin dahil lahat sila ay may sari-sariling ginagawa. Hindi naman maalis ang tingin ko kay Alessia dahil kita sa mukha nito ang sakit.

"Avice !" Naagaw ang atensyon ng tatlo nang sumigaw si Chiara at tinawag ako. Lahat sila ay nakatingin na ngayon saakin.

Wala sa sariling inirapan ko si Chiara at naglakad palapit kay Alessia na nagmamadaling itabi ang cold compress na hawak niya lang kanina.

"Upo ka muna, tapusin ko lang niluluto ko." Rinig kong wika ni Miss Walton habang nakatingin saakin.

Si Ygritte naman ay tahimik lamang na nakatingin saakin, tila pinapanood bawat pag galaw ko. Inismiran ko ito na agad naman niyang ikinatawa.

Lumapit ako kay Alessia at kinuha ang cold compress na ibabalik na niya sana sa loob ng ref nagulat pa ito sa ginawa kong pag-hawak sa kamay niya.

Pansin ko ang paghinto ng tatlo sa mga sari-sariling ginagawa at nakatingin na saamin ngayon ni Alessia.

Hinawakan ko ang kamay ni Alessia at hinila siya paupo sa vacant chair na nasa counter habang nanatili akong nakatayo sa harap niya at tinitingnan ang kamay niyang tila namamaga dahil sa pagkulay violet nito.

Kagat labing huminga ako ng malalim at inangat ang tingin sakanya. Nagsalubong ang mga mata namin dahil pinapanood niya rin pala kung anong ginagawa ko marahil ay nagtataka kung anong kinikilos ko.

Nauna akong umiwas ng tingin at ibinalik na lamang ang tingin sa kamay niyang namamaga at dahan dahang idinampi roon ang cold compress na hawak.

Bakit naman ganito ang pagkamaga nito? Malakas ba yung ginawa kong pagtabig sa kamay niya kanina? Mahina lang iyon ah!

Mahina nga ba?

Alam ko lang ay grabe ang galit ko kanina tapos hindi ko naman sinasadya na tabigin ang kamay niya sadyang naiinis lang talaga ko sakanilang lahat nun na parang gusto kong manakit.

But seeing her swollen hand right now para bang gusto ko nalang magpakalunod sa napakalawak na dagat ngayon sa harap nitong villa.

Ang tanga mo Avice!

Pati sarili kong utak alam kung gaano ako katanga. Masyado nanaman akong nagpadala sa galit at hindi na inisip na makakasakit ako ng iba.

Kailan ko ba inisip ang nararamdaman ng iba? Wala lang naman saakin ang mga ganito dati, anong nagbago?

"I'm sorry." Mahinang wika ko rito.

Naramdaman kong natigilan ito dahil sa narinig maski ako ay natigilan rin dahil hindi ko inaasahan na lalabas iyon saaking bibig.

Sweet Vengeance Where stories live. Discover now