05

158 12 0
                                    

CHAPTER FIVE | A DINNER

Lauren

A DINNER ORGANIZED by my father will take place at the private function room of Crowne Plaza Hotel tonight. Kasama namin ang mga Monasterio na nag-detour dito Brooklyn matapos ang kanilang European tour kakailan. Hindi nabanggit kung isang araw lang ba sila dito o mas magtatagal pa. Basta tinawagan lang ako ni Mommy at binalita nga ang tungkol sa dinner na tinanggihan ko pa daluhan noong una. Hindi rin naman ako nanalo kahit ano pa'ng palusot ang gawin ko.

Makikita ko mamaya si Dashiel, Dreya at iyong cute nilang triplets kaya may konting excitement akong nararamdaman ngayon pero mas lamang iyong kaba. Bakit may kaba? Kasi anim na buwan na ang lumipas pero heto pa rin ako, basta nabubuhay ay ayos na. Walang bago bukod sa nag-te-text sa akin halos minu-minuto. On cue, my phone vibrates.

From: Ritter

Are you busy?

Do you need a companion today?

I pressed my lips together and pick up my phone. "Ang kulit talaga!" Nangigil ko ng sabi matapos mabasa ang iMessage na padala ni Ritter.

"Sinong makulit?" tanong naman na agad nagpalingon sa akin. Nakalimutan ko na may kasama pala ako sa bahay.

"Wala. Telemarketer lang," palusot ko.

"Huwag ka na lang kaya magpunta tapos gumala lang tayo sa Soho ngayon, Lauren. Maraming bagong bukas na boutique sa Soho na gusto ko puntahan. Kung gusto mo naman, cruise ride tayo sa Hudson River para makita natin si Mareng Liberty."

Tumingin ako kay Summer na nakahilata ngayon sa sofa bed ko habang nakain ng spicy dilis na galing Pilipinas. May pinadala iyong Lola Flora niya noong isang araw na iuwi naman ni Summer dito sa apartment ko. Ewan ko ba kung bakit gusto niya dito lagi matulog gayong may penthouse siyang mas malaki dito.

"Nadudumihan mo iyong sofa bed ko, Summer." Ngumuso siya saka tumayo at tumungo sa veranda para magpagpag. "I cannot ditch a dinner organized by Dad."

"Sabagay pero kung ma-bored ka, tawagan mo lang ako at ipapasundo kita,"

Kumunot ang aking noo bigla matapos marinig ang sinabi niya.

"May masama ka na namang balak?" Pakiramdam ko talaga may masama siyang balak. Kanino naman niya ako ipapasundo?

It shouldn't be, Lauren. It's not Ritter if that's what you're thinking.

I never replied any of Ritter's messages. Ginawa ko lang libangan ang pagbabasa ng mga messages niya kapag nahahawakan ko ang aking cell phone. Ewan ko ba pero ayoko talaga siyang reply-an kahit kung ano-ano na lang ang sinasabi niya. Napagtanto ko na hindi naman siya boring kausap. Some part of brain wanted me to reply back to him.

Ang interesting niya kasi lalo na noong makita ko na kahit nasa labas ay nakabantay pa rin sa stocks niya. I want to know how it works but I'm still contemplating if I'm going to talk to Ritter. Asking questions related to what he's doing meaning I open a door for some possibilities that might end up dating. Hindi sa ayaw ko makipag-date, kinakabahan lang ako na baka hindi matanggap kung sino ako talaga. I'm still trying to show the world that I've changed. And as part of the change that I want, I'm starting to plot out some business proposals and will try to ask my father to invest on it.

Thesis ko iyon sa masters degree ko na hindi ko sineryoso noon. Nag-donate lang si Daddy sa school kaya nakapasa ako kahit maraming kulang na detalye. Money moves even in a place you least expected. Kapag naalala ko iyong mga pinag-gagawa ko, hindi maiwasang mainis nang konti sa aking sarili. I have all the means to prosper in a field where I excel but I wasted it all. Ngayon seryoso na ako at itutuloy-tuloy ko na ito.

Her Sweet RedemptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon