11

122 12 0
                                    

CHAPTER ELEVEN | SLOW

Lauren

“SHE IS a classmate back in high school. Serene is one of the girl-next-door on campus. A total head-turner kind of girl, and I'm one of those guys who got captured by her smile.”

Ang babaw naman. Ngumiti lang ay na-inlove na? Kaya pala gano'n na lang niya laitin ang ngiti ko! May pinagbabasehan naman pala siya.

Baka hindi ko pa talaga naiintindihan ang pag-ibig. Nagka-crush ako kay Ritter dahil sa humor niya at talino kaya medyo hindi ako sanay na seryoso siya ngayon. We were walking towards the wedding hall inside the Crowne Plaza Hotel.

Alam ko na maraming makakakita sa akin dito na mga mata ni Daddy pero hindi na ako pwedeng umatras. The same pair of eyes darted on us when we entered the hotel. Mas tamang sabihin yata na sa akin lang sila nakatingin kasi kilala nila akong lahat.

Bawal na umatras kasi nagsabi na akong tutulungan ko si Ritter kahit hindi naman niya hiningi.

“Do you have any idea whom she's marrying today?” tanong ko kasi nauumay na ako sa mga papuri niya kay Serene.

Kanina habang nasa biyahe kami, panay ang kwento niya paano sila nagkakilala ni Serene. It's like I'm watching a teen fiction telenovela because Ritter wasn't the popular dude back in high school. It wasn't a typical boy-meets-girl thing. And all geniuses were condemned, tagged as losers.

Aminado siyang pulos pag-aaral lang inatupag kaya hindi na nagpatuunan pa ang sarili noon. But somehow, the genius Ritter caught the campus queenbee's attention. Pero sigurado naman ako na may kapalit ang pakikipaglapit ni Serene sa kanya.

“Yeah. She's marrying today, my douche best friend,”

Napatingin ako sa kanya agad. “You're not here for revenge, aren't you?”

“Nope. I'm here to comfort her.”

Nahinto ako paglalakad at nauna na si Ritter kaysa akin na pumasok sa waiting area ng bride. It will be a private civil union and only those with invitation are allowed to attend the ceremony. Hindi ako sigurado kung may invitation si Ritter pero tuloy-tuloy naman kami nakapasok dito sa private hall na dedicated sa mga ikakasal.

Nasa tapat ng waiting area iyong wedding hall ng hotel na state of the art ang disenyo. Alam ko kasi dito nag-renew ng wedding vows ang mga magulang ko.

“What are you doing here?” Narinig ko na salita sa loob ng waiting area. “I told you not to come here, Ritter. Are you going to ruin my wedding?”

“I'm here to congratulate you both,”

“Don't do that.”

At that moment, I entered the waiting room and wrapped my hand around Ritter's arm.

“Hi! Congratulations on your wedding. I heard a lot about you and your soon-to-be-husband.” Tumingin ako kay Ritter saka ngumiti. “You played an important role in my boyfriend's life; that's why I'm excited to meet you. I'm Lauren Ricaforte, by the way.”

“You're his girlfriend?” Parang hindi makapaniwalang tanong ni Serene matapos ko ipakilala ang aking sarili. At hindi rin ako makapaniwala na nabanggit ko ang buo kong pangalan na matagal kong hindi nasabi kay Ritter.

“Yes.”

Hinilig ko ang aking ulo sa braso ni Ritter. Naramdaman ko na dahan-dahan kinalas ni Ritter ang kamay ko na nakakapit sa braso niya tuluyang hinawakan iyon. That move made my heart beats fast. Iyong tipong nais na lumabas ng puso ko sa aking dibdib at magtatalon para makaligtas sa charm ni Ritter.

“I already moved on from you. I have a clean intention, Serene and she's the reason why I'm not thinking about you now.” Napatingin ako kay Ritter pagkarinig sa sinabi niya. Hindi ko inasahan na nakatingin din siya sa akin. Ngumiti pa ang loko kaya lalong kumabog nang malakas ang aking dibdib. “She's beautiful, isn't she?”

Her Sweet RedemptionOnde histórias criam vida. Descubra agora