25

116 10 2
                                    

CHAPTER TWENTY-FIVE | FAKE ACCUSATION

Lauren

MALALIM akong huminga matapos ko i-park ang aking sasakyan malapit sa entrance ng health center kung saan ako nagpa-book ng appointment. May kakilala ako rito at maigi na iyong ganito kalayo para naman hindi malaman ni Daddy. Kapag kasi malaking ospital, wala akong takas at baka maunahan pa ako magbalita tungkol sa aking pagbubuntis.

Sa ilang araw ko sa bahay ni Summer, si Ninang Bea lang ang may hinala at paulit-ulit ako tinatanong. Paulit-ulit ko din namang tinatanggi kahit sobrang lakas ng kutob ni Ninang. Pakiramdam ko tuloy ay nagtatampo na itong dinadala ko sa akin.

Alam ni Mommy at Daddy na nasa kanila ako at pinapasundo na nga ako para matulungan nila ako solusyunan ang aking problema. Nalaman kasi nila na may hindi kami pagkakaunawaan ni Ritter. Ako lang tumanggi at pinakuha ko kay Summer ang aking sasakyan.

Dapat kasama ko siya kaso masyadong halata kapag dalawa kaming absent sa office. Nag desisyon ako na gawin ito para mapanatag din ang aking isip na nasa maayos na kalagayan ang baby namin ni Ritter. Naging bukas ang isipan ko nang sumali ako sa isang grupo online ng mga first time mommies.

Even if it's unplanned, I still call this a blessing from God. Maybe this is the miracle Abby wants to see through Dreya. Dapat ko ba tawagan si Dashiel?

"No, don't do that. Let's do this alone for now, Lauren," I said as I removed my seatbelt. Bumaba ako sa aking sasakyan at dire-diretso na pumasok sa loob ng clinic.

Sinalubong ako ng mga mapanuring tingin pagpasok ko sa loob na binalewala ko naman agad. I know that this isn't a right place for me but I have no choice because I don't want to get discovered yet. Saka ko na sasabihin kapag siguradong-sigurado na talaga ako.

Hindi lang ito maliit na health center dahil natanggap din sila ng pregnancy termination o sa madaling salita ay abortion. Kung pagbabasehan ang bilang ko, nasa twelve weeks palang akong buntis kaya pwede pa pero check up talaga ang balak ko rito.

"Are you with your boyfriend?" tanong ng receptionist ng clinic.

"Uhm, I'm here for a check-up, not pregnancy termination. I have a scheduled appointment with Dr. Manzano."

Nag-established ng ganito health clinic pero mga judgmental naman. Sa hilatsa palang ng mukha at mas maigi na huwag ko siya titigan. Malulugi ang baby ko.

Nakita ko na inangat niya ang telepono saka may pinindot na numero. Ilang sandali niya kinausap ang sumagot sa tawag bago ako pinapasok sa loob.

"Hi Lauren!" Masiglang bati sa akin ni Jaypee saka inanyayahan ako umupo sa bakanteng upuan sa harap ng working table niya. "When you called, I thought it's just a prank but base on the level of seriousness in your face I guess I was wrong."

"You're a doctor, and the first thing you thought was, I'm pulling a prank?"

Jaypee chuckled.

"I'm sorry, okay? And this isn't just a normal health center. People who can recognize you might think you're here for pregnancy termination."

May point siya at ang lakas pa ng loob ko na pumunta dito na hindi naka-jacket o nakasumbrero 'man lamang.

"But this is still a health center. I don't want anyone to know yet,"

"I know. So, shall we start?"

Tumango ako at dinampot ni Jaypee ang telepono para tawagin ang nars na sasama sa akin sa examination room. Inasikaso ako ng nars hanggang sa pumasok si Jaypee sa loob ng kwarto at lagyan ng gel ang aking tiyan.

"What will I see and hear today, Japs?" tanong ko sa kaibigan. We had a history, but it's just a summer fling and cannot be compared to what I have with Ritter.

Her Sweet RedemptionWhere stories live. Discover now