30

120 10 0
                                    

CHAPTER THIRTY | IT'S SHOWTIME

Lauren

"I HOPE this hot sauce is the answer to get me in labor," I said, putting a lot of hot sauce on top of my mushroom soup and air-fried potato marbles.

Dinamihan ko na ang lagay dahil ayon sa nabasa ko online, mas marami, mas madadali ang labor. Nag-e-enjoy na ako pagtaktak ng hot sauce nang biglang may pumigil sa kamay ko.

"Go easy on that, Lauren." Saway ni Ritter sa akin. "You're on your thirty-eight weeks, which can last up to forty. Chill, okay?" Matalim ko tiningnan si Ritter. Ano bang chill ang sinasabi ng mokong na 'to? It's bothering me that CJ is staying inside my tummy for too long. Para bang wala na siyang balak na lumabas pa at manatili na lamang sa tiyan ko habangbuhay. I am literally big now, adding my height, it makes me think that one day The Guinness Book of World Record will knock my doors and measure me. "Go on and eat now. I cannot be late and have your parents wait at the airport for too long." Pagsuko niya sa akin saka binitiwan na ang kamay ko. I stop putting Tabasco on my food and start eating.

Nagpasundo ang mga magulang ko dahil marami silang dala na gamit para kay CJ na binili sa New York City. Dumating na kahapon ang crib, stroller and baby mat na puro order ni Ritter online. Binuo na nga niya ang crib kahapon din kaso sinukuan noong hindi magawang iporma. He asked the seller to send him a video tutorial in assembling our baby's crib. But ended up, calling the seller home to fixed it for him. Nakakatuwa siya panoorin habang ginagawa iyon lalo na iyong reaksyon niya nang mabilis lang mabuo ng seller ang crib.

"I never realize that these can be good with hot sauce," sabi ko pa saka patuloy na kumain.

"What is wrong with you?"

"Here, try it." Alok ko saka inusod sa kanya ang mushroom soup na nilagyan ko ng maraming hot sauce. Sinubukan naman iyon ni Ritter ngunit isang subo pa lang ay naubo na siya.

"It's hot, Lauren!" hiyaw niya pagkatapos ay umubo nang umubo. Nakita ko na uminom siya tubig ngunit walang talab iyon. Nag-iba na rin ang boses na dahilan ng pagtawa ko. I chuckled one again before handing him a cup of milk, which he drink immediately. "I cannot taste the mushroom there," reklamo pa niya.

"It's tasty, Ritter." Naiiling siyang inubos ang gatas at nag-order pa ng isang baso ulit. "Can I have your hashbrowns?"

Agad inusod ni Ritter palapit sa akin ang order niyang hashbrowns. Simula nang mabuntis ako, naging mahilig na ako sa patatas bukod sa roasted chicken. Hinahanap-hanap ng panlasa ko ang patatas kaya hindi iyon nawawala sa mga pagkain ko. Nilagyan ko pa ulit ng hot sauce ang binigay niyang hasbrowns sa akin bago kinain. Naiiling lang ako tiningnan ni Ritter habang ako naman nag-e-enjoy sa mga kinakain ko.

"You're one-of-kind," he remarks.

"Yes, I am," I answered while eating everything. "Can you order these hashbrowns and marbles for taking out?"

"Aren't you overeating?"

"It's CJ's so hurry and take out more of this." utos ko sa kanya na agad naman niyang sinunod. Ang daming reklamo, susunod din pala.

Tumingin ako sa labas ng diner na naging paborito na naming kainan ni Ritter simula nang mapatira dito sa Oak Island. Kita ang beach mula sa kinauupuan ko at nakaka-relax iyon. The place itself is therapeutic and I think it will help me recover fast. Ritter and I we're okay now but we haven't talk about our plans after I give birth. Sabi ko kasi saka na lang at hindi pa naman kailangan sa tingin ko kahit nangungulit na si Mommy tungkol doon.

We agreed to focus our attention to CJ, my recovery and Iona. Iyon lang muna at saka na ang iba...

NAKAHIGA lang ako sa couch at nanonood ng kung ano-anong videos na mostly ay puro pagkain. Ganito namin gutumin ni CJ ang isa't-isa halos araw-araw. Iniiwasan ko manood ng mga nanganganak para hindi ako kabahan kahit gustong-gusto ko na lumabas si CJ. Kung 'di video ng pagkain, baby videos naman ang dumadaan sa aking timeline.

Her Sweet RedemptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon