CHAPTER 20 ─ Avoiding him

62 3 0
                                    


{XIAN ZANDRIUS P.O.V}

"Sa susunod ulit Zanzan!!"sigaw nito nang papasok na siya sa taxi.

Malapit naring dumilim, napahaba ang usapan namin. Sabik na sabik na ako sa kanya.

Tungkol kay Alexa, I don't know but I feel guilt...

Dahil ba sa deneny ko siya? Pero mas gusto ko si Fiana at ngayon na nagbalik na siya, siya ang pipiliin ko.

Pumunta ako sa kusina para uminom nang tubig nang may maramdaman akong yapak papunta sa gawi ko.

Tinignan ko kung sino iyon at si Alexa lang pala na bagong gising at... At namumugto ang mga mata niya? Umiiyak ba siya?

"Natulog kaba?"di ko napigilan ang sarili ko at nag tanong na agad.

Ina-amin ko nahulog na ako sa kanya pero bumalik na si Fiana and I don't need her anymore

Uminom siya nang tubig at akala ko sasagutin niya ako pero bumalik lang siya sa itaas na para bang di ako nakita. Why i am so affected?

{SOMEONE P.O.V}

"Nandito na si Chiara boss"sigaw nang tauhan ko at nakita ko naman ang anak ko na papalapit dito

Nang makalapit siya ay agad akong nagtanong

"Balita?"tanong ko dito

"Nahulog siya sa patibong, akala niya lang ang lahat. Masyado siyang brainless para di mahalata, goshhh. Napagod pa ako don ahh!!"sabi nito at hinubad ang jacket niya

"Mas mabuti ngang di ka niya nahalata e, at ngayon na naka-kagat na siya sa bitag. Wala na siyang kawala"sabi ko dito

"Ang init!!"reklamo nito at naglakad papa-alis.

Tatalunin ko lahat nang taong humarang sa daanan ko.

{ALEXA P.O.V}

Nandito ako sa kwarto at ini-isip ko kung tama ba talagang iwasan siya at pilitin na mawala ang nararamdaman ko para sa kanya. Kaya rin ako bumaba kasi nagising ako nang dahil sa panaginip na naman.

Nakita ko si Zandrius kanina sa kusina at sa kung anong dahilan di ko man lang siya pinansin

Dahil ba sa nasaktan ako kanina?

Iwinaksi ko ang ini-isip ko at dahil di ako makatulog ay nag drawing nalng ako.

Nililibang ko ang sarili ko hanggang sa maramdaman kung ina-antok na ako ay agad na akong humiga sa kama. Nag set na muna ako nang alarm clock sa oras na 4 am at nakatulog ka agad.
──────
Nagising ako nang tumunog ang alarm clock ko. Naligo ako kaagad at pagkatapos kung gawin ang morning routine ko ay bumaba ako para magluto.

Sa ngayon... Di kupa kayang harapin si Zandrius, lalo na sa nangyari kanina. Pero, diba dapat siya yung mahiya? Dahil sa sinabi niya? Ang kapal, pasalamat siya mahal ko siya

Pagkatapos kung magluto ay kumain agad ako, nag tira ako nang para sa kanya. Di ko alam kung kakainin ba niya pero bahala na.

Nag sulat ako nang notes at ang naka lagay doon ay

'Good morning, kumain kana sir'

Yan ang nilagay ko, total nang ipakilala niya ako sa Fiana nayun ay isang maid lang naman pala ako. Tungkol sa babaeng yun, gaya gaya nang pangalan!! Hmp!!

Inilagay ko ang sinulat ko sa mesa at agad naring umalis kahit maaga pa. Mas maayos bumyahe pag maaga pa dahil di pa masyadong traffic.

Nang makarating ako sa paaralan ay ang masasabi kulang ay kunti pa ang tao. Maaga pa naman kasi

ARRANGE MARRIAGE TO THE MAFIA PRINCEWhere stories live. Discover now