CHAPTER 40 ─ His brutal death

43 3 0
                                    


{ZACHARY HAXLER P.O.V}

Gulat na gulat ang reaksiyon namin ni Clark nang tumalon nga siya. Magpapakamatay talaga siya dahil kay Alexa? Bal*w nga.

"Nababal*w na ba siya?"inis na sabi ni Clark sa akin.

"Iligtas mo!!"sigaw ko sa kanya.

"Hindi ako masyadong marunong lumangoy, baka kaming dalawa ang malunod"sabi ni Clark sa akin

Isa pato, parang timang rin.

"Ang lamig kaya, ayaw kong mabasa noh!!"reklamo ko dito

"Pero... Marunong kabang lumangoy?"

"Oo"

Pinahawak niya ang flashlight at nagulat ako nang ihagis niya ako.

"Tang*na mo!!!!"sigaw ko bago ako nahulog sa tubig.

Dinilat ko ang mata ko sa ilalim pero sobrang dilim buti nalang nagpadala si Clark nang flashlight at nakita ko si Axlier na naka-dilat habang lumulubog. Walang hiya ang lalaking 'to dinamay pa ako. Hinila ko siya paitaas at chaka ako naka-hinga nang malalim. Pati pa ata ako, mamatay eh. Susuntukin ko talaga ang Clark nayun, walang hiya siya. Isa siyang bwes*t.

Dinala ko si Axlier sa gilid nitong tubig and guess what? Nandito na si Clark naghihintay.

"Ang kapal nang pagmumukha mo!!!"sigaw ko dito at binato siya nang bato.

"B-buhay paba ako?"biglang sambit ni Axlier para hampasin ko ang pagmumukha niya.

"Hoy!!! Bal*w kaba? Tumalon ka talagang bwes*t ka? Pano kung namatay kanga, sino na ang magliligtas sa kapatid mo? Mag isip-isip ka naman, wag kang b*bo okay? Bumangon kana d'yan"singhal ko dito pero tumawa lang siya nang mapakla

"Buhay paba ang kapatid ko?"malumanay na tanong nito para suntukin siya ni Clark.

"Hoy!! Ano ba!!"

"Buhay na buhay pa si Alexa, kilala ko siya... 'Di siya basta basta sumusuko. Kaya sana, bilang kuya niya magpakatatag ka"

"Hindi naman talaga ako magpapakamatay, gusto ko lang maligo"sabi nito para hampasin ko ulit siya.

Alam ko naman na magpapakamatay talaga si Axlier eh, ini-isip niya seguro na wala na ang kapatid niya. Walang hiyang Gary din yun, akala ko talaga malinis ang budhi non eh. Ang dumi pala.

"Alam na namin ang binabalak mo, kung ini-isip mong patay na si Alexa nagkakamali ka. Bubuhayin siya ni Gary dahil alam kong gagamitin niya pa si Alexa"sabi ni Clark para mapa-ngiwi ako.

Alam niya ba ang ini-isip ko?

"Alam niyo bang gustong-gusto kong patayin si Gary?"sabi nito

"Hindi lang ikaw, pati ako!!"sabay naming sabi ni Clark para mapa-tingin ako sa kanya.

"Nang-gagaya kaba?"

"Ikaw ang nang-gagaya"

"Mang-gagaya kanga talaga"

"Tumahimik kanga!!"

Nag-alitan kami ni Clark hangang sa humagikhik si Axlier. Parang noon lang ang lamig lamig niya mag-salita at ang seryuso niya pa. Nag-iba siya nang iahon ko siya sa tubig.

Hinila ko ang pesngi niya at tinignan siyang mabuti.

"Hoy!! Hindi ikaw si Axlier noh? Sinong engkanto ang sumapi sayo? Lumabas ka sa katawan ni Axlier!!"sigaw ko dito pero napa-daing ako nang sinipa niya ako papalayo sa kanya

"Tumahimik ka. Masyado kanang maingay"seryusong sabi nito sa akin at tumayo

Lumapit ako kay Clark"Oy Clark!! Napa-labas ko ang engkantong sumapi sa kanya. Ang galing ko diba?"sabi ko dito at umasik siya

ARRANGE MARRIAGE TO THE MAFIA PRINCEWhere stories live. Discover now