CHAPTER 22 ─ My final decision

58 3 0
                                    


{ALEXA P.O.V}

Pagkatapos naming mag-usap ni tita Yor ay agad na akong pumunta sa kwarto ko para mag-impaki nang gamit ko.

Alam ko rin na di uuwi si Zandrius ngayon. Masakit man pero kakayanin ko nalang. Alam kung balang araw makakalimutan ko rin siya at mawawala ang nararamdaman kung 'to sa kanya

Nakapag-pasya na ako at buo na ang desisyon kung mag divorce kami. Wala rin namang patutunguhan to

Natapos akong mag impaki sa oras na 5:09. Ngayon na ako gagawa nang sign contract para sa divorce namin. Aalis na rin naman ako dito e

Nag madali akong umalis at pumunta sa isang companya kung saan gagawin ang divorce paper. Nag-pagawa ako kung saan madali lang ang proseso. Malaking pera man ang magagamit pero wala nayun sa isip ko.

Di kuna prinoblema ang pera dahil kinuha kulang ito sa closet ni Zandrius.

"Ma'am, bumalik nalang po kayo dito bukas"sabi nito sa akin para tumango ako

Umuwi ako sa bahay at sinubukan kung matulog pero di ako ina-antok. Naisipan ko nalng na tawagan si Mom at ipa-alam ang lahat. Sa lagay ko... Alam kung di na nila ako tatanggapin.

Wala narin akong oras para mahanap ang totoo kung mga magulang. Kung sa bagay, wala rin naman silang paki-alam sa akin.

Nang tawagan ko si mom ay di niya ito sinasagot kaya napabuntong hininga nalng ako

Busy seguro siya sa pagiging secret agent.

Ang sunod ko namang tinawagan ay si Dad at agad niya namang sinagot.

"What's the matter?"tanong nito agad sa kabilang linya

"Sasabihin kulang na... Makikipag-divorce na ako kay Mr. Smith. Yun lang po"sabi ko dito at agad ring pinatay ang tawag

Kung di kupa kasi seguro pinatay. Segurado akong pipigilan niya ako sa mga desisyon ko.

Gusto kumang tawagan si Jacky pero di ko magawa. Ayaw kung madistorbo siya at ayaw kung maging pabigat sa kanya.

Seguro ngang mas mabuting matuto akong mapag-isa. Wala akong malapitan ngayon at tanging sarili kulang.

Sa sobrang tagal na ng oras ay kung ano ano lang ang pinag-iisip ko hanggang sa makatulog ako.
──────
Nagising ako nang tumunog ang phone ko at agad ko itong sinagot.

"Verenu Company, you're divorce paper is done"sabi nito para mas malungkot pa ako

"Salamat"malumanay na tanging saad ko at pinatay ang tawag

Nag-bihis ako at agad na pumunta sa companya. Ibinigay agad sa akin ang divorce paper. Nag-aalinlangan akong pumirma pero wala na akong magawa kundi pirmahan ito

Pagkatapos kung pirmahan ay dinala ko sa bahay at inilagay sa mesa. Sumulat ulit ako sa sticky note katabi nitong divorce paper

'Yung pera mo ang ginamit ko para dyan. Pumirma kana agad para matapos nato. Salamat dahil naging parte ka nang buhay ko, wag kang mag-alala. Mawawala rin tong feelings ko para sayo. Pag pumirma ka... Masaya na ako at alam kung ganon ka rin. Sana, pagkatapos nating mag-divorce. Magpa-kasal na agad kayo. Have a nice day hubby'

Yan ang isinulat ko, sa huli tinawag ko pa siyang hubby. Sa sulat nayun, seguro.... Huling tawag kuna sa kanya yun.

Agad narin akong umalis sa bahay kasama ang mga bagahe ko. Pumara ako nang taxi nang maka-labas ako at agad nang sumakay.

Habang nag-babyahe ay may bigla nalng tumawag. Unknown number ito pero sinagot ko.

"Let's talk"sabi nito sa kabilang linya at sa boses niya palang kilala ko na siya

ARRANGE MARRIAGE TO THE MAFIA PRINCEWhere stories live. Discover now