CHAPTER 35 ─ Kio and Zandrius

60 2 0
                                    


{ZANDRIUS P.O.V}

Gumising ako nang maaga at na-alala na linggo pala ngayon kaya naisipan ko na dumalaw ulit sa bahay ampunan. Bago ako pumunta roon ay bumili ulit ako ng maraming pag-kain chaka mga laruan.

Nang dahil sa ginagawa ko ngayon ay na-alala ko si Alexa. Her outfit at that day, it's suit to her. I miss her. I really really miss her.

Pero naguguluhan parin ako kung sino ba talaga ang pipiliin ko sa kanilang dalawa ni Fiana, pero nang makasama ko siya sa gubat ay bumalik lahat ng Masasayang ala-ala ko kasama siya. I admit na sa kunting panahon na nakasama ko siya ay nagawa niya akong pasayahin.

Kung may chance pang magbalikan kami, I'll get that chance then.
~
Nagmamaneho ako ngayon papunta sa bahay ampunan. Ilang minutes ang lumipas at nakarating na ako. Bumaba ako at dinala ang mga ibibigay ko sa mga bata.

As I expected, sinalubong nila ako nang may masayang mukha.

"Kuya Xixi!!"natutuwang sabi ni Jamaica kasama sina Frank at Kio, may iba parin silang kasamang mga bata. Napalingon ako sa batang 'to, familiar. Nagtaka ako nang lumapit siya sa akin.

"Maraming salamat"sabi nito at umalis rin kaagad

Kaya pala, siya yung batang nasa bodega kasama ang kapatid niya. Napatingin ako kay Kio....

I was just wondering kung bakit parang may hinahanap si Kio.

Sabay kaming pumasok sa bahay ampunan at agad kong inilapag ang mga laruan at natutuwa naman silang nagsipili

"Nand'yan ka pala Xi, salamat at dumalaw ka ulit. Alam mo bang namiss ka nang mga bata? Gusto ka daw nilang makita dahil bukod na sa gwapo ka daw eh ang bait mo pa"sulpot ni sister Annie kasama si sister Anna

"Ganon po ba, pasensya na at ngayon lang ako nakadalaw. Marami kasing nangyari"sabi ko dito para mapa-tango tango siya

"Salamat sa mga laruan at pagkain, napakalaking tulong nito sa amin"ngiting sabi nito kaya tumango ako

"Lalabas lang muna ako saglit sister, babalik rin ako kaagad"sabi ko dito at tumango naman ito.

Lumabas ako at umupo sa upuan dito sa labas. Malapit lang ito sa bodega, na-alala ko tuloy yung mga nangyari dito. She's scared and a coward one but that's why I fall inlove with her.

"Kuya Xixi, bakit 'di mo kasama si Ate ganda?"tanong ni Kio sa akin at nanatiling naka tayo

How would I explain it to him?

"We're divorced"deretsang sabi ko dito

"Naghiwalay kayo? Bakit?"seryusong tanong nito

"Kasi kasalanan ko. Sinaktan ko siya kahit 'di niya deserve yung sakit"malungkot na sabi ko dito

I admit that it's all my fault. Kasalanan ko lahat, kasalanan ko dahil nabulag ako sa katutuhuan. Kasalanan ko na nagalit sa akin si Alexa

"Ganyan ka pala kuya Xixi, nanakit ka nang feelings nang babae. Sabihin mo, dumating ba sa punto na pinapapili ka ng tadhana sa dalawang babae? Hindi ba si ate ganda ang pinili mo? Bakit? Bakit kuya Xixi?"tanong nito sa akin

Base on what he's asking, he's matured enough para isipin ang ganitong bagay and I guess he will understand what would I say this time.

"Oo, hindi ko siya pinili at dun ako nagkamali"sabi ko sa kanya

"'Di ko na ba siya makikita ulit? Kung 'di mo siya mapabalik sayo, tandaan mo na ako ang kukuha sa kanya. T-tratuhin ko siyang reyna sa sarili naming mundo. Hindi tulad mo na sinaktan mo siya, pag-lumaki ako papakasalanan ko siya. Wag mo akong pigilan, 'di mo deserve so ate ganda dahil sa sakit na idinulot mo sa kanya"mahabang sabi nito.

ARRANGE MARRIAGE TO THE MAFIA PRINCEWhere stories live. Discover now