CHAPTER 39 ─ Choose

42 2 0
                                    


{ALEXA FIANA HAXLER P.O.V}

Pagkatapos naming mag usap ni Zandrius ay lumabas kami at inaya niya ulit akong sumayaw kaya pumayag ako.

"Just wait for me"sabi nito sa akin kaya tumango-tango ako.

Nagtagal ang sayaw namin at dumating na naman sa part na mag s-switch nang partner.

"No, just stay"seryusong sabi nito para 'di ako mapa-imik.

'Di parin siya nagbabago, lagi nalang siyang seryuso.

Natapos ang sayaw namin ay tinawag ako nang matandang si Gary kaya lumapit ako. Nakakainis pero... Okay na, nasabi ko na lahat kay Zandrius.

"Who is he?"tanong nito

"Sino?"pagma-maang maangan ko kahit na alam kung si Zandrius ang tinutukoy niya

"Yung lalaking kanina mo pa kasama. It's look like you're close"takang sabi nito.

Kinakabahan ako dahil baka makahalata siya pero nagkakamali siya sa part na pwede niya akong palapitin sa iba. Buti naman at hindi siya masyadong t*nga sa akin.

"Hindi naman, hindi ko siya kilala"sabi ko dito para mapa-tango tango siya habang hawak hawak ang glass of wine.

Pagkatapos non ay hindi na ako nakipag-usap sa kanya dahil wala naman siyang tinanong sa akin para sagutin ko. Hindi ako mahilig sa first move kaya manigas siya.

~

Nag b-byahe na kami ngayon pa-uwi sa bahay nang matandang 'to at ini-isip ko kung kailan ako ililigtas ni Zandrius. Sina kuya naman, alam kung nakatakas na sila... May kutob ako na nakatakas na talaga sila at doon ako nagpapasalamat kung sakali man.

Tinignan ko ang wristwatch ko and it's already 11:09 o'clock kaya panigurado talagang naka-labas na sila. Nakatulog na seguro ang iba sa mga tauhan nang matandang 'to

I was desperate, desperada na akong makatakas sa kamay nang matandang 'to. Nakakapagod na... Parang ako na mismo yung sumusuko dahil sa pananakit at pag-angkin niya sa akin. Siya na ata ang pinaka-walang hiyang nakilala ko sa buong mundo.

S-sana dumating siya sa oras.

{CLARK LEXUS P.O.V}

"Ano ba wag kayong maingay"mahinang saway ni Zach kay Kavin at Axlier na nagtatalo.

Nakalabas na kami sa bahay at kailangan nalang naming lumabas sa gate.

"Si Fiana, I don't want to leave her here"sabi ni Axlier para ma-alala ko si Alexa.

I'm still in love with her, arghh.. What's wrong with me? Hindi naman masamang magmahal, hindi rin masamang masaktan dahil sa bawat sakit may matutunan ka.

"Nag-usap na tayo kanina, sinabihan pa tayo ni Fiana na tumakas na. Now, this is our chance, Axlier. Pag-nakalabas tayo dito, babalik tayo at ililigtas si Fiana. Hindi lang naman ikaw yung nag-aalala sa kanya eh, pati rin ako"rinig kung sabi ni Zach sa kanya habang ako yung nauunang mag-lakad

"Ako rin, nag-aalala ako para kay Alexa. She's my friend"sabi ni Kavin

"Me too, she's too precious to me that's why I don't want to leave her behind"singit ko sa usapan nila.

"Hoy!! Ikaw? May gusto kaba sa kapatid ko?"seryusong tanong ni Axlier habang naglalakad kami

Tumango-tango lang ako. I don't have any reason to hide it.

"What?!!!"sigaw nito para magising ang iba.

"Naman... Takbo na!! Bilis"sabi ni Zach at mabilis naman kaming tumakbo at umakyat sa gate habang si Kavin naman ay malapit nang maabutan.

ARRANGE MARRIAGE TO THE MAFIA PRINCEWhere stories live. Discover now