CHAPTER 36 ─ Kasunduan

45 2 0
                                    


{ALEXA FIANA HAXLER P.O.V}

Habang umiiyak ako nang makita ko si kuya sa kulungan ay hinila ako ni Gary papalayo dito at pina-upo sa sofa. Galit at lungkot lang yung namumuo sa puso ko ngayon dahil sa ginawa niya kay kuya.

"Ang ganda mo talaga Alexa"sabi nito pero 'di ko siya pinansin.

Nasa 40+ na ata ang lalaking 'to kaya ako na mismo ang nandidiri.

"Wala na akong paki alam sa mga sa sasabihin mo o mga hirit mo Gary, pakawalan muna si Kuya"seryusong sabi ko dito pero tumawa lang siya.

Mabilaukan ka sana sa sarili mong laway.

"Well, you need to care what I would say now. May connection ang mga sasabihin ko sa kuya mo, kaya makinig ka sa akin"seryusong sabi nito para mapatayo ako.

"Pakawalan muna si kuya!!! Pwede ba, kung ano man ang plano mo wag munang idamay si kuya!!"sigaw ko dito para hawakan niya ang panga ko.

Tiniis ko ang sakit at galit siyang tinignan.

"Wag mo akong masigaw-sigawan Alexa, kung gusto mo pang mabuhay sa puder ko"galit na sabi nito at patapon akong binitawan kaya napa-upo ako sa sahig.

I'm so weak, para saan pa ang pag t-training ko? 'Di pa talaga sapat ang natutunan ko sa kunting panahon para matalo ang mga taong ganito. Kung lalaban ako, alam kung pareho kaming mamatay ni kuya at yun ang ayaw kung mangyari.

Tumayo ako at tumingin sa kanya nang deretso.

"Ano ba ang kailangan kung gawin para pakawalan mo si kuya?"malakas na loob na tanong ko dito para mapa-ngiti siya.

Hinawakan niya ang nguso niya at umingin sa kisame. He's thinking...

"Kahit ako nalang Gary, kahit kapalit ko nalang si kuya. Papayag ako kung papakawalan mo si kuya. Ako nalang please... Wag mo nang idamay ang kuya ko, kung ako lang ang kailangan mo. Ako nalang"pagmamakiusap ko dito para mapa-tingin siya sa akin nang may ngiti sa mukha.

"Well, I have a deal Alexa... Gagawin mo lahat nang sasabihin ko at pag sinunod mo 'yon nang isang buwan. Papakawalan ko ang kuya mo, 'di siya mamatay kung susunod ka sa akin. Deal?"sabi nito

Isang buwan lang at papakawalan niya na si kuya. Pero...kaya kubang sundin lahat nang sasabihin niya? Kakayanin ko, ayaw ko talagang may mamatay nang dahil sa akin kaya gagawin ko ang lahat.

"Deal. Pero pag 'di mo sinunod ang kasunduan natin pagkalipas nang isang buwan. Ako mismo ang papatay sayo"seryusong sabi ko dito

"Kill me if you can, you're just a young woman. You're no match of me. But exactly, gagawin ko ang kasunduan kung gagawin mo ang pinag-gagawa ko sayo nang isang buwan"sabi nito

Tumango lang ako dito, kakayanin ko 'to para kay kuya. Pag nakayanan ko nang isang buwan, magiging maayos na ang lahat.

"Kakausapin ko muna si kuya"sabi ko dito pero tinutukan niya ako nang baril para mapa-tigil ako

"Wait... Kasama 'to sa kasunduan, bawal mong kausapin ang kuya mo nang isang buwan"sabi nito para galit ko siyang tinignan

"Bakit? Para ano? Para 'di ko malalaman na pinatay niyo na siya? Ito ba ang plano mo ha? Tutupad lang ako sa kasunduan kung papayagan mo akong makita kahit minsan lang si kuya"seryusong sabi ko dito

Binaba niya ng baril.

"Once a day mo lang siya makikita in just 10 minutes"sabi nito

"Ano? 10 minutes lang? Nagbibiro kaba? 'Di ba pwedeng isang oras?"singhal ko dito para tutukan ulit ako nang baril para mapa-lunok ako.

ARRANGE MARRIAGE TO THE MAFIA PRINCEWhere stories live. Discover now