Chapter 1: "A Certain Standard"

24 5 0
                                    


Jhon's POV


6:50 in the morning at sabay-sabay kaming nag-aalmusal...

"How's your first day Jhon?"
Tanong ni Dad saakin.

Kung may pagkakataon man si Dad na purihin ako o sabunin, during breakfast yun. Dahil ito lang ang tanging oras na nakakasama namin sya. The rest of the day ay nasa company na sya.

"Fine." Sagot ko sakanya.

"You know Jhon's been busy recruiting new students in his team."
Sabi naman ni Mom.

"Oh, really?" *slicing bacon*

"Yes Dad...mas marami po ang interisado sa Soccer ngayon."

"Hmn..you know what?..not that I have issues of you playing football..."

"Soccer." (Mom)

"Whatever... Kailan ko kaya maririnig na interisado ka sa business natin?"
Sabi ni Dad.

Si Dad ang tipo ng taong inspirational ang dating ng pananalita kahit nang-iinsulto at sobrang nakakainis yun.

"Dad...we will get there okay?.. For now let's just let him do what he please. Bata pa naman si Jhon."
Sabi ni Mom.

"Kailan pa yun Mommy?..kapag may sarili nang backbone ang anak mo?...kaya hindi tumutubo kasi masyado mo'ng bini-baby. It's never too early to do business. Kaya nga tayo mayaman hindi ba?"

"Dad...hindi naman po forever ako'ng mag-so-soccer. I promise...you'll be proud."

"I will expect that from you and high grades as well."
Sabi pa nya saakin.

"Yes Dad."

Minsan hiniling ko na sana hindi nalang ako naging anak ni Edward Taroja. Isa sa mga business tycoon ng Pilipinas. Isa sa pinaka-maya-yamang tao sa buong mundo.

Hindi madali ang i-prove araw-araw ang sarili mo sa taong di-numero at usi sa lahat ng bagay.

Ako isa lang ang gusto ko. Ang maging masaya. But happiness means responsibility, means commitment, dedication to your work. To achieve success you got to have a plan. Ang sabi nya.

Kaya siguro hirap akong magpakita ng kahit anong imosyon sa harap nya.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
(Hallway)

Kerby's POV


Ako si Kendra Ruby Borromeo. Kerby for short. 15 at junior highschool student ng SLASU.

It's nice to meet you. Pwede ba'ng makipag-kaibigan? Wala pa kasi akong naging kaibigan since first grade. Siguro dahil weird ako at marami din ang natatakot sa looks ko. Ako yung studyante na tahimik dahil walang kumakausap. Palaging nakayuko para itago ang mukha at naka-hoodie. Ang weird diba?

Photography Freak ako. Mahilig mag-picture ng kung anu-ano. Sa katunayan, nasa Journalism Club ako.

"Uy Jhon my man!" (Isang ka-team sa Soccer)

Nakita ko si Jhon at ang mga kaibigan nya sa hallway.

"It's Jhon with an "S" like Shawn. Think French Greg para makuha mo ang tamang pronunciation." ^__-
Sabi ni Jhon.

Red Letter DaysWhere stories live. Discover now