Chapter 3: "Tangled"

16 4 0
                                    


Kerby's POV

7:00 am, papunta ako sa Literature Department para i-post ang aking poem of the day ng makita ko ang isang letter para saakin na nakatusok sa board.

"For Red Letter Girl"

Kinuha ko ito at inilagay sa bag ko. Wala dapat makakita saakin dito dahil sabi ni Ms. Lara masisira daw ang "laws of mystery".

Matapos ay umalis na ako.
.
.
.
.
.

There's so many things that I wanna do like travel the world. Meet different kinds of people. Write a novel and experience eternal love.

But the thing is, walang may gusto saakin...

Dahil walang may gusto sa isang taong sakitin, mahina at hindi maintindihan.

...

Dear Red Letter Girl,

Ang sabi mo saakin, hindi ko gugustuhing makilala ka. I'm sorry to tell you that, you just made me want to know that girl behind those mask.

Jhon.

Dapat matuwa ako dahil nagkakaroon sya ng interes saakin pero hindi ko pwedeng sabihin sakanya ang totoo.

Hindi lahat ng gusto ko ay pwede ko'ng gawin at hindi nyo yun maiintindihan.


(Classroom)

"Jhon, ang daya mo talaga. Sabi mo saakin ihahatid mo ako kagabi."
(Girl Classmate)

"Something came up kasi eh. Hayaan mo mamaya ihahatid na talaga kita." (Jhon)

Sa tuwing nakikita ko si Jhon, ang totoo naiinis ako. Marami ang nagkaka-gusto sakanya, at marami ang nakikipag-flirt sakanya.

Minsan tinanong ko narin ang sarili ko kung bakit sya ang nagugustuhan ko.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


Jhon's POV...

Matapos ang klase, kasama ang mga kaibigan ko and couple of flirty girls na ka-klase namin, nagkayayaan kami na uminom at sa swimming pool ng school kami nagkalat...

"Okay lang ba talaga na nandito tayo?"
Tanong ni Felix.

"Oo naman 'no palagi kaya namin 'tong ginagawa."
Sagot ko kay Felix.

"Ang cheap kasi."
Sabi ni Jane.

"Umalis ka kung ayaw mo sa trip namin."
Sabi ko sakanya.

"Masyado naman yatang mainit ang ulo mo Jhon."
Sabi naman ni Aubrey na hinihimas-himas ang ulo ko.

"Eh paano ba naman kasi, frustrated na mabisto si Red Letter Girl."
Sabi ni Kevin.

Red Letter DaysOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz