Chapter 7: "The Start of Something New"

10 3 0
                                    



(St. Therese Hospital)

Jhon's POV

"Alam mo ba?..ang dami ko'ng gustong itanong sayo."

"Go ahead."

"Well...first, paano ka naging si Red Letter Girl?"

"By chance. Nagkita kami ng dating Red Letter Girl three years ago at para bang pinili nya ako."

"I see...bakit sinabi mo saakin na huwag kitang kilalanin?"

"Kasi ayoko'ng maging close tayo."

"Pero...gusto mo ako?"

"Okay lang ba na magustuhan ka?..just...let me like you."

"Are you sure?" ^__-

Ngayon lang yata ako nakatagpo ng taong hindi gustong mahalin ng taong gusto nya ha?

"I know what you are Jhon. I maybe madly in love with you but, I am not blind to see you."

"Ano ba ako sayo?"

"Isang taong, naghahanap ng lugar para sa sarili nya. May gustong patunayan pero selfish enough para ma-realize that you're not doing it right. You made yourself think that the world revolves around you but it's not. You always end up wondering."

Sa sinabi nya, para ba'ng nagalit ako at gusto ko'ng ipagtanggol ang sarili ko pero na-realize ko na tama sya. At hindi yun madaling tanggapin.

"We're back!"
Biglang bumukas ang pintuan at nakita ko na magkasamang papasok si John at ang Ina ni Kerby na may dalang mga pagkain.

"You're here."
Sabi ni John ng makita ako.

"Oh hello, you must be Jhon?"
Tanong naman ng Ina ni Kerby saakin.

Lumapit naman ako at nag-mano sabay kuha ng mga dala nya para ilagay sa mesa.

"Thank you Jhon."

"No problem po." :)

Nakita ko naman na hinahanda ni John ang pagkain ni Kerby.

"Ahhh...alis na po siguro ako. Babalik nalang po ako bukas."
Sabi ko sa Ina ni Kerby.

"Sige...Kerby, aalis na si Jhon."

"Okay...Ingat ka." :)

"Okay."

At lumabas na ako ng kwarto.

"Jhon, sandali."

Narinig ko'ng tinawag ako ni John.

"Bakit?"

"Mag-usap tayo." Sabi nya.

Okay...para saan naman kaya?
O__O

Nasa hallway lang kami ng hospital at mukhang seryoso ito...

"I will say it to you straight face...Kerby is weak and she's not doing any better."

"I know that."

"So what's up with you?..ano ba ang gusto mo at nandito ka?..may gusto kaba sakanya o this is just part of your social experiment just to see if you can get something from a girl who have a crush on you for three years now?"

"Ganyan ba ang tingin mo saakin?"

"Ganyan ang tingin ng lahat sayo. Player. Kung ako sayo, mag-hanap ka nalang ng ibang mapaglalaruan mo."

Red Letter DaysWhere stories live. Discover now