Kabanata 7

72 6 3
                                    

Gumising ako ng mas maaga kaysa sa karaniwan, kinabukasan. I needed to do that because it will took two hours before I reach Yuhuico Headquarters. Tinatamad man ay naligo pa rin ako at maliksing inayos ang mga gamit ko.

I put on my usual make-up then wear a below the knee black pencil skirt with a small slit at the back and a burgundy peplum top paired with some neutral heels.

Papasok na sana ako sa dining area ngunit natigil ako dahil sa narinig kong pag-uusap ng mga magulang ko.

"Hindi mo na dapat binenta ang bahay ninyo, napakaraming mahahalagang ala-ala ang naroon..." dinig kong sabi ni Daddy. Sumilip ako at nakita kong may iniaabot na atm card si mommy sa kanya. "Alam mong hindi ko matatanggap iyan, honey."

"Para sa anak natin 'to. I'm pretty sure, magrerequest iyon at sasabihin niyang roon na siya sa Makati hahanap ng matutuluyan para hindi siya mahirapan sa araw-araw na biyahe papasok ng trabaho. Kilala mo ang batang 'yon," mahina ngunit puno ng emosyong sabi ni Mommy.

I felt a sudden guilt while staring at the atm card. Ang bahay na ibinenta ni mommy ang kahuli-hulihang ala-ala ng yumao niyang mga magulang at ng kaniyang lola. Hindi ko maaatim na gamitin iyon. Planado ko na kagabi na hihingi ng pera sa kanila ngunit nagbago na iyon ngayong narinig ko ang usapan nila.

Biglang sumakit ang ulo ko dahil na-reached ko na ang credit limit sa lahat ng credit cards ko. I guess it's time to sell all of my luxury items.

Huminga ako ng malalim at in-exhale ang negative vibes sa katawan ko.

You can do this, Clíodhna!

"Morning, love birds!"

I greeted them a great morning and kiss both of them on their cheeks. Tulala sila habang naglalagay ako ng sinangag at sunny side-up sa plato ko.

Nakita kong pinaglalaruan ni Daddy sa mga kamay niya ang atm card na ibinigay kanina ni Mom kaya inunahan ko na siya. "May nakita po akong apartment for rent malapit sa magiging trabaho ko at nakapag-down na po ako for six months advance and one month security deposit."

Kapwa sila nagulat.

"Where did you get your money?" usisa ng ama ko. Pinagmasdan niya ako ng husto kaya tinatagan ko ang loob ko para hindi niya ako mahuling nagsisinungaling.

"Dad, ibinenta ko po ang iba kong mga gamit." Gusto kong palakpakan ang sarili ko dahil hindi ako pumiyok ni nagmintis sa pagsasabi ng hindi totoo. But I am finger-crossing beneath the table.

"But you love your things," Mom cut in.

"You all love Samaniego La Ferme but you still gave it to Yuhuico. I can also give away my things," sabi ko na ikinatahimik nila. Tumikhim ako at humingi ng paumanhin dahil hindi na sila nakapagsalita matapos ang ilang minuto.

"It's our last straw, honey. I hope you would understand our decision. Kapakanan ng mga manggagawa ang inisip namin..." Dad said.

"I'll try to understand, Dad... Mom... Magtatrabaho po ako ng maayos sa kanila." I then dig in with my meal and bid them goodbye after.

Hindi ko sigurado kung malalampasan ko ang pagtatrabaho kay Yuhuico ngunit kakayanin ko.

Saktong alas-otso kuwarenta y singko ng umaga nang makarating ako sa Yuhuico Headquarters. Kaagad kong nakita si Iris na pababa ng kaniyang kotse. "Hi! Handa ka na ba sa giyera?" she said, teasingly. Katulad ko ay naka-pencil skirt din siya, nakaflat-shoes nga lang. Ngunit kahit wala siyang suot na heels ay mas matangkad pa rin siya kaysa sa akin.

"Handa na," I utter, seriously. Sinundan ko siya dahil ipakikilala raw niya ako sa mga empleyadong naroon.

"Bihira mo lang sila makakasalamuha dahil magiging kasama mo si Boss araw-araw. Ikaw ang mag-oorganize ng lahat ng schedule niya at ang pinakaimportante sa lahat, you have to remind him to eat on time. Lagi kasi niyang nakalilimutang kumain."

"Teka lang," hinawakan ko siya ng bahagya para patigilin sa pagsasalita. "Kung gagawin ko iyon, ano na ang magiging trabaho mo?"

She laughed inwardly, "Kung alam mo lang, napakaraming utos ng boss ko. Pasalamat nga ako at kinuha ka niyang assistant kung hindi baka magretire na ako ng mas maaga." She flipped her hair in the air and I followed her when she enters a room.

Bumungad sa amin ang isang malawak na opisina, detailed lahat at organisado ang mga kagamitan. Sa isip ko ay nakababahalang hawakan ang isa sa mga gamit roon, hatalang orderly-disciplined ang may-ari.

Napukaw ang atensiyon ko sa Piedmont golden hand vase na naroon sa executive table. May gerbera daisies pang naroon, iba-ibang kulay.

Natigilan ako dahil paborito kong bulaklak ang mga iyon.

Napansin siguro ni Iris na doon ako nakatingin kaya nagsalita siya. "Regalo 'yan nung isa sa flings niya. Ayaw naman niyang ipatanggal dahil nakaka-attract raw ng good vibes."

Napatango na lang ako ngunit halos mapasigaw ako nang biglang sumulpot mula sa isang silid ang boss niya.

His hair is still quietly wet, halatang katatapos lang maligo. His suit and tie are on, mukhang freshly-shaved din siya dahil amoy ko ang aftershave niya.

"It's good that you're on time, Miss Samaniego," he greets me. Sasagutin ko sana siya ngunit nagbigay na agad siya ng utos kay Iris. Nanatili akong nakatunghay sa kanila at hindi alam ang gagawin. Natapos sila makaraan ang labin-limang minuto.

"This is his schedule for today and please don't forget his meal," ipinasa niya sa akin ang isang folder. "Siya nga pala, roon ang mesa mo," turo niya sa mesang nasa loob mismo ng opisina.

What the h—!

"Where is my first meeting?" He snapped on me. Napaigtad ako at agad na binuksan ang folder.

"You have an investor meeting in Okada at eleven a.m., a late lunch meeting in The Alpha at 1:00 o'clock, a golf meeting with team members at 3:30 p.m..." habang nagsasalita ako ay may binabasa siyang business paper. Ramdam kong nakikinig naman siya sa lahat ng sinasabi ko dahil tumatango siya.

Pero gusto kong batukan ang sarili ko ng mga oras na iyon dahil ninanamnam ko ang bawat pagkakataon na sumulyap sa kanya dahil hindi siya nakatingin sa akin.

Bravo, Clíodhna! Bravo!

Clíodhna Samaniego (Inamorata SERIES 3)Where stories live. Discover now