Kabanata 18

72 10 6
                                    

"I'll be completely honest with you, Miss Samaniego. I don't like how you're presenting this deal to me. Mr Yuhuico is what I'm looking for. ."

The Swedish guy in her 40's with a tragic haircut shook my hand after meeting with them.

I was suddenly disappointed upon hearing it. "Could you reconsider it, Sir?"

Umiling siya at pinaupo akong muli. "You are not the problem here. I want to personally deal with Mr. Yuhuico. Don't feel bad about it."

Ngunit kahit sabihin niya iyon ay parang pinagsakluban ako ng langit at lupa. Bilyones na deal iyon! Mabuti sana kung thousands lang. "I apologise in behalf of him, Sir." Tumayo ako at yumuko upang humingi ng despensa.

He laughed with his assistant. "Yuhuico handles rejection fairly frequently on my team. He can take another setback."

Biglang parang mas dumoble ang naramdaman kong panghihinayang sa narinig ko. And hearing Yuhuico being rejected struck a strange pain in my heart. Nang tumayo sila at umalis ay hindi ko malaman ang gagawin ko. Nanatili ako roon at tulalang binasa ang mga data ng project proposal ko.

Paano na ngayon yan? Tiyak na madidismaya sa akin si Yuhuico. Wala sa loob akong naglakad-lakad hanggang sa makarating ako sa kuwarto namin. Laglag ang balikat kong binuksan ang pinto habang kumukuha ng buwelo para sabihin ang masamang balita.

Ngunit napanganga ako sa naabutan ko, pagbukas ng pinto.

"What are you doing?" Ibinaba ko agad sa couch ang mga dala ko at mabilis na naglakad palapit sa kanya.

Tumatawa siyang tumayo!

Ginawa niyang headband ang panty ko! Ginawa niya iyong parang korona sa ulo niya!

"Nababaliw ka na ba?" Halos umusok ang ilong ko habang inaabot ang panty kong itinaas na niya gamit ang mahaba niyang kamay. "Akin yan!"

"I want this," he playfully stated. I could feel his hot breath because I was so close to him. Sinalat ko ang noo niya at sobrang init pa rin niya! Mas dumoble pa ang init niya kaysa kanina. Nagdedeliryo na yata kaya wala siya sa katinuan ngayon!

And he was slightly coughing while towering me. Sobrang pungay na rin ang mga mata niya.

Umatras ako at namaywang sa harap niya. Inilahad ko ang palad ko. "Give. It. Back. To. Me!" Sabi ko na may diin sa bawat salita.

He pouted cutely but didn't budge despite my yelling. Muli niyang isinuot sa ulo niya ang panty ko. Hindi ako makapaniwalang ganito umakto ang isang bilyonaryo tuwing nagdedeliryo dahil sa lagnat.

Tumakbo pa siya palabas ng balcony. "Bleh, this is mine!" He playfully said while sticking out his tongue.

Laglag ang panga ko sa ikinikilos niya. Hindi ko na lang napigilang tumawa habang kumekendeng siya at iwinawagayway ang kanan niyang kamay na parang rumarampa.

Nang mapagod siya ay pumasok siya sa loob. He tucked himself into bed while holding my undies. "Akin 'to, don't steal it," he said while glaring at me.

Nanghina ako sa kakatawa. Kung masama lang akong tao ay vi-nideohan ko na siya at ikinalat sa madla ang itsura niya ngayon.

Nang masilayan ko ang taas-baba na paghinga niya ay naghanda akong muli ng warm bath para sa kanya. He stood about six feet inches tall kaya pawis na pawis ako habang pinupunasan siya. He had a well-toned body, too. Nang igawi ko ang basang bimpo sa paa niya ay napalunok ako. Wala sa loob kong sinukat ang paa niya gamit ang kamay ko.

Halos dalawang dangkal! 12 inches!

Napalunok ako at agad na pinaypayan ang aking sarili. Iwinaksi ko ang lumot sa utak ko at ipinagpatuloy ang pagbabanyos sa kanya. Muli ko siyang ginising at pinainom ng gamot pagkatapos ay tumawag sa front desk para kunin ang pinagkainan ng lalakeng kasama ko.

The next day, he miraculously recovered. Balik na naman siya sa pagiging seryoso sa buhay. He went to a conference meeting and then returned at night. Nakatulog ako sa kama nang gabing iyon kaya sa couch siya humiga. Naalimpungatan ako bandang alas dose at naawa ako sa lagay niya kaya ginising ko siya at sinabing lumipat na sa kama.

"No, I laid there last night. It's your turn tonight," he said while covering his eyes with his arms.

"Hindi ka komportable riyan. You'll have back aches by tommorow."

Napamulagat siya at tumayo. He's checking my back kaya naguguluhan akong nakatingin sa ginagawa niya. "Ayos lang ba ang likod mo?"

"Silly. I had a sound sleep last night." Itinulak ko ang bigat niya palapit sa kama. "Diyan ka matulog, ako sa couch."

Humawak siya sa batok habang sinisimulang umupo sa gilid ng kama. "By the way..."

"Hmm?" Tumingin ako sa kanya dahil nag-aalangan siyang sabihin ang dapat niyang sabihin.

Nag-iwas siya ng tingin at inilipat ang pansin sa may balcony pagkatapos ay tumikhim siya at muli akong tiningnan. "I appreciate you taking care of me during my high fever. Did I do something that's awful?"

Umiling ako habang kinakagat ko ang inner cheek ko para pigilan ang pagngiti ko. "Wala kang ginawa."

Ngunit duda siguro siya sa sagot ko. "Really?"

"Yes."

Ramdam kong parang nabunutan siya ng tinik kaya nag-loosen up siya. "And regarding about the deal yesterday, you don't have to worry about it. I can close the deal on the right time," he said with conviction in his words.

"Aren't you fed up of getting rejected with their team?"

Ang grupo ng mga Swedish na nakausap ko kahapon ang humahawak sa World Trading Industry. They are a group of billionaires who dominates especially the European and North American markets . Gustong palawakin ni Yuhuico ang kapangyarihan niya kaya nais niyang mapabilang sa kanila.

"Being rejected is a part of life, Clíodhna. Rejection is simply a redirection; it does not mean its the end of my career. I have to work hard para matanggap na nila ako sa susunod. Simply as that."

Natulala ako sa sinabi niya.

"I have the power to stop myself from being rejected, but I always chose not to give up, Clíodhna." dagdag pa niya.

Tumango ako habang pinapanood siyang balutin ang sarili niya sa kumot.

"Then why did you gave up on me when I rejected you?" Hindi ko napigilan ang sarili ko.

Huli na dahil nasabi ko na.

Bahagya siyang umiling at ipinikit ang mga mata. "Clíodhna, you weren't worth the fight that time because I felt you didn't like having me as your boyfriend. But I think this time..."

Clíodhna Samaniego (Inamorata SERIES 3)Where stories live. Discover now