Kabanata 22

84 10 10
                                    

Kabanata 22

Hindi pa man humahalik ang liwanag ng bukang-liwayway ay bumangon na ako at naligo. Lunes ngayon at pinahadong traffic na naman sa SLEX. I only wear my black Burberry oversized hoodie at nagsuot lang ako ng dolphin shorts. I am comfortable wearing them, but I bet my father would show me his forbidding expression if he saw me now.

Napailing na lang ako sa naisip. Isinukbit ko sa kaliwang braso ang duffel bag at tahimik na isinarado ang pinto ng kuwarto. The lights were all still off, indicating that everyone was still asleep. Ang liwanag lang mula sa dulo ng hallway ang ginawa kong gabay para makapaglakad ako at hindi nangangapa sa dilim. Sinabihan ako kagabi ni mommy na ipahahatid niya ako ngunit ayaw kong makaabala kaya ako na lang ang magda-drive para sa sarili.

I inserted my earpods in my ear and selected relaxing music as I strided my feet on the grand staircase, but I halted from stepping when I saw my father sitting on the white single sofa. Medyo basa pa ang buhok at nakadekuwatro siya. Mukhang kanina pa niya ako hinihintay base sa itsura na.

Nagmulat siya ng mata nang makababa na ako at papalapit na sa kanya.

"Good morning, Dad," I awkwardly said. "Maaga po kayong nagising?"

"Morning..." He replied in his rough voice. Tumayo siya at walang imik na kinuha ang duffel bag mula sa akin. Napanganga na lang ako sa pagtataka. "I will drive for you. Let's go..."

Nagtataka man ay sumunod ako sa kanya. Hindi maiwasang magdiwang ng puso ko dahil nagiging caring na ulit siya. Marahil ay may kinalaman ito sa pakikipagrelasyon ko kay Matteo. Boto sila sa kanya kaya maayos na ang pakikitungo niya sa akin.

Gusto kong i-angkla ang kamay ko sa braso niya gaya ng nakagawian ko noong dalaginding pa lang ako ngunit pinigilan ko ang sarili. Baka kasi ayaw ni Daddy at isipin niyang feeling close na ako.

Isinantabi ko ang pagsi-self-pity dahil walang pupuntahan iyon. Nagpapasalamat na lang ako na kasama ko siya ngayon. Wala kaming imikan kahit noong nasa biyahe na kami.

We even drive-in to a 24-hour fast food chain for our breakfast.
 
"Iyon pa rin ba ang breakfast mo?" His face is still serious but I could tell he is not frowning now.

"Opo, dad."

Sinabi nga niya sa intercom ang nakagawiang agahan ko kasama ang order niya. Tahimik ulit siya noong kinuha na niya ang pagkain sa dine-out counter.

"Thank you, Dad." I smiled when he handed me the fruit and maple oatmeal.
 
He smiled a bit saying, "Careful it's still hot."
 
"Paano ka po?" tanong ko dahil nag-drive na siya ulit. Hindi niya ako nilingon, nag-focus lang siya sa daan.

"Let me sip the coffee," mahina niyang sabi. Nahihiya pa ang daddy kong mag-utos. Dati ay sobrang komportable kami sa isa't-isa. I'm her princess and he was my King.

I blew the coffee first. Medyo inangat ang puwetan ko at iniumang sa kanya ang mainit na kape. Sumimsim siya ng marami at ngumiti. "Thank you, h-honey," he said awkwardly.

I bite my inner lips, trying to hide my smile from him. Tumingin ako sa labas. Ganoon lang kami hanggang sa makarating kami sa Makati. Tahimik, hindi nag-uusap ngunit walang malamig na ere sa pagitan namin.

Akma ko nang bubuksan ang pinto ng kotse ko nang magsalita siya.

"Are you happy with Matteo?"

Lumingon ako sa kanya. I smiled. "Very, dad."

I noticed him swallow a large lump in his throat. "Sinagot mo ba siya dahil mahal mo siya o —" He paused for a moment, then sighed. "O sinagot mo dahil gusto namin siya para sa 'yo?"

Clíodhna Samaniego (Inamorata SERIES 3)Where stories live. Discover now