Kabanata 9

82 7 8
                                    


He isn't talking to me again upon arriving at the headquarters. As if nakikipag-usap talaga siya, 'di ba? Dapat sinasanay ko ang sarili ko na tiyaka lang niya ako kakausapin kapag tungkol sa trabaho.

"Compile a report of the investor's meeting and I will read it tomorrow," he ordered. Tumingin siya sa orasan at sinabing makakauwi na ako.

Hindi ako umimik at kinuha ang bag ko sa aking pinaglapagan kaninang umaga. Nang lingunin ko siya para magpaalam ay nakalapat na ang likod niya sa executive chair. Bahagyang nakatingala ang ulo niya at nakapikit. Napansin ko ang nakasampay na coat niya sa rack. Bahagyang nakabukas ang dalawang butones ng suot niyang waistcoat at nakalas na rin ang kaniyang necktie.

I was taken aback by how attractive he is! He really improved a lot and deep inside, I had a wishful thinking I was there while he's undertaking the challenges in his life.

Higit ko ang hininga ko nang bigla siyang dumilat at nahuli niya akong nakatitig sa kanya. "May kailangan ka pa?" He speaks coldly.

Umiling ako at kaagad na lumabas na hindi nagpapaalam. What a day!

I went to a tea house nearby and dialled one of ate Alyanna's friend, he immediately answered. "Yow!" Mala-jejemon niyang sagot.

"Do you have any available unit now?"

"Kailangan mo na ba?" tanong niya.

"Ay, hindi. Kailangan ko sa next life ko," pamimilosopo ko ngunit hindi yata niya narinig dahil maingay sa lugar kung nasaan siya ngayon. Dinig ko ang malakas na huni ng construction sa background niya.

"Pasensiya na, maingay dito," sigaw niya para magkaintindihan kami. Mabilis siyang naglakad. Maya-maya, pumasok siya sa built-in office niya. "Kung kailangan mo na iyon ngayon, wala akong maibibigay sa 'yo. Full slot lahat ng unit ko. Kay ate mo ikaw magtanong," tukoy niya sa asawa ng kuya ko.

"May iba ka pa bang kakilala?"

"Oh! Si Levy, wait lang forward ko number niya sa 'yo. Tamang-tama, around Makati lang din ang area niya. Nabanggit sa akin ng Kuya mo na ngayon ang start ng trabaho mo. Ang sabi niya'y may nahanap ka na raw na unit. Bakit nga pala naghahanap ka ulit?"

Hindi ako nakasagot. Nag-backfire kaagad sa akin ang pagsisinungaling ko sa aking mga magulang. "Hindi ko gusto ang nakuha ko," tanging iyon na lamang ang lumabas sa bibig ko.

"E, paano iyong ibinayad mo?"

"Ibinalik naman."

Dinig ko ang paghinga niya ng malalim. "Mabuti naman. I know you're disoriented sometimes. Ibababa ko na 'to, tawagan mo agad si Levy," bilin niya.

Matapos niyang patayin ang tawag, kinontak ko kaagad si Kuya Levy. Ilang ring pa ang dumaan bago niya ito sinagot.

"Anong maipaglilingkod ko, mahal na prinsesa?" bungad niya.

Napataas ako ng kilay. "Ganyan ba lahat ng pick-up lines mo sa mga kliyente mo?"

He laughs. "Seryoso ako sa mga kliyente ko. Sa 'yo lang, hindi."

"How come you know it's me?"

"Your number is in my contacts."

Hindi ko na lang tinanong kung paano niya nakuha dahil alam ko na kung sino ang nagbigay.

"You're in need of a unit?"

"Malamang! Hindi kita kokontakin kung hindi ko kailangan ang serbisyo mo."

He laugh again. "Napakasakit mo talagang magsalita. Kaya ka iniiwan, e!"

"Tse!" Nagpasalamat ako sa server nang ilapag niya sa mesa ang order kong tsaa.

"Kidding aside, may available unit ako. May owner pero —"

"Sira ka ba? Mayroon pa lang may-ari tapos ibibigay mo sa 'kin?" Putol ko sa sasabihin niya. Muntik ko pang maibuga ang kakainom ko lang na tsaa matapos kong makita kung sino ang papasok sa tea house.

Yumuko ako at kunwaring may kinukuha sa bag ko.

"Nariyan ka pa?" pukaw ni Kuya Levy sa atensiyon ko.

"Oo. San ba banda 'yon?" tanong ko, nakayuko pa rin.

"Malapit lang diyan sa pinapasukan mo. Teka, nasaan ka ba ngayon? I can meet you, malapit lang ako sa Yuhuico headquarters."

Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin para i-check kung nakalagpas na ba ang boss ko. And yes, he is already in front of the cashier.

"Hindi ba ako makaaabala sa 'yo?"

"Nah...Abala ka pero sanay na ako," he laugh again. "Narito ka pa ba o umuwi ka na?"

"Andito pa ako, nasa tea House malapit sa HQ."

"Oh! I knew that place! Wait mo ako riyan, bye!" He hungs up immediately. Pagbaba ko ng phone ko ay napahawak ako sa dibdib ko dahil nasa harap ko na pala ang boss ko! Ni hindi ko namalayan ang paglapit niya.

"Care if I share a table with you? Wala na kasing bakante," he motioned his hand to show me the whole area and it's crowded. 'Tong table ko na lang ang walang ka-share.

"Carry on," I said without paying an attention to him. I heard the sound of the chair screeching as he drags it. Amoy ko ang pabango niya dahil nakatutok sa likod niya ang isa sa stand fan na naroon. Pinigilan ko ang sarili kong samyuhin iyon at pumikit.

Wala siyang imik na uminom ng tsaa. Habang umiinom din ako ay tahimik kong ipinapanalangin na sana dumating na si Kuya Levy.

At hindi nga nag-laon ay nakita ko ang bulto niyang papasok ng tea House. Excited kong ikinaway ang kamay ko para makita niya ako kaagad, "Over here!"

Upon reaching our table, he took a seat beside my boss. Ni hindi niya nilingon kong sino ang kasama ko. "Tapos mo na bang inumin 'yan? We can go a quickie and I'll send you home after."

Kasabay ng pag-ubo ni Yuhuico ay lumaki ang mga mata ko. Hinampas ko ng bahagya ang kamao ni Kuya Levy na nakadantay sa mesa. Agad akong tumayo dahil kita ko ang panghuhusga ng boss ko dahil sa tingin niya. I bet had a malicious thinking!

"Tara na ba? Ipakikita ko sa 'yo kung gaano kalaki." He also stands up and reached for my hand. Napatianod na lamang ako sa kanya kaysa makita ang panghuhusga sa mga mata ng lalakeng iyon.

Mabilis kaming nakarating doon dahil sobrang lapit pala, walking distance lang. Malawak ang condo at mayroon iyong dalawang kuwarto, may mini-balcony pa.

Not bad.

"The bigger room is occupied and still locked. Hindi pa kasi binabalikan nung may-ari ang mga gamit niya but she gave me a thumbs-up in renting her unit. Kung uuwi man siya ay umaga o kaya tanghali dahil graveyard shift siya. She's also working nearby, hindi ko alam kung anong issues niya at hindi na niya inuokopahan 'to," kuwento niya. He let me sit down and served me a bottled water.

Tumayo ako at muling ineksamin ang buong unit. Pinag-usapan namin kung magkano ang babayaran at wala pang ilang minuto, settled na kami.

"Kailangan mo ba ng tulong para sa paglilipat-bahay mo?"

Umiling ako, "Kaya ko na yun. Kaunti lang ang gamit na ililipat ko."

Muli kong iginala ang tingin ko sa tahimik na condo bago kami umalis.

It's time to live alone again.


Clíodhna Samaniego (Inamorata SERIES 3)Where stories live. Discover now