Kabanata 10

94 9 6
                                    

Living alone seems new to me after I packed my things and bid goodbye to my mom. Wala noon si Dad, maagang umalis dahil dadalaw daw siya sa kumpadre niya. Hanggang ngayon ay umaasa pa rin siyang mahahanap ang kaibigan niyang tumangay ng pera ng kumpanya.

"Hindi mo ba talaga dadalhin ang iba pang grocery na pinamili ko para sa 'yo?" Nakaangkla ang kamay ni Mommy sa braso ko. Napansin ko ang malamlam niyang mga mata.

Umiling ako. "Hindi na po. Malapit lang ang supermarket sa tutuluyan ko, Mommy." Inilagay ko sa trunk ang kahuli-hulihang gamit ko.

"Kaya mo bang i-akyat ang lahat ng 'yan?" Halata pa rin sa kanya ang pag-aalala.

Nilapitan ko siya at hinalikan sa pisngi sabay hawak sa kanyang malambot na kamay. "May mag-aassist po sa akin roon. Don't worry, Mom. I'll be fine."

Ngumuso siya at yumakap sa akin, "I know you're a big girl now and you are ready to fly but I can't help myself." May bikig sa lalamunan niyang sabi. "And I know you are responsible but please..." She withdrawn from our hug and look intently into my eyes. "Call us often, anak. Iyon lang para hindi ako masyadong mag-alala sa 'yo. Alam ko kasing ayaw mong dinadalaw ka kaya sana tumawag ka kapag hindi ka masyadong busy."

I smile and repeatedly nodded, "Opo, Mommy. I'll keep in touch."

However, working life is incredibly demanding and exhausting. Lagi akong pinag-o-overtime ni boss dahil malapit na ang foundation ng Yuhuico Investment Corporation.

"Review this file. We must put into action what has to be done in order to make progress on our projects to your company." Salubong ang kilay niya at tumayo sabay hakbang papalapit sa akin. Ilang pulgada na lang ang layo niya sa akin nang dumukwang siya kaya naamoy ko ang mamahalin niyang pabango.

Control! Sigaw ng utak ko. Seryoso kong tinanggap ang files at agad iyong binasa. Nanatili lamang siyang nakatayo sa harap ng working table kaya hindi ako nakapagpigil na magsalita. Hindi kasi ako sanay na sobrang lapit niya sa akin. "May iuutos ka pa?" I heard his aggressive breath so I tone down my mood. "Sir?" dagdag ko.

"Nothing. Work on that within this day."

"Pero, Sir. Nag overtime ako kagabi tapos buong week na ganoon din, last week. Hindi ba puwedeng i-uwi ko na lang 'to at sa bahay ko na lang tatapusin?"

"No. You know it is a confidential file. Hindi lang naman ikaw ang nag-o-O.T. Pati rin ako kasama ang mga empleyado sa labas."

Pfft! Suhulan mo ba naman ng double pay at night diffential, sinong hindi tatanggi? He truly demonstrates his clear manner of expressing his dominance over his people. Kaya mabilis niyang naabot ang posisyon kung nasaan man siya ngayon. Ngunit kahit ganoon ay respetado pa rin siya ng mga empleyado niya.

"Okay," iyon na lamang ang naisagot ko. Kahit masakit na ang batok at bumabagsak na ang mga mata ko ay pinilit ko pa ring tapusin ang pag-aanalisa sa mga datos na naroon. Paminsan-minsan ay sumusulyap ako sa kanya. Tutok pa rin siya sa ginagawa niya.

Napaangat ako ng tingin matapos marinig ang pagkatok sa bukas na pintuan.

"Kain muna kayo ng dinner," masayang sabi ni Iris habang bitbit niya sa magkabilaang-kamay ang take-out food galing sa isang kilalang hotel. "Dali! Habang mainit pa..." Naglakad siya sa mini pantry at kita ko mula sa blinds ang pagbukas niya sa mga ulam. Pinaypayan niya iyon at humalo sa buong opisina ang amoy ng mga ulam. "Ang sarap nito, o! Boss! Luna..."

Kaagad akong tumayo at lumapit sa kaniya. Naglaway ang bagang ko pagkatapos kong makita ang mga binili niya. Kimchi fried rice at roasted salmon!

"Tawagin mo," she said in a very low voice.

"Busy pa siya," bulong ko rin.

"Bahala ka na rito, may ginagawa pa ako sa labas." Tinapik niya ako sa balikat at kaagad na umibis sa kabila palabas ng opisina. Ako naman ay kumain kaagad. Natapos na ako at lahat pero hindi pa rin dumudulog sa hapag ang boss ko.

Binuhat ko ang meal box at dinala iyon sa kaniyang mesa.

"Dig in." I said, standing beside him.

"Later," he replied, still focusing on his paperworks. Sinulyapan ko iyon. Kasalukuyan niyang nirereview ang kontrata sa isa sa mga group of companies niya. Tumayo ako roon at hinintay na pirmahan niya iyon.

"Hep... Hep..." pukaw ko sa atensiyon niya nang kukuha ulit siya ng kontrata na irereview. Tiningala niya ako. "Kumain ka muna. Mamaya na yan, hindi naman yan tatakbo."

Ngunit hindi siya nakinig sa akin. Kinuha pa rin niya ang nasa folder. Hinintay ko siyang muli. Nang mangawit ay ibinalik ko sa pantry ang pagkain. Isa-isa kong inalis sa harap niya ang lahat ng files at inilipat iyon. Muli kong binalikan ang pagkain, saktong katatapos lang niyang pumirma pagkarating ko sa tabi niya.

"Mamaya na ang iba, Sir." Inilapag ko sa harap niya ang ininit kong pagkain. Wala siyang choice kundi kumain dahil kinuha ko na mula sa kaniya ang hawak niyang dokumento.

Pasado alas diyes y medya na nang matapos kaming dalawa. Kasabay ng paglabas namin ay ang paglabas rin ng mga empleyado niya.

"See you tomorrow, Sir!" kaway sa kaniya ng mga kababaihang naghihintay ng shuttle bus na maghahatid sa kani-kanilang bahay.

"Yeah. Thank you for your hard work. Puwede kayong pumasok kahit after lunch." Ibinulsa niya ang kaniyang kamay sa suot niyang itim na pantalon.

Nagpasalamat silang lahat maliban sa akin. Nakisabay na ako sa mga empleyadong sa malapit lang din nakatira.

"Saan ka pa pupunta?" tanong sa akin ni Lily. Nilagpasan ko kasi ang condo na tinutuluyan ko.

"May bibilhin lang sa All Day."

Inihatid pa nila ako roon. I needed to buy some grocery supplies dahil nauubusan na ako ng pagkain. Kailangan ko ring bumili ng washing liquid para sa mga damit ko, gabundok na iyon!

"Mas makakatipid ka kung ikaw mismo ang maglalaba sa mga damit mo." Umaalingaw-ngaw pa rin ang mga paalala ni Kuya sa akin noong nakaraang araw. Sinermunan din niya ako sa monthly credit bills ko. "Try to plan your personal budget and cut down some of your unnecessary needs. Malaki ka na, Clíodhna. Hindi na dapat sinasabi sa iyo iyan. You want to be independent then be an independent woman. Be responsible. Hindi iyong kada-buwan may malaking bill ng credit card ang dadating sa Laguna."

When I went home that weekend, I sold all of my luxury bags. Binayaran ko lahat at ang natira ay itinabi ko para sa future investment. Kumuha rin ako ng insurance.

Adulting is quiet difficult, I must say!

A/N:
Puwede niyo po akong i-correct sa mga grammar ko. Salamat po :)
- J U A N

Clíodhna Samaniego (Inamorata SERIES 3)Där berättelser lever. Upptäck nu