Chapter 30

347 23 0
                                    

Brie's POV

Sa pagbalik Ng dalawang Ito na Walang ibang kasama ay Alam ko na Ang ibig nitong sabihin.

Napaupo ang mga ito sa bato malapit sa kina-uupuan ko. Kapwa silang hinihingal sa paghahanap sa babaeng iyon na di man Lang nakabalik kagabi.

Hindi ko Naman sinabing magpakalayo-layo siya sa paghahanap Ng prutas o Kung anong makakain riyan at di ko inaasahan na di na Ito makababalik pa.

"Huwag ka nang mag-alala tita brie dahil natitiyak  Kung sa mga oras na Ito ay narrating na ni Sam ang pusod nang kagubatan, ‘yon nga Lang Wala siyang ka-ide-ideya naroon na siya" naputol Ang aking pag-iisip Ng magsalita si devon na siyang ikinakunot ko Ng noo.

“at paano ka Naman nakasisiguro?” Kahit na Alam nito Ang lahat nang nangyayari sa kagubatang Ito ay Hindi ko pa Rin mapigilang magduda dahil sa mga ikinikilos nito.

Ngumiti Ito at kinuha Ang mga gamit na dala namin sabay baling Ng tingin sa Amin Ng asawa ko na Wala namang imik.

"Sundan niyo na lang ako at nang mabilis tayong makarating sa aking tahanan" namilog Ang aking Mata dahil sa kanyang binigkas.

"Ibig s-sabihin—"

"Huwag kanang mag-isip tita brie Tara na" sabi nito sabay talikod sa Amin.

“huwag ka nang mag-alala brie—"

"alam mo ba Ang lahat Ng ‘to?" Putol ko sa dapat nitong Sasabihin.

“ahm—"

“tara na aunties” tiningnan ko nalang nang mariin si Hailey at nagsimulang sundan si devon.

Third person's POV

"Ano nahanap nio na ba Ang kinaroroonan  Niya?” tumango Naman Kay Dion Ang lalaking inutusan nito para mapadali Ang lahat para sa kanya.

Akmang paaalisin na ni Dion Ang lalaki ngunit bigla namang bumukas Ang pinto.

"don't be such a couch potato Dion, I need my girl back, come on" Sabi nito sabay marahas na sinara Ang pinto.

"Lead the way" Sabi Naman ni Dion sa utusan na agad Naman nitong sinunod.

Sa kabilang banda ay Ang babaeng kakagising Lang sa mahimbing na pagkatulog sa isang komportableng higaan naroon sa kweba.

Nakaupo Naman sa di kalayuan Ang Isang matandang babae habang nakangiting pinagmamasdan ang babaeng Walang Kahit na anong Alam sa nangyayare.

“kumusta Naman Ang iyong tulog iha?” malambing nitong tanong sa babaeng napahawak sa puso dahil sa Walang pasabing pagsasalita Ng magtanda.

Bigla namang napabuga ng hangin si Sam sa bahagyang paglakas Ng kangyang tibok Ng puso. Dahan dahan nitong tiningan Ang matandang babae na ngayon ay mukhang natatawa sa kanyang reaksyon.

Napangiti si Sam Ng pilit at pilit itong sinagot. “ang malabot na kamang Ito ang siyang nagpababa ng nararamdaman Kung pagod"

“Siguro'y mas mabuti Kung may kasama ka sa iyong tabi" makahulugang tugon Ng matandang na siyang ikinalungkot ni Sam.

“kung Ang aking kabiyak ay di nawala sa masukal na kagubatang ito'y di Sana ako magdurusa Ng ganito at Kung siya'y pinakinggan di Sana'y Ang trahedyang itoy di mangyayare sa aking tanang buhay" malalim na buntong hinga Ang pinakawalan nito at tuluyan nang Napaupo Mula sa pagkakahinga.

"Sa itong kutis ay di mapaghahalataang Ang katulad mong rosas ay may asawa na" ngumit lamang si Sam. sa komplementong sinabi Ng magtanda.

"Vena Ang aking pangalan, at sa pagdating ko sa aking tahanan at tila nawalan na ako nang higaan" dagdag pa nito.

Nakaramdam Naman nang hiya si Sam sa misteryosong matanda na panay ngiti Lang sa kanya nang Walang dahilan.

Nabahala tuloy ito ngunit  sa isip-isip nito'y mukha namang mapagkakatiwalaan Ang matanda at Kung Sino man sa kanila Ang di dapat na mapagkakatiwalaan ay siya iyon dahil Hindi Naman niya iyon bahay para bastang pasukin at tulugan.

"Pagpasenyahan mo na Po Ang aking Walang pasabing pagpasok sa iyong tahanan, Sam nga Po pala" sabay Tayo ni Sam para batiin Ang matanda.

Napansin nang matanda Ang bahagyang pagdaing sa mukha ni Sam Kaya Naman sinuri niya ang buong katawan nito.

"Wala ito, Wala namang nawala sa aking ariarian at natitiyak Kung may mas higit pang kagamitan Ang naroon sa iyong tahanan kumpara sa narito" napatango Naman si Sam sa matanda at ngumiti.

Hindi alintana ni Sam Ang pagkurap kurap Ng Mata nang matanda, at ngayon ay papalapit na Ito sa kanya.

Napatingin Ito sa Mata nang matanda na kasalukuyang nakatingin sa paa nitong may dugo Kaya Naman biglang naitago Ni Sam Ang kanyang paa at kumplekadong ngumiti.

Hindi Naman iyon pinansin Ng matanda at pinaupo muli si Sam sa higaan at siguri Ang di kalalimang sugat na natamo  nito.

"Mabuti at nakita ko Ito dahil Kung Hindi ay baka di ka makalakad Ng maayos sa loob Ng  dalawang araw o higit pa dahil sa sugat"

Napaisip naman si Sam sa maaaring pinagmulan nang sugat kaya't Ng maalala niya Ito ay napatampal nalang Ito sa noo.

"Uhmm, gagaling Naman Po Yan agad Hindi?" Tumango Naman Ang matanda at inayos Ang mga gamit na gagamitin sa kanyang pangggamot.

Isang matandang babae Ito na may di gaanong maraming kaalaman Ang Alam sa medisina ngunit nagawa nitong magpagaling Ng Mahigit Isang daang pasyente sa isang araw.

Isa pa, para sa matanda ay madaling trabaho Lang Ang paggamot sa maliit na sugat.

"Bakit ikay nagmamadali at tila may sabik-na-sabik Kang makitang muli, Ito ba Ang ‘yong kabiyak?" Nakangiting tanong Ng matanda nang matapos Ang kanyang pangggamot. At dahil don ay naalala na Naman niya Ang kinaroroonan Ng kanyang asawa.

“iyon lamang Ang nag-iisang dahilan Kung bakit ako naligaw at maiwanan Ang aking mga kasama" paliwanag Naman ni Sam.

‘napakakomportable naman niyang kausap’ sa isip-isip pa ni Sam

“At bakit ka Naman napunta sa lugar na Ito? Hindi mo ba Alam na maraming mababangis na hayop Ang narito dahil sa pusod ito Ng kagubatan?" Nagningning Ang mga Mata ni Sam sa tuwa nang marinig Ang huling sinabi nang matanda at mahigpit na napayakap dito.

Nagdadalawang isip man ay ibinalik Naman Ng matanda Ang yakap ni Sam. sa di magpaliwanag na dahilan ay bigla siyang nakaramdam Ng lukso Ng dugo.

"Sa wakas mahahanap ko na Rin Ang aking pinakamamahal" lutang na Sabi ni Sam.

Sa umagang iyon ay parehong nakaramdam nang Sobrang tuwa Ang dalawa.

TBC..

THEY BETRAYED ME(Freenbecky) 𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿Where stories live. Discover now