Chapter 31

314 25 0
                                    

Third person's POV

"Dahil sa iyong ikinikilos ay Alam ko na Kung bakit ka naparito" Pambabasag Ng matanda sa katahimikan.

Ngumiti si Sam ng may halong lungkot. Ngunit Hindi dahil sa kanyang sugat kundi dahil sa pangungulila.

Nakaramdam Ng awa Ang matanda at nais Niya itong tulungang hanapin Kung Sino man Ang hinahanap niya.

"Hayaan mo iha, bukas ay tiyak na magaling na Ang iyong sugat Kaya pwede na kitang samahan sa paghahanap mo" ngiting pahayag Ng matanda na agad namang ikinangiti ni Sam.

"S-salamat po l-lola"

Masaya Ang dalawang kumain at nagkwentuhan tungkol sa mga bagay bagay, di nila namalayan Ang oras.

Sa pagsapit Ng Gabi Ang nagsindi Ng lampara Ang matanda upang masilbing liwanag sa kanyang tahanan. Naging maganda ang araw nito Makita Lang ang batang si Sam.

Nakatulog Ang dalawa na may ngiti sa labi habang iniisip Naman Ng isa Ang maaaring mangyari pagsapit Ng umaga.

Maraming naglalarong katanungan sa kanyang isip at Hindi na Ito makapaghintay na masagot iyon.

Tanging huni Lang Ng mga hayop sa paligid Ang naririnig sa preskong kwebang iyon. Napamulat Ang dalaga at nakangiting tiningnan Ang kanyang sugat.

Naghilum na Ito at di na gaanong masakit. Napatingin Ito sa labas, natitiyak niyang umaga na kahit hindi niya nakikita ang liwanag na nanggagaling roon. Marahil ay napaaga Ang kanyang paggising.

Gumalaw Ito at dahan-dahang inalis ang kamay ng matanda sa kanyang ulo, dahil rito ay unti-unting nagising Ang matanda.

"Napaaga yata Ang gising mo iha" antok pa nitong pahayag.

"Excited Lang Po" di na makapaghintay Ang dalaga Kaya nag-ayos Ito Ng sarili habang hinihintay Ang matanda.

"Oh siya, mag-iinit muna ako Ng tubig" dahan-dahang tumayo Ang matanda at Pumunta da kanyang munting kusina para maghanda.

Tumango Lang si Sam dahil sa kahihiyan, Wala itong Alam sa pagluluto Mula sa kahoy o kahit sa paggawa Ng apoy.

"A-ah ano Po ba Ang maitutulong ko?" Tanong ni Sam na nahihiya pa Rin

"Naku, umupo ka nalang Dyan iha" Sabi Naman Ng matanda

"P-pero gusto ko pong matuto Kung paano Yan" Sabi Naman ni Sam at nagpout pa

"O sige, lapit ka rito at panuorin mo nalang ako" sagot Naman ng matanda Kaya lumapit Naman si Sam at pinagmamasdan Ang ginagawa habang pinapaliwanag Naman ni vena Kung paano Ito gawin.

Nang matapos na ang pag-iinit Ng tubig at nakapagkape na Ang dalawa ay naghanda na sila sa pag-alis nila.

"Dito iha, mas malapit ang daang Ito sa harapan Ng kagubatan" sumunod nalang si Sam dahil Alam nitong Hindi siya nito ipapahamak at pababayaan.

Habang naglalakad ay Hindi maalis sa isip ni Sam ang nangyari sa kanyang mga kasamahan. Naiinis Ito dahil napahiwalay siya sa mga Ito.

Sina devon, brie at Ang asawa nito ay nakarating na Rin sa kanilang destinasyon at patuloy pa Rin silang naghahanap ng lugar Kung saan maaaring tinuluyan ni Mon.

'saan ka na bang Bata ka?' bulong ni brie sa kawalan.

"Wag Kang mag-alala mahahanap Rin natin siya tiya" tumingin Naman Ito Kay Devon at ngumiti Ng pilit.

"Sana nga devo-brieeee" naputol Ang akmang Sasabihin nito ng sumigaw Ang asawa niya Mula sa di kalayuan. Agad Naman nagsitakbuhan Ang dalawa patungo roon.

Ngayon Naman ay nasa kalagitnaan na Sina Sam sa harap ng kagubatan nang makasalubong nito ang taong naging dahilan ng pagkawala ng minamahal niya.

"Ikaw? Anong ginawa mo rito?" Sigaw nito sa taong kaharap niya

Hindi siya sinagot ni Dion dahil nakatuon Lang Ang atensyon nito sa taong kasama ni Sam na ngayon ay napayuko nalang.

"Hindi mo dapat kasama Ang taong iyan" seryoso nitong Saad

"At Sino ka para pagsabihan ako Ng Kung Sino Ang dapat Kung kasama?" Balik nitong tanong

"A-apo Tama na" bulong Naman ni vena

"Wag mo akong tawanging Apo dahil kahit Kailan ay Hindi ako magiging Apo ng Isang kagaya mong duwag"

Nanlalaki Ang mga matang Napatingin si Sam sa dalawa, palipat lipat Ang kanyang tingin. Hindi Ito makapaniwalang magkaano-ano ang dalawa.

"B-baki-"

"bumalik kana rito Dion, Hindi mo naman kailangan maghiganti sa kanila" pakiusap Ng matanda

Dahil roon ay agad na nag-init Ang ulo ni dion at sumigaw.

"Alin ba Ang Hindi mo maintindahan Tanda? Kinuha nila Ang lahat sa atin, Namatay ang mga magulang ko dahil sa kanila, kinuha nila Ang isla na dapat para Lang sa atin" galit na galit nitong sigaw

'ano? Kinuha? Namatay? Hindi ba buhay pa Naman Ang nanay at tatay ni Mon?' mga katanungang sumagi sa isip ni Sam nang lumabas sa bibig nila Ang mga Ito.

"Ilang beses ko bang Sasabihin sa iyo na aksidente Ang nangyari? Walang kinalaman Ang batang iyon at Ang mga magulang niya sa ginawa ng anak ko" may halong sama nang loob na sabit Ang matanda

'sino ka ba talaga Dion? Kaano-ano ka ba ni vena? Totoo bang Apo ka niya? Pero Sino Ang mga magulang mo? Ibig bang sabihin anak no Nina Ang nanay ni Mon? Pero Sino Ang namatay?' nais mang awatin ni Sam Ang dalawa ay gusto ba niyang marinig at makakalap Ng Impormasyon tungkol sa dalawang taong Hindi niya lubusang Kilala.

"Tumigil kana Tanda, dahil kasalanan nila Ang lahat at dapat Lang na magdusa Ang babaeng 'yon" seryusong sambit ni Dion at galit na Umalis

Nanlumo Ang matanda sa narinig Mula sa kanyang Apo at mukhang Wala na itong magagawa pa. Buo na Ang desisyon nito.

"Vena" seryusong tawag ni Sam sa kanya

"Alam kung nais mong malaman Ang lahat lahat pero malapit nang gumabi, kailangan na nating maghanap Ng masisilungan dahil mukhang uulan na Naman" mahabang lintaya ni vena Kay Sam

Tama nga Ang matanda. Nagsimula nang ang mahihinang ambon Kaya Kailangan na nilang bilisan.

'mukhang nakikisabay Ang langit sa kalungkutang nararamdaman no vena' Sabi nito sa isip niya

Bagamat maraming katanungan ay mas mabuting may masisilungan sila habang nagpapaliwanag Ang matanda at Mukhang mahaba ang gabing gugugolin nila para rito.

Isang gabing siguradong sasasagot sa dami Ng katanungang nanglalaro sa kanyang isipan.

'kung Sana Lang ay nandito ka Mon' isip-isip pa niya.

To be continued~

THEY BETRAYED ME(Freenbecky) 𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ