CHAPTER 2

1 1 0
                                    

Iniahon ko ang pinapakuluang sinigang na baboy at nagsalin sa malukong. Inayos ko ang nga kutsara at pinggan bago tinawag si Donovan sa office nito.

May sariling office dito si Van sa bahay. Naka-key-pad. Ilang beses kong sinubukang buksan pero hindi ko magawa. Ilang beses ko na rin gustong pasabugan na lang ng bomba. Kaso anong sasabihin ko pag dumating si Donovan at nalaman na gusto kong pasukin ang opisina niya?

I was so desperate to know more about him that I'm finding traces of him in this house anywhere I can. Kahit na bawal. Kahit na alam kong ikakagalit niya.

Isang beses niyang naiwan ang opisina niyang nakabukas. Sinunggaban ko ang oportunidad na iyon. Binasa ko ang mga files sa drawer. Binuksan ko ang computer niya at pati iyon hinalughog. Wala akong nahanap kundi puro mga numbers at reports lang.

Kahit wala akong nahanap tungkol sa personal niyang buhay ay may kwenta naman ang paghalughog kong iyon. I found how filthy rich he really is.

Umaabot ng trillion ang mga nasa report na nabasa ko. Hindi ko alam kung wala akong alam, o bobo lang ako o hindi talaga curator ang trabaho niya. Because does an art collectors, a curator really earn that much?

Alam kung may mga side businesses pa siya pero trilyon? Not even in pesos, but in dollars! Paano kung lider pala siya ng sindikato?

Winaksi ko ang mga iniisip at kinatok ang opisina niya.

"Come in,"

Bahagya kong binuksan ang pinto. Nakasuot siya ng itim na T-shirt na fit sa hulma ng matipuno niyang katawan. Nakasuot siya ng black-rimmed glasses. Napatiim ang labi ko ng may baso siya ng alak na hawak habang nagbabasa ng papeles.

"Nakahanda na ang hapunan. Baba ka na lang kung gusto mong sumabay," ani ko at tumalikod na, hindi hinihintay ang magiging sagot niya.

Nasa third floor ang master bedroom, office niya, office ko, TV room at library. Sa second floor ay ang kusina, dining area, pantry at wine cellar. Sa unang palapag ay ang living room, gym at guest bedrooms. Sa rooftop ay ang pool kung saan lagi akong nakatambay at tanaw ang kakahuyan sa likod ng bahay namin at mga buildings sa subdivision.

Rinig ko ang pagsirado ng pinto at sunod ng yapak niya sa akin. Nag-umpisa akong maghain ng kanin sa pinggang ng umupo siya sa gilid ko. Napatingin tuloy ako sa unahan kung saan inaasahan ko siyang umupo.

"New recipe?" Humigop siya ng sabaw at napa-hum.

Nilingon ko siya. "Masarap?" tanong ko at sumandok ng sabaw para humigop din.

"Maasim," ani niya pero tumango. Hindi siya masyadong palangiti. Alam mong good mood siya kung malambot ang ekspresyon ng mga mata. "Pero masarap. I like it." He sucked his lower lip.

Tahimik lang kaming kumakain. Humugot ako ng malalim na hininga at uminom ng tubig para sa susunod na sasabihin.

"Aalis ako mamaya," panimula ko.

Bakit ba ako kinakabahan? Hindi niya naman ako bilanggo dito. Aalis ako kung gusto ko.

Napatuwid siya ng tayo at sumimsim ng tubig. Nilingon niya ako at binigay sa akin ang buong atensyon.

God, why is he so... why is he so this god-damn good looking. He's not beautiful. Beauty feels so feminine compared to him that harsh and brutal and cold. Matipuno siya, hindi maangas na parang gangster pero mapanganib. He is gorgeous but in an intimidating and harmful way.

His danger and air of violence feels very cultured.

His eyes were emerald green, plush lips, straight nose and strong jaw. If he's look did not gave away that he is a foreigner, then his eyes does. Fluent naman siya magtagalog.

Unraveling Donde viven las historias. Descúbrelo ahora