CHAPTER 6

2 0 0
                                    

Tinalikuran niya ako. Yumuko siya at nilapat ang kamay sa malapit na mesa.
Sunod-sunod na malalim na paghinga ang kanyang binunot.

He looked over his shoulder. "Hindi kita kayang pakawalan." Kumuyom ang kamao niya.

"I want to but I can't. I tried, believe me I did with all my might," mapait siyang tumawa. "Pero huli na ang lahat. I am too deep into you. Into whatever this all-consuming passion between us." Hinarap niya ako at humakbang palapit sa akin.

He blinked his eyes that are now glassy and red-rimmed. The veins in his arms protruded. "Hindi ko kayang bumalik sa buhay na wala ka, Lilith."

Umalis ako sa kama at pumasok sa walk-in closet para magpatuloy sa pag-impake. Kinuha ko ang damit na masusuot sa trabaho. Pati ang mga undergarments. Karamihan dito binili ni Van. Nakatayo na siya sa pinto pero nilampasan ko lang at pinasok ang mga damit sa maleta.

Ilang beses akong nagpabalik-balik sa closet at sa maleta. Nilalampasan ko lang siya. Donovan remained facing the walk-in closet. Hindi siya gumagalaw. Pakiramdam ko nga hindi siya humihinga.

Sinara ko ang zipper at pinatayo saka hinila ang handle ng maleta. Doon niya lang ako hinarap.

"Gusto mo bang magmakaawa ako?"

Napahinto ako. Nagpasalin-salin ang tingin ko sa mga mata niya. "Bakit? Magmamakaawa ka ba?"

What he did next left me in shock. Bigla siyang lumuhod sa harap ko at yumuko. "Like this?" His hand skimmed my bared legs. His calloused hand felt like a hot iron on my skin.

Mabilis akong lumayo. Umigting ang panga niya at nagbabaga ang mga matang umangat sa akin.

"Does my touch disgust you now?" he snarled.

No. Your touch sets me on fire still.

Tinalikuran ko siya habang bitbit ang maleta. Mabilis akong bumaba ng hagdan. Dinig ko ang mabilis niyang pagtayo at pagsunod sa akin.

Nang makababa, pinilit kong buksan ang main door para tuluyan ng makalabas pero nanatili iyong naka-lock.

I rattled the handle but to no avail. Kinuha ko ang key card sa wallet pero ayaw tanggapin. Pinalitan niya ang password!

Naramdaman ko ang katawan niya sa likod ko. Hinarap ko siya at isiniksik ang likod sa pinto para lang mabigyan ng espasyo sa pagitan namin.

"Buksan mo ang pinto." I demanded through gritted teeth.

"You can never run away from me, Lilith."

"Oh, watch me," panunuya ko.

"Oh, I will."

Bumagsak ang balikat ko. "Ano pa bang kailangan mo-"

"For you to stay,"

"Hindi mo ako mahal, Donovan!"

His palm slammed above my head. "I loved you in ways I only know how! In ways that I can keep you safe."

"Keep me safe from what?!" Tinulak ko siya sa dibdib.

Napaatras siya at hinilot ang sentido.

"Keep me safe from what, huh? Donovan? Sumagot ka!" tanong ko. Nang hindi siya nakasagot ay mapakla akong natawa. "Thought so."

"Tapos na ako sa mga misteryo mo, Van." Pagod kong saad. "Pero kung ang pinapahiwatig mo na nanganganib ang buhay ko dahil kasama kita kaya mo ako tinatago— what a bullshit of excuse. Maghiwalay nalang tayo."

"I will explain to you everything. Bigyan mo lang ako ng panahon," mahinahon niyang pakiusap. His neck and face is flushed. He is breathing heavily. So much violence is contained in his body.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 01 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Unraveling Where stories live. Discover now