CHAPTER 4

2 1 0
                                    

Awtomatikong bumukas ang gate matapos ko i-swipe ang key card at ini-scan ang hand print sa security box.

Yes, so techy. Masyadong mahigpit si Van sa seguridad at privacy ko. At lalo na sa kanya. Nagpark ako sa bakanteng pwesto sa garahe. Hindi pa ako tuluyang bumababa dahil natulala sa bakanteng parking slot kung saan usual na nakapwesto sasakyan ni Van.

Nandito pa ang kotse niya kanina pag-alis ko sa umaga pero ngayon wala na. I can't help the longing that weighs on me. Sinadya kong magpagabi dahil may pakiramdam akong aalis na siya ngayong araw. Magdadalawang linggo na siya dito, eh.

Bumuntong-hininga ako at sinandig ang noo sa manibela. Umalis nalang siya na hindi ako nakipag-hiwalay. Plano kong matapos akong makipaghiwalay, aalis na ako sa bahay na ito at ibabalik lahat ng binigay niya.

But I can't do that unless I tell him formally. Up front. For what its worth it, I've been the happiest within the 5 years of our 'relationship'. Full of secrets may he be, I can't negate the fact that most of my happy memories were with him. Deserve pa din niya ng maayos na hiwalayan.

Saka para na rin sa akin. I want the peaceful break up so no grudges will ever be hold by one another.

Lumabas ako at pumasok sa bahay matapos ang ilang minuto. Binuksan ko muna ang ilaw sa living room at kusina bago uminom ako ng tubig pagkatapos umakyat na sa third floor.

I stripped down my clothes and took a shower. Matagal na minuto ang iginugol ko kaysa sa normal na pagligo. Matapos ay lumabas ako ng naka-bathrobe lang. Malakas akong napasigaw ng nakitang naka-upo doon si Van... at nakapambahay ng damit.

"Shit naman, Van!" Hawak ko sa dibdib.

He just frowned at me.

I let out a frustrated sigh. "Akala ko umalis ko na?"

Nanliit ang mga mata niya sa akin. "Gabi ka na umuwi? You didn't even text me and I've been calling you. Mga ganitong oras ka na ba umuuwi palagi? Close to 1 AM?"

Lumunok ako. "Lowbat ang phone ko." Lies. Ini-off ko lang talaga. "At hindi. Ngayon lang ako ginabi. Birthday kasi ng Boss namin kaya may konting selebrasyon." Sa pagkakataong ito ay totoo na. Dumiretso ako sa walk-in closet at kumuha ng sweat short at cotton tank top.

Sumunod siya at sinandig ang balikat sa hamba ng pinto. "Uminom ka?"

Hinubad ko ang bathrobe at nag-apply ng lotion sa buong katawan. I can feel his penetrating gaze on my nakedness. Hindi na ako nahihiya sa nag-aapoy na titig ni Van. It still unnerves and make me hot but for the longest time we've been together, natuto na akong i-tolerate ang mga titig niya ng hindi nahihiya o tumitiklop.

"Oo, pero konti lang," ani ko at sinuot ang mga damit pagkatapos na mapahiran ang buong katawan ng lotion.

I brushed my hair in few strokes. Lumabas ako at nilagpasan lang siya. I can feel his eyes following my every move.

Shit. Shit. Ano pa bang ginagawa ko? Bakit hindi ko nalang sabihin na makikipaghiwalay ako?

Nag-toothbrush ako at ng lumabas ay nakaupo na ulit siya sa kama.

"Halika dito," mababa niyang saad. Eyes burning fire but his voice was as cold as ice.

Napalunok ako at isang beses umatras. I crossed my arms and meet his gaze. Mas lalong nandilim ang mukha niya.

I cleared my throat. "Akala ko umuwi ka na?"

"What makes you think na nakauwi na ako?"

"Wala na ang kotse mo sa garahe." Tinungo ko ang gilid ng kama kung saang bahagi ko nakasanayan matulog.

Unraveling Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon