Chapter 3.2

207 36 5
                                    


Nakita ni Wong Ming ang sarili niyang nasa isang malawak na parang habang makikitang isang kulay puting dambuhalang ahas ang nakatingin sa kaniya na parang isa lamang siyang munting langgam na kakainin nito.

Magkagayon pa man ay kalmado lamang na nakaharap rito si Wong Ming na animo'y hindi nito alintana ang presensya ng dambuhalang nilalang.

"Magaling binata *hiss, nakuha mo pang maging matapang sa totoong *hiss kaanyuan ko. Hindi ka ba natatakot *hiss*hiss sa maaari kong gawin sa iyo kapag hindi ka pa sumusuko?! Sambit ng malalim na boses na nanggagaling mismo sa bibig mismo ng halimaw. Hindi maipagkakailang nakaka-intimidate ang tono ng pananalita nito.

"Walang kwentang anyo yan kung tutuusin binibini. Hindi ka rin ba natatakot sa maaari kong gawin sa iyo sa mismong lugar na ito na gawa ng kakayahan mong maghabi ng ilusyon?!" Seryosong saad ni Wong Ming habang kitang-kita sa mga salita nito na hindi ito nagpaligoy-ligoy pa.

"Ano'ng ibig mong sabihin binata?! *hiss *hiss Hindi ko alam ang iyong gustong ipahiwatig!" Mariing wika ng dambuhalang ahas habang may halong pagtataka sa tono ng pananalita nito.

Mabilis na itinaas ni Wong Ming ang kamay nito at sinubukang magsagawa ng isang martial arts skill.

Ngunit ganon na lamang ang labis na pagtataka ni Wong Ming nang mapansin niyang hindi gumagana ang anumang martial arts skill sa inihabing ilusyon ng kalaban niya.

Isang malademonyong halakhak ang narinig ni Wong Ming na nilikha ng dambuhalang puting ahas at nagwika pa ito.

"Whahahahaha... Isa kang inutil binata. Hindi basta-bastang paghabi lamang ng ilusyon ang ginawa ko*hiss *hiss. Tinanggalan kita ng karapatan na magsagawa *hiss ng anumang uri ng martial arts skill. Hangga't hindi ito nakakapantay sa lebel ng kakayahan ko ay balewala ang katigasan ng ulo mong hindi sumusuko sa kagaya kong nakakaangat sa inyong mga mahihinang mga nilalang!" Seryosong turan ng dambuhalang ahas na si Mistress Viper.

Hindi naman sumagot si Wong Ming sa mga pinagsasabi ng dambuhalang ahas habang kalmado nitong iniisip ang kasalukuyang sitwasyon maging ng suliraning kinakaharap niya.

Alam niyang tuso ang babaeng ahas na ito na nagcucultivate ng pambihirang Snake Transformation maging ng Snake Technique. Hinding-hindi ito magpapatalo sa sinuman at desperado din itong pasukuin siya maging ang i-secure ang panalo nito.

Ngunit paano siya susuko? Mas lalong hindi siya papayag na matalo rin lalo pa't nandirito na siya sa ikawalong bahagi ng labanan. Dalawang laban na lamang pagkatapos nito ay pasok na siya sa pangalawang bahagi ng Recruitment ng Flaming Sun Guild.

Alam niyang pareho silang desperado sa magkakaiba nilang layunin ngunit hindi rin siya maaaring magpatalo sa laban dahil na rin sa kagustuhan niyang malaman ang kasagutan.

Hindi malayong tama siya sa hinalang maaapektuhan rin ang buong teritoryo ng Dou City kung sakaling lumitaw ang Devil's Clock. Ang pagkasira ng balanse ng mundong ginagalawan niya ay siguradong maaapektuhan rin siya. Malakas ang existence ng sandatang orasan na ito. It can defy time at mas lalong hindi niya alam kung ano pa ang magagawa ng Devil's Clock kung sakaling nasa kamay na nga ito ng masasamang nilalang. Kung hindi siya nagkakamali ay maaaring maging Mint City rin na nawasak ng tuluyan ang Red City maging ang dalawa pang siyudad rito.

"Hehehe... Ba't ang tahimik mo binata? *hiss Sumusuko ka na ba?!" Isang nakapangingilabot na wika ng dambuhalang ahas habang mabilis nitong nilingkisan ang buong katawan ni Wong Ming.

...

Kitang-kita naman ng lahat ang paglutang ni  Wong Ming sa ere habang tila may sumasakal rito habang nagpupumiglas ito.

Malayo ito sa mismong mga manonood ngunit ramdam ng lahat na may nangyayaring masama rito lalo pa't parang hindi ito makagalaw at makahinga sa kung anumang pwersang gumagawa nito.

Halos lahat ay labis na nagtataka habang makikitang nagkakaroon na naman ng mahabang pag-uusap patungkol sa opinyon nila sa kakatwang pangyayaring ito.

Ang tanging nagawa lang ng mga ito ay maging alerto sa kung anumang kahihinatnan ng labang ito.

Halos lahat sa mga ito ay tila nawalan na ng pag-asang mananalo o magtatagumpay pa ang binata sa malakas na kalaban nitong mayroong kakaibang kaanyuan at katangian ng isang ahas.

...

"Wag ka ng magpumiglas pa binata, ang tanging magagawa mo lamang ay sumuko na lamang dahil wala kang ligtas sa taglay kung lakas maging sa abilidad kong humabi ng ilusyon. Sumuko ka na dahil doon din naman tayo hahantong hehehe..." Pangungumbinsi pa ng dambuhalang ahas habang nakapulupot pa rin ito sa pangangatawan ng binatang kalaban nito.

"Iyon ang h-hindi ko papayagan binibini. Malakas ka ngunit hindi ako susuko!" Malakas na wika ni Wong Ming habang pinipigilan nitong mautal dahil sa higpit ng pagkakapulupot sa kaniya ng dambuhalang ahas.

Kitang-kita ang mabilis na pagbabago sa sariling mata nito at pagtaas ng enerhiya sa buong katawan ng binata.

"Anong--- hindi, Isa kang ha-halimaw! *hiss *hiss" Bulalas ng dambuhalang ahas habang mabilis nitong inilayo ang sarili mula sa pagkakapulupot nito kanina.

Naramdaman niya na tila napaso siya sa balat mismo ng binata mula sa oras na ito na hindi niya mapaliwanag kung ano itong kakaibang pangyayaring ito.

"Sumusuko ka na ba binibini? Pareho lamang tayong halimaw kung tutuusin kung iyan ang gusto mong sabihin." Malakas na wika ni Wong Ming habang kitang-kita na nagbago ang tinig nito na tila napakapalalim.

Kasabay nito ay ang pagbabago ng buong pangangatawan nito.

"Hindiiiii! *hiss *hiss Paanong nagkaroon ka ng Demon Form? *hiss Akala ko ay ako lamang ang mayroon nito, bakit ang iyo ay tila kakaiba?!*hiss" Gulat na gulat na wika ng dambuhalang ahas habang kitang-kita sa mga mata nito ang labis na kuryusidad.

"Bakit ko naman sasabihin sa iyo?! Kung ako sa iyo ay sumuko ka na lamang. Wala kang mapapala kung patuloy mo kong lalabanan." Seryosong saad naman ni Wong Ming sa dambuhalang ahas.

Naningkit ang dambuhalang mata ng kulay puting ahas at nagwika.

"Bwahaha... Nakalimutan mo atang *hiss nasa ilalim ka ng aking hinabing ilusyon *shrriiiieeekkkkk! Malakas na wika ng dambuhalang ahas at nagpakawala ito ng malakas na tunog.

Dahil dito ay tila Naging mabagsik ang anyo ng pambihirang ahas. Naglabas ito ng kakaibang mga tinik sa katawan nito patungo kay Wong Ming.

Naging alerto naman si Wong Ming habang kitang-kita na nakompleto na nito ang pagbabago nito ng anyo bilang Ice Demon.

Naramdaman niyang wala na ang restrictions ng ilusyon sa kaniya. Alam niyang nagpapatunay na hindi kayang labanan ng hinabing ilusyon na ito ng kalaban niyang si Mistress Viper ang existence ng Ice Demon Transformation niya.

Mabilis siyang nagsagawa ng isang malakas na Ice Skill.

Skill: Grand Ice Skill

Ang kaniyang sariling kamay ay naglabas ng nagkakapalang mga yelo na may tatlong layer.

BANG! BANG! BANG!

Malalakas na tunog ng pagbangga ng naghahabaang mga tinik patungo sa direksyon ni Wong Ming na inaasahan naman nitong mangyari lalo pa't tuluyan ng nagalit ang dambuhalang ahas na siyang kalaban niya.

IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 10] GODLY SERIES #3जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें