Chapter 3.10

345 37 4
                                    

Dahil pagkaharap na pagkaharap kasi nito ay bigla na lamang niyang napansin ang presensya mismo ng nakamaskarang itim na lalaking nambastos sa kaniya. Sa wari niya ay hindi talaga siya titigilan nito.

Bago pa man siya mahagkan ng bastos na nilalang ay nakita niya kung paanong tumalsik sa hindi kalayuan ito na siyang nagpagulat sa kaniya.

Sa totoo lamang ay nasaksihan rin ito ng lahat kung kaya't malalakas na pagsinghap ang naitugon ng mga ito bilang reaksyon sa sinapit ng namaskarang itim na lalaking galing na miyembro mismo ng Dark Oath Guild.

Napatingala naman ang babaeng city guard at nakita ang isang binatang mayroon pang numerong nakasabiy sa damit nito.

Masasabing isa itong manlalahok ng kasalukuyang ginaganap na Recruitment Day. Talagang matapang ito kung tutuusin dahil sa ginawa nito at halatang tahimik lamang itong nakamasid sa gawi ng nilalang na pinatalsik nito.

Ito ay walang iba kundi si Wong Ming. Hindi niya alam ngunit pamilyar sa kaniya ang nasabing babaeng city guard. Hindi siya basta-bastang nangingialam ngunit batid niyang mayroong espesyal sa babaeng ito. Espesyal na koneksyon kumbaga. Para kasing nakita niya na ito noon ngunit mukhang malabong matandaan niya pa.

Instinct lamang ngayon ang pinagana ni Wong Ming at hindi na siya nag-isip pa ng iba dahil alam niyang walang kalaban-laban ang babaeng city guard sa lakas ng makakalaban nitong miyembro ng Dark Oath Guild.

Maraming mga bulung-bulungan ang maririnig sa paligid ngunit binalewala na lamang ito ni Wong Ming.

Pagkatapos nitong gawin ay tila tatalikod at lalakad na sana ito palayo nang magsalita ang babaeng city guard.

"Bakit ka nangialam sa sitwasyong kinakaharap ko? Hindi ka ba natatakot para sa buhay mo? Alam mo ba ang ginagawa mo?!" Seryosong tanong ng babaeng City Guard at halatang hindi ito natutuwa sa ginawa ng binatang kalahok ng nasabing kompetisyon ukol sa recruitment ng Flaming Sun Guild.

"Alam kong kinakailangan mo ng tulong. Kung hindi ako tutulong, sino pa ang gagawa nun?! Natural lang matakot noh pero ginagawa ko lamang ang nararapat." Kalmadong wika ni Wong Ming sa makahulugang boses nito. Kung tutuusin ay wala itong pakialam, isa pa ay higit siyang nakakalakas kumpara sa mga nilalang na bagong salta lamang sa Red City.

"Hindi ko hiningi ang tulong mong iyan. Hindi ka ba natatakot sa mga nilalang na yan?! Sabay turo nito sa mga miyembro ng Dark Oath Guild. "Isa pa ay nasa isa kang bahagi ng kompetisyon, hindi mo ba naiisip iyon?!" Litanya pa nito habang nakatingin ng matiim sa binata hindi nito kilala.

"Aanhin mo ang kompetisyong ito kung mayroong nanganganib ang buhay. Minsan ay kailangan din nating isipin ang kapakanan ng iba. Isa pa ay hindi nirespeto ng mga ito ang kompetisyong nagaganap rito ngayon,hahayaan lang ba namin o natin iyon?!" Seryosong turan ni Wong Ming habang kitang-kita na hindi ito natatakot bagkus ay kalmado lamang itong nakatanaw sa mga miyembro ng Dark Oath Guild.

Crrreeeaakkk!

Napalingon ang lahat maging si Wong Ming sa isang bahagi ng Battle Platform kung saan ay malakas na nagsitunog ang tila mga bahagi ng matitigas na kakaibang tiles kung saan ay tila kakatungtong pa lamang nito rito.

Nanlilisik ang mga matang nakatingin ang nakamaskarang itim na nilalang sa gawi ng binatang nangialam sa ginagawa nito.

"Isang pakialamero, hindi ko aakalaing sobrang tapang mo upang ipagtanggol ang mahinang babaeng iyan!" Matalim na wika ng lalaking nakamaskarang itim at pinatatamaan nito ay walang iba kundi si Wong Ming.

"Ikaw ang sobrang tapang rito. Hindi niyo ba alam na nakakaistorbo kayo sa ginagawang  kompetisyon rito?!" Seryosong turan naman ni Wong Ming habang dinedepensahan nito ang kaniyang sarili laban sa kaaway nito.

"May kompetisyon bang nagaganap rito? Mukhang hindi naman importante ang bagay na ito. Sa harap namin ay matuto kang rumespeto binatang pakialamero!" Mapang-uyam na saad ng nakamaskarang itim na nilalang.

Bago pa man makapagsalitang muli si Wong Ming ay bigla na lamang nagsagawa ng kakaibang uri ng martial arts skill ang kalaban nito.

Skill: Devouring Skull Darkness!

Isang kakaibang uri ng skill ang nasaksihan ng lahat lalong-lalo na si Wong Ming. Upang hindi madamay ang sinuman ay nilapitan nito ang distansya niya sa kaniyang sariling kalaban.

Bumulusok sa kinaroroonan ni Wong Ming ang malaking bungo na gawa sa nagkakapalang itim na usok habang makikitang gumagalaw pa ang bibig nito.

Skill: Water Blades!

Apat na naglalakihang mga water blades ang makikitang lumipad patungo sa gumagalaw na malaking bungo habang makikitang nahati sa apat na mga parte ito dahilan upang tuluyan itong malusaw sa hangin.

Ngunit ang mga Water blades ay tuloy-tuloy lang ang galaw nito hanggang sa maabot nito ang pwesto ng nakaitim na maskarang lalaking miyembro ng Dark Oath Guild.

BANG! BANG! BANG!

Nanlaki ang mga mata ni Wong Ming at ng lahat kung paanong hinawakan lamang ng namaskarang itim ang mga Water blades ni Wong Ming.

Kitang-kita ni Wong Ming kung paanong  nawasak ng biglaan ang mga Water Blades.

Nakaramdam ng kakaiba si Wong Ming. Hindi niya aakalaing may makakaharap siyang ganito.

"Ba't nagulat ka binata? Hindi mo ba inaasahan na makakaharap mo ko? Ako ang ikasampo mong makakalaban hehehe!" Litanya ng nakamaskarang itim na nilalang habang pinakilala na ang sarili nito.

"Ikasampong makakalaban?! Kung gayon ay hindi lamang ang Red City ang lalahok kundi maging kayo rin!" Seryosong turan ni Wong Ming habang kitang-kita na tila nagulat ito sa nangyayari.

"Tama hahaha... Ang kompetisyong ito ay kasali kaming mga taga-Dark Mist City. Ginawa ang kompetisyong ito para sa amin!" Mahabang paliwanag ng nakamaskarang itim na siyang kalaban ni Wong Ming.

Pigil na pigil naman si Wong Ming na magsalita ng masama ukol dito ngunit pakiramdam niya ay hindi ito pabor sa lahat. Sigurado siyang malalakas ng higit ang mga taga-Dark Mist City kumpara dito sa mga kalahok na naririto sa kasalukuyan.

Nasa Purple Heart Realm na ang mga ito at nasa Peak Stages na kung tutuusin. Ngayon ay kailangan niyang tantiyahin ang mga lakas nito. Sa kaniya ay walang problema pero sa iba ay malaki ang magiging papel nito.

Ngunit hindi lamang iyon ang gugulat sa lahat dahil maya-maya lamang ay naririnig sa iba't-ibang direksyon ang maraming mga tunog ng paparating na mga nilalang.

Sumeryoso ang mukha ni Wong Ming at sa isip niya ay napangiti na lamang siya. Hindi niya aakalaing tama ang hinala niya. Mukhang hindi lamang sila ang kasali sa kompetisyong ito.

END OF VOLUME 10

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 05, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 10] GODLY SERIES #3Where stories live. Discover now