Chapter 3.8

185 24 2
                                    


Maya-maya pa ay kitang-kita ng lahat ang paglabas ng maraming mga kakaibang uri ng mga kabayong maiitim habang may mga pakpak ang mga ito na katulad ng mga ibon. Nasa tatlumpo ang mga bilang ng mga ito kung hindi nagkakamali ng bilang si Wong Ming lalo pa't medyo may kadiliman man ang mga kaulapan ay hindi siya makapaniwala sa kaniyang nakikita sa ere.

Dark Fiery Horse!

Iyon ang namutawi sa isipan ni Wong Ming nang makita ang mga lumilipad na maraming mga kabayong tila may mga sakay ang mga itong mga nilalang.

Ramdam ni Wong Ming na malalakas ang mga nilalang na ito lalo pa't napaamo ng mga ito ang mababagsik na mga Dark Fiery Horse.

Sino'ng mag-aakalang sa kasalukuyan ay marami siyang malalaman patungkol sa ginagalawan niyang siyudad ng Red City at mga kalapit na lungsod nito.

Ang Dark Fiery Horse ay alam niyang hindi nagmumula sa Red City ang ganitong uri ng mga pambihirang kabayong may sariling attribute ng elemento ng kadiliman. Isa itong mabagsik na beast na nabibilang sa Mount Type beast o yun bang pwedeng sakyan upang marating ang malalayong mga lugar. Sino ba ang hindi nangangarap na magkaroon ng ganitong klaseng mount na maging si Wong Ming ay pinangarap din ang magkaroon ng ganitong klaseng mount o pet.

Sinuring maigi ni Wong Ming na may pag-iingat ang mga nilalang na nakasakay sa Dark Fiery Horses at tinukoy niya kung gaano kalakas ang mga ito base sa lebel ng cultivation nila.

Alam niyang hindi magtatagal ay makakaharap niya ang mga ito. Gagawin niya ang oportunidad na ito dahil sa siksikan at dami ng mga taong naririto sa Sentral na bahagi ng siyudad ng Red City.

Labis namang nadismaya si Wong Ming nang masuri niyang lahat ang mga nakasakay sa kaniya-kaniyang mga mount na mga nilalang dahil naglalaro lamang sa Purple Realm lamang ang mga ito.

Ang pinakamalakas lamang sa mga ito ay nasa Middle Purple Heart Realm at wala siyang maramdamang kakaiba sa mga ito.

Isa mang palaisipan iyon kay Wong Ming ngunit nakaramdam siya ng kuryusidad lalo pa't mukhang malalakas ang lahat ng mga bagong dating na mga di inaasahang bisita sa loob ng Red City.

Shrrrrriiiieeeeckkkkk!!!!

Napakabilis ng mga Dark Fiery Horses sa totoo lamang dahil ilang minuto lamang ay nagawa ng mga itong tawirin ang pagitan ng himpapawid at makalapag sa kalupaang teritoryong sakop ng Red City.

Napatahimik ang lahat at nagkaroon ng malawak na pagitan ang lahat ng mga sibilyang naririto sa Sentral na bahagi ng Red City at ng mga di pa tukoy na mga hindi inaasahang bisita o bagong dating na mga nilalang sakay-sakay ng Dark Fiery Horses.

May mga suot na itim na maskara ang mga ito habang hindi lumilipat ang pwesto ng mga ito. Tahimik ang bawat isa at walang nagsasalita sa mga ito. Pero kapansin-pansin na mayroong isa ang may kakaibang kasuotan at tila ito rin ang namumuno sa mga ito kung hindi siya nagkakamali.

"Dark Oath Guild! Sila yan hindi ba?!"

"Tumahimik ka, alam na namin iyan lalo pa't kilala ang Guild na iyan sa Dark Mist City!"

"Taga-Dark Mist City ang mga iyan?! Paano'ng pumunta ang mga iyan dito sa Red City?!"

"Tama ka, ano kaya ang sadya ng mga ito at mukhang marami-rami ang mga itong tumungo ang mga ito rito."

"Palagay ko ay may gagawin ang mga ito dito sa Red City. Kilalang reserved ang mga Dark Oath Guild at hindi basta-bastang pupunta sa lugar na hindi nila gustong puntahan."

"Kung gayon ay tama nga ang mga hinala natin. May ipinunta talaga ang malakas na guild na ito rito!"

Ito lamang ang iilan sa mga naririnig na usapan ni Wong Ming lalo pa't alam niyang hindi niya gaanong kilala ang mga malalakas na Guild sa Red City at mas lalong maliit pa lamang ang mga impormasyong alam niya sa isa pang siyudad, ang siyudad ng Dark Mist City.

Ang Dark Mist City ay kilala sa lugar ng kadiliman, dahil hindi gaya ng tatlong kaharian ay ito ang pinakamisteryoso lalo pa't masyadong makulimlim ang lugar na ito at bihira lamang kung sikatan ng araw. Ito ay dahil siguro sa mga maiitim na mga kaulapang hindi kayang tapatan o lusutan ng liwanag na galing sa araw.

Halos dilim at walang gaanong mga maliliit na angkan ang sumubok na dito lumipat at manirahan. Tanging ang mga malalakas na angkan o mga guild lamang ang makakayang sumubok sa likas na hirap ng kapaligiran ng nasabing siyudad ng Dark Mist City.

Hindi aakalain ni Wong Ming na masyadong maaga pa upang magtagpo ang landas niya at ng may kinalaman sa Dark Mist City.

Hindi niya napaghandaan ang ganitong klaseng kaganapan at kagaya ng iba ay matiim niyang tiningnan ang mga bagong saltang mga bisitang hindi inaasahan ng lahat ng naririto.

Base sa kasuotan ng mga ito ay kakaiba nga rin. Purong kulay itim ang mga kasuotang suot-suot ng mga ito at gawa sa kakaibang mga tela na hindi tukoy ni Wong Ming kung ano'ng klase.

Ang mga burda at linya ng mga tahi ng mga kakaibang uri ng kasuotan ng mga ito ay nangangahulugan na handmade talaga at binusisi ng kung sinumang nilalang na may gawa nito. Alam niyang mayroong kakaiba sa kasuotang suot-suot ng mga ito dahil parang may proteksyon ito.

Namangha na lamang si Wong Ming sa kaniyang sariling natuklasan. Alam niyang hindi talaga basta-bastang pupunta lamang ang Dark Oath Guild na ito dito sa Red City at ilagay sa peligro ang buhay ng mga ito.

Tzzzz! Tsssschh! Trrrxxxx!

Iba't-ibang tunog ang nililikha ng kung sinumang mga nilalang na papalapit sa gawi ng mga bagong dating na mga bisitang nabibilang sa Dark Oath Guild at ramdam ng lahat ng tensyon ng malamang mga Red City Guards ang mga ito na may dalang mga iba't-ibang sandatang patungo rito.

Tumigil ang mga Red City Guards ilang metro mula sa kinaroroonan ng mga miyembro ng Dark Oath Guild habang nakaharap ang talim ng mga ito sa bawat mga miyembro ng Dark Oath Guild.

"Sino kayo upang pumunta at manghimasok sa lugar na ito!" Sambit ng bagong dating na babaeng suot-suot ang isang uniporme ng Red City Guards ngunit mayroong kakaibang badge itong suot katabi ng binurdang simbolo ng Red City. Naniningkit ang mga mata nitong pasalin-salin sa mga bagong saltang mga nilalang na may kakaibang kasuotan na mahahaba at agaw atensyon pa dahil sa kakaibang kabayong tinatawag na Dark Fiery Horses.

IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 10] GODLY SERIES #3Where stories live. Discover now