Chapter 3.9

171 19 2
                                    


Tila ang nag-uusap kanina ay tumahimik at walang kaingay-ingay ang lugar na ito dahil sa tila namumuong tensyon sa kapaligiran rito.

Ang sobrang ingay na lugar na siyang sentral na bahagi ng siyudad ng Red City ay tila napipi.

Bigla namang bumaba sa isang dambuhalang Dark Fiery Horses ang isang lalaking may mahabang buhok na may kakaibang kasuotan at humakbang ito patungo sa direksyon ng nasabing babaeng Red City Guard na nagsalita sa mga bagong saltang mga nilalang.

"Ikinagagalak kong pumunta dito sa Red City magandang binibini. Hindi ko aakalaing makakalabas ako sa aming Dark Mist City sa araw ring ito." Makahulugang sambit ng lalaking miyembro ng Dark Oath Guild habang nag-iinat-inat pa na animo'y nakaramdam ng pagod sa tila mahabang paglalakbay nila.

Tumalim naman ang mga tinging ipinupukol ng nasabing babaeng Red City Guard habang nagsasalita ang lalaking nakamaskarang itim.

"Wag kang magsinungaling sa akin ginoo. Hindi ako tatanggap ng palusot mo. Kailan pa nagkainteres ang Dark Mist City patungkol sa paglalakbay niyo mas lalo na ang Guild niyo?!" Seryosong turan naman ng dalaga habang makikitang hindi talaga ito naniniwala sa pinagsasabi ng huli.

"Aba'y matalino ka pala magandang binibini. Sayang nga lang at isa ka lamang hamak na City Guard ng Red City hahahaha!" Komplimentong saad ng lalaking nakamaskarang itim na miyembro ng Dark Mist City ngunit may mapang-uyam na mga salita sa huli.

Mukhang mas pumangit ang timpla ng babaeng City Guard lalo na sa mga narinig niyang mga salitang binigkas ng nakamaskarang itim na siyang miyembro ng Dark Oath Guild.

Ngunit mukhang highly trained na ang nasabing babaeng Red City Guard at hindi ito basta-bastang magpapatalo lamang sa pinagsasabi ng lalaking galing sa Dark Mist City.

"Ang kapal din ng pagmumukha mong unggoy ka. Kayo na nga itong walang pasabing pumunta rito ay kayo pa itong mapanghamak! Okay lang yan makakapal din kasi mga balat niyo hahaha!" Walang pakundangang wika ng babaeng City Guard habang tumawa pa ito sa huli.

Ramdam naman ni Wong Ming ang biglang pagtaas ng tensyon sa pagitan ng mga City Guards at ng mismong mga miyembro ng Dark Oath Guild.

Hibdi niya aakalaing ganito ang aasahan niya at nakalimutan na niya ang patungkol sa susunod na laban niya.

Nagpanting naman ang tenga ng lalaking nakamaskarang itim na miyembro ng Dark Oath Guild at nagsalita rin ito para sa sarili nito.

"Ang tapang mo naman binibini. Gustong-gusto ko talaga ang mga katulad mo, matapang at palaban hahahaha!" malademonyong sambit ng nakamaskarang itim na lalaki at napadila pa ito na siyang sinabayan pa ng malademonyong tawa nito.

Pakiramdam ni Wong Ming ay sumusobra na ang lalaking nakamaskarang itim na miyembro ng Dark Oath Guild. Abusado ito masyado at halatang walang mabuting gagawin sa pagpunta rito.

"Bastos ka ha! Hindi ko aakalaing ako pa talaga ang pinuntirya mo sa tabil ng bibig mo ginoo!" Nanggalaiting sambit naman ng babaeng City Guard habang makikitang hindi ito natutuwa sa kabalbalang ginagawa sa kaniya ng bastos na lalaking ilang dipa lamang ang layo sa kaniya na miyembro ng Dark Oath Guild.

"Wag kang magkaila binibini. Alam ko ang gusto mo, maaari tayong mag-dual cultivation at tutulungan kitang maging kasinglakas ko hehehehe..." Malademonyong turan pang muli ng lalaking nakamaskarang itim habang inilibot pa ang tingin nito sa iilan pang mga babaeng City Guards at napa-smirk pa.

"Tumigil ka sa pinagsasabi mo. Alam mo bang isang pambabastos ang ginagawa mo ha!" Malakas na wika ng babaeng City Guard at hindi na ito nakapagpigil pa at nagsagawa ito ng pambihirang skill na siyang ikinagulat ng lahat.

Skill: Blink!

Segundo lamang ang nakalilipas at natawid ng babaeng City Guard ang lokasyon mismo ng nambastos sa kaniya na miyembro ng Dark Oath Guild habang nakahawak na ito ng matalim na maliit na patalim. Kasabay nito ang pag-iwas ng nasabing lalaki habang nanlalaki ang mga mata nito.

THUD!

Ngunit hindi nito inaasahang sa pag-iwas nito ay nadaplisan siya ng dulong talim ng patalim dahilan upang masugatan ito ng bahagya sa kaliwang pisngi nito.

Dito na lamang napansin ng lalaking nakamaskarang itim na miyembro ng Dark Oath Guild ang likidong namuo sa kaliwang pisngi nito.

"Paano'ng nasugatan mo ako? Ikaw ba ang sumugat sa pisngi ko?!" Seryosong tanong ng lalaking nakamaskarang itim habang makikitang tiningnan nitong maigi ang sariwang dugo na nasa daliri niya. Halatang hindi nito inaasahan ang nasabing atake.

"Malamang ako, wag kang tanga! Nababagay lamang iyan sa iyo. Masyado kang mahangin at bastos!" Malakas at walang pakundangang wika ng babaeng City Guard. Tila wala itong naramdamang pagsisisi sa nagawa nitong pag-atake ng mabilisan sa walang respetong nilalang na mula sa Dark Oath Guild.

"Sisiguraduhin kong matutuwa ka sa igaganti ko sa iyo magandang binibini. Nadaplisan mo lamang ako ngunit hindi nangangahulugan na hahayaan lamang kitang gawin mo iyon sa akin ng basta-basta lamang!" Makahulugang sambit ng nakamaskarang itim na lalaki habang makikitang may kakaibang pagngisi ito sa naturang mga labi nito.

Tinawid nito ang agwat nito sa babaeng city guard ngunit mabilis namang lumayo ang huli dahil sa pagiging alerto nito.

Nanonood naman si Wong Ming sa nangyayari at tila namangha sa tapang at ipinapakitang skill ng babaeng City Guard.

Ngunit napansin ni Wong Ming na tila determinado ang nakaitim na maskarang lalaking miyembro ng Dark Oath Guild at mabilis nitong nahawakan sa kanang kamay ang babaeng city guard.

"Ano ba, bitawan mo ako. Ano ba!" Tila nagpupumiglas na wika ng babaeng City Guard habang makikitang nakatingin lamang ang lalaking nakamaskarang itim sa nasabing babae habang may malademonyong ngisi na nakapaskil sa mga labi nito.

"Sa wakas ay nahuli rin kita magandang binibini. Sisiguraduhin kong hindi ka na makakatakas sa aking mga kamay hehehehe!" Sambit ng nasabing nakamaskarang itim na lalaki ngunit natigil ang pagngisi nito nang iniunat ng babaeng City Guard ang kaniyang kanang kamay na may maliit na patalim.

TAHHHH!

Isang malakas na tunog ang narinig ng lahat nang marahas na hinugot ng babaeng City Guard ang kamay nito mula sa mahigpit na kapit sa kaniya ng lalaking nakamaskarang itim.

Napangiti naman ang babaeng City Guard sa kaniyang tagumpay na mabawi ang kamay niya mula sa bastos na nakamaskarang itim na nilalang.

Bumakat pa ang kamay nito sa palapulsuhan niya ngunit mabuti na lamang at nakatakas siya rito.

Ngunit naging alerto ang nasabing babaeng city guard nang may naramdaman siyang presensya sa likuran niya dahilan upang mabilis niya itong nilingon.

Ngunit tila isang malaking pagkakamali ang nagawa niya...

IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 10] GODLY SERIES #3Where stories live. Discover now