CHAPTER 9

10.6K 281 12
                                    

Pumasok ulit si aleng Corazon para kunin ang tray. Ngunit may dala siyang panibagong pagkain.

"Hija kainin mo daw utos niya dahil kung hindi lagot tayo pareho, sige na"

"S-Salamat  po sa p-paghatid."

"Sa  wakas nagsalita karin. Oh siya walang anuman. Kumain kana ng hindi na ulit sumakit ang puson at tiyan mo. "

Sinamahan niya muna ako,  pagkatapos kong kumain gustong-gusto kong maghugas ng plato at gumawa ng kung ano ngunit nagdadalawang isip ako kung lalabas ba ako o hindi. 

Tiniis ko nalang ang lahat at nagpasyang magpahinga at matulog ngunit hindi naman ko makatulog. Bakit hindi niya pa tinapos ang buhay ko? Dahil ba buntis ako? Ano na naman ang plano niya?

Kakaalis lang ni aleng Corazon mula sa paghatid niya ng hapunan sakin. Gabi na naman ulit at hindi ko alam kung hanggang kailan ako maghihintay na makalaya mula sa kaniya gayong nagdadalang tao na ako.

Sana hindi na ako humingi pa ng tulong kay Katkat, sana hindi na sila nadamay pa. Nakokonsensya ako kasi ako ang may kasalanan ng lahat. Marahil natatakot parin siya hanggang ngayon dahil sa nagyari.

Hindi ko alam paano niya ako natunton. At hindi ko na kailangan pang pag-isipan 'yon dahil walang imposible sa kaniya. Kaya niyang gamitin at gawin ang lahat.

Pinatay ko na lamang ang TV kasi hindi ko naman naiintindihan ang palabas. Kung ano-ano nalang ang naaalala at naiisip ko. Ayokong malaman niya na buntis ako dahil baka kukunin niya sakin ang anak ko, ngunit nalaman niya parin ang lahat. Ngunit hindi ako papayag kung 'yon ang pinaplano niya!

Napalingon ako sa pinto ng bumukas ito, parang na glue na naman ulit ang mga paa ko nang makita kung sino ang pumasok. Nilock niya ang pinto at napalakas ang pagkabog ng dibdib ko.

Isa siya sa masasabi mong may perpektong kagwapuhan at may matinding appeal. Nakakahangang panindig at katawan, ngunit sa likod ng 'yon ay ang kademonyuhan niya na hindi pa alam ng iba. Wala silang pinagkaiba ni Hazelton.

Napakurap ako ng makita na nasa harap ko na pala siya ilang dangkal lang ang layo.

"Did you already killed me in your mind?"

Sobrang lamig ng boses niya at hindi ko parin maiwasang makaramdam ng kaba sa tuwing lumalapit siya sa akin. Ngunit mas pipiliin kong magmakaawa na lamang sa kaniya ngayon dahil nais ko nang maging malaya. Kahit na galit ako sa ginagawa niya sakin kailangan kong gawin ito.

"S-Sir, pakawalan mo na ako p-please. Gusto ko ng umuwi sa amin"

"I won't do that Sevilla, stop begging dahil hindi mangyayari 'yang hinihingi mo sakin"

"Bakit? Para makaganti ka kay Hazelton? Kaya ko lang naman ginawa iyon dahil gusto ko nang makalaya mula sa kaniya. Nakikiusap ako Sir"

"Shut  up"

" Bakit ka ganyan? Bakit ba__"
Natuod ako nang bigla nalang niya ako hinapit at hinalikan sa labi kaya hindi ko natuloy ang sasabihin ko.

"I said shut up, ikaw bakit matigas 'yang ulo mo?" Agad ko siyang tinulak at sinamaan ng tingin.

" Dahil ayoko na! Pakawalan mo nalang ako" naging mahina ang boses ko sa huli at napayuko ako.

"I said no, you're bearing my child Sevilla at hinding-hindi mangyayari 'yan" natigilan ako at naalala ang lahat, buntis pala ako sa gagong ito.

"Hindi ako papayag na muli kang bumalik kay Quevas, I won't let that happen"

Napaatras ako nang hinawakan niya ako sa baba. Muntik na akong matumba ngunit mabilis niyang hinapit ang baywang ko. Binuhat niya ako na para bang isa lang akong foam na walang laman. Inilapag niya ako sa kama, napaigtad ako nang hinalikan niya ako sa leeg. Ramdam ko ang init sa mga labi niya na nagpatindig ng balahibo ko.

DEVIL'S WRATH 1: Lucian Velorca (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon