CHAPTER 14

9.5K 264 9
                                    

"Hindi ka tatakas?"

"Hindi, huwag mo lang saktan ang mga mahal ko sa buhay"

"That's our contract, kapag lumabag ka alam mo na ang mangyayari" nakapamulsa niyang sabi habang nakatitig sakin.

"Do you love that Quevas?" muli akong napaangat ng tingin dahil sa tanong niya.

"Magkasama kayo ng ilang taon, kaya sagutin mo ang tanong ko."

Napayuko ako at dahil sa sinabi niya, talagang inalam niya lahat ng nangyari sa buhay ko. Wala nga akong takas kung sakali man.

"Hindi ko siya gusto" sagot ko, at 'yon ang totoo.

"Really huh? Then ano pa ang pinaplano nila? Ang pinaplano niyo? Answer me Sevilla!" nabigla ako dahil bigla nalang siyang nagalit.

"Wala na akong alam bukod sa mission na dapat kong gawin."

"Liar! Lahat ng ito ay plano ng ama ni Quevas at hindi ako naniniwala na wala kang alam sa kasunod nilang plano." napatitig ako sa kaniya nang hindi makapaniwala. Hindi ko alam ang sinasabi niya.

"And I know that you are still part of this, you want a game? Then lets play"

Nagulat ako nang bigla nalang niya ako inatake ng halik. Ramdam ko ang panggigigil niya sa akin at nasasaktan ako sa ginagawa niya, wala akong alam sa sinasabi niya.

"This is what you want? huh?" hindi ako makahinga sa ginagawa niya. At sobrang diin ng pagkakahalik niya sakin.

"You're mine! At hindi ka niya makukuha sa akin, kahit na mgmamakaawa ka sakin hindi parin kita pakakawalan Milk Sevilla. Damn! Tell me your plan!" parang lalamunin niya na ako ng buhay.

"Tama na" nanghihina kong sabi at napahagulhol ako ng iyak. Bigla nalang niya sinuntok ang pader na nasa gilid ko.

"So what is this? A coincidence? Kunwari wala kang alam?"

"Ano bang problema mo? Wala akong alam sa sinasabi mo!" galit siyang napatitig sakin at may kinalikot siya sa phone niya.

"Then what is this?" itinapat niya sakin phone niya. Nakita ko ang video noong nagpropose si Hazelton sakin. Tinanggap ko 'yon at ako pa mismo ang humalik sa kaniya.

Sinabi ko pa noong araw na 'yon kung gaano ko siya kamahal dahil kapag hindi ko ginawa 'yon di ako makakagawa ng planong makalaya. Kung saan niya man napulot ang video na 'yan ay napakawalang kwenta niyan!

"Do you know what is plan ? Sa araw ng kasal natin iimbitahan ko si Quevas. Gusto kong ring makita mo kung paano ko papatayin ang bastardong 'yon"

"Gawin mo lahat ng gusto mo, wala akong pakialam kahit patayin mo lahat ng tao!" mas lalo pang nagalit ang mukha niya sa sinabi ko, kung diyan siya masaya edi gawin niya total demonyo naman siya.

"I really wanted to squeeze you right now! Kung hindi mo lang dinadala ang tagapagmana ko I really wanted to hurt you hanggang sa mawala ang galit at inis ko sayo! I thought you're different, but you're still the same on them."

Inis ko din siyang tinapunan ng tingin. Ano ba ang nagawa ko sa gagong ito, eh para na nga akong robot na laging nakasunod sa lahat ng gusto niya!

"Ano ba ang problema mo?" at huli na nang napagtanto na napagtaasan ko siya ng boses. Ni hindi ko naisip na maaaring totohanin niya ang sinabi niya.

"Because I hate you! I hate the way you kissed another man. What did you kissed him?" natigilan ako sa sinabi niya, inalog niya pa ang balikat ko. Naguguluhan ako sa kaniya may saltik ba siya? Ang tagal na ng video na 'yon.

Napapikit ako nang ibinato niya nalang bigla sa sahig ang phone niya at inapakan hanggang sa madurog ito at sinipa kung saan.

"Lu, what's happening here?" napatingin ako sa taong nagsalita sa kabilang pinto palabas ng kitchen, palipat-lipat ang tingin niya sa amin ng demonyo niyang pinsan.

DEVIL'S WRATH 1: Lucian Velorca (COMPLETED)Where stories live. Discover now