CHAPTER 45

4.9K 85 3
                                    

Agad niyang pinahiran ang mga luha ko na kanina ko pa pinigilan. Ewan ko ba, ba't gusto kong umiyak, siguro dahil sa inis ko sa kaniya.

"I'm sorry wife... Stop crying, promise di ko sinasadya. Sorry na please"

"B-Bitaw sabi! Di kaba nakakaintindi?!"

"No! Sabihin mo sakin anong gusto mong gawin ko? But I won't let you go"
Wala talaga akong laban sa kaniya.

"Sige! Kung gusto mong kausapin kita? Kausapin mo rin si Lucard at ayusin mo ang alitan niyong dalawa!"

Agad na napakunot ang noo niya sa sinabi ko.

"What?! Ayoko! Why is it me? Ako ba nagtraidor? He should be the one to apologize not me!"

"Puwes, huwag mo na akong kausapin! Lagi lang natin 'yan pag-aawayan, bitaw at lalabas ako"

Napapikit siya ng mariin at tila nauubusan ng pasensya. Muli siyang nagdilat at tumitig sakin.

"Damn! Fine, I'll talk to that asshole, so masaya kana?"

"Hindi! Bitawan mo ako, gusto ko nang magpahinga!"

"Wife, kakausapin ko nanga diba? Please, bati na tayo...huwag ka namang ganyan Laham"

"Eh parang napipilitan kalang kasi, huwag nalang! Problema kasi sayo napakataas ng pride mo!"

"Okay I admit that! But I will try it para lang pansinin mo na ako. Okay, I will swallow all my pride for you, but please! Huwag mo naman akong daan-daanan nalang na parang hangin, kanina pa ako nagpapansin sayo"

"Nakakainis ka kasi! Naiinis ako sayo Lucian!"

"Don't hate me my Milk. I'm sorry"

Hinalikan niya ako sa pisngi at niyakap...dinadaan niya lang ako sa pagganyan ganyan niya!

"Tabi na tayo matulog wife?"

"Hindi! Dito ako matutulog kay Milo"
Lalo akong na bwisit nang nakita ko kung paano siya napangisi habang nakatitig sakin.

"Damn, you look so very cute...ang sungit pala ng Laham ko. I like it, why do you hate me, huh? Pinaglilihian mo ba ako, hmn?"

"Lihian! Masyadong nakakainis lang talaga 'yang pagmumukha mo para mo malaman!"
Narinig ko ang mahinang pagtawa niya at bigla nalang ako binuhat, hinayaan ko siyang ilapag ako sa tabi ni Milo.

Tumabi din siya sakin at niyakap ako at hinalikan ng makailang ulit sa labi bago isiniksik ang mukha niya sa gilid ng mukha ko.

"Doon ako sa kabila para sa gitna si Milo"

"No! Dito kalang...I wanna hug you until I woke up again. I love you my Milk, goodnight Laham"

Ang galing niya talaga magpalubag ng loob! Gusto kong hindi siya pansinin pero di ko na magawa, napaka niya talaga. Napakagaling!

Pagkagising ko ng umaga ay nakatalikod na ako sa kaniya, nakayakap ako kay Milo at siya naman ay nakapulupot din ang braso niya sa tiyan ko. Nakiliti ako nang maramdaman ang paghalik niya sa leeg ko. Di ko ito pinansin noong una, pero dinilaan ba naman ang leeg ko?

DEVIL'S WRATH 1: Lucian Velorca (COMPLETED)Where stories live. Discover now