CHAPTER 22

9K 253 21
                                    

"S-Saan  tayo pupunta? Paano kung masundan tayo?"

"No that's impossible. We're hiding our true identity. From now on your name is Mika Perez and me is Zion Perez. We cannot able to live there if we're not a couple so I made a fake papers that we're married. Baka imbistigahan tayo doon. Trust me makakaalis  din tayo dito." tumango ako sa kaniya.

"Take a rest and don't stress yourself okay?"

"S-Salamat ulit Lucard."  napatango din siya sakin at hinatid niya muna ako sa loob ng kuwarto. Humiga na ako habang yakap-yakap ko ang isang unan. Kung sakali mang makaalis na kami dito, mas gugustuhin kong di na babalik pa sa empiyernong ito.

Pinigilan kong huwag umiyak ngunit di ko nagawa. Kung nasaan man kayo mama at papa, patawarin nyo ako, mahal na mahal ko kayo, sorry sa lahat.

"Okay kalang ba? Do you feel comfortable o doon ka sa kabila?" napatitig lang ako sa kaniya at nagtaka naman siya sakin. Sobrang buti niyang tao, salamat at dumating siya para iligtas ako.

"Milk..." untag niya sakin, natauhan naman ako.

"S-Sorry, okay na ako dito."

"Oh right, sa kabilang room lang ako. Be Mika even here."

"Eh ikaw?"

"Minsan kailangan kong maging Lucard, but don't worry ako na bahala para walang may makahalata."

Napadungaw ako sa terrace, ibang klima naman. Ibang lugar, ibang taong masasagupa. Kung papipiliin ako, ayoko na maging Milk Sevilla. Ang babaeng puno ng pagsasakit.

Simula noong nakarating kami sa bansang ito ay tila nakalaya ako sa kulungan. Ilang buwan na ang nakalipas ngunit di parin mabubura ang sakit ng nakaraan ko. Siguro kahit anong tago ko sa mukha ko di parin maililihim ang lahat ng sakit kahit ibang hitsura na ang dinadala ko. Pero kahit na gustong-gusto kong makalimot ay di ko parin magawa.

Tila sinusundan ako ng kadiliman, dahil may pagkakataon na bigla ko nalang naaalala ang lahat at nauwi sa iyak at pagkamuhi ang nararamdaman ko. Nakakatulong ang paglakad lakad ko tuwing umaga para gumaan ang pakiramdam ko. Minsan pinapasyal ako ni Lucard sa magagandang lugar para daw di ako mabored sa bahay.

Until now, di parin kami tumitigil sa pag-iimbistiga tungkol sa mga magulang ko and I'm still hoping na buhay pa sila. May nakuha kasi kaming information from Philippines. Di man klaro ang impormasyong 'yon ngunit patuloy parin akong kumakapit.

Pitong buwan na ang tiyan ko, at di ko ma imagine kapag lumabas na ang baby boy ko. And I promise aalagaan ko siya ng mabuti. Tuturuan ko siya ng maayos na pag-uugali at maging mabuting tao.

"Hey, that's enough. You're fun doing it huh? Come here, take your vitamins "

"Salamat, pupunta kaba sa opisina mo ngayon? Pwedeng sumama?"  napatawa siya sakin nang tinanong ko siya ulit. Di ko nga alam ba't parang naging ulyanin ako paulit-ulit kong pinapaalala ang gusto kong sabihin.

"Makulit ka talaga, oo nga. Come here, umupo ka muna ako nahihirapan sa sitwasyon mo." hinila niya ako at pinaupo sa couch, ininom ko ang vitamins na binigay niya at nakatitig lang siya sakin. Napatingin ako sa kaniya, nakikita kong may lungkot sa mga mata niya.

"Milk, stay calm okay?"

"Ha? Bakit ano ba 'yan?" bigla nalang ako kinabahan sa di malamang dahilan.

"Promise me first." nagkatitigan kami at tumango ako sa kaniya. Bumuntong hininga muna siya at muling nagsalita.

"About the case of your parents. I'm sorry, it's confirmed."  bigla nalang sumikip ang dibdib ko sa mga narinig ko mula sa kaniya.

DEVIL'S WRATH 1: Lucian Velorca (COMPLETED)Where stories live. Discover now