CHAPTER 38

7.9K 154 8
                                    

Habang kumakain kami ay nakita ko s'yang panay tingin sakin. Di ko nalang pinansin pero ganun parin, inirapan ko siya ng makitang nakatitig siya sa dibdib ko. Mabilis ko namang isinara ang naka unbutton na butones ng damit ko sa bandang dibdib.

He winked at me at ang sarap n'ya batuhin ng kutsara sa mukha. Buti tatlo lang kami ang kumakain kaya siguro hinahayaan n'ya nalang.

************

"Laham next week ko na e- enroll si Milo, nakapag nursery na siya sa Denmark kaya pwede na magproceed ng kindergarten"

"Okay Laham I'll go with you, I have to check the school for our son's safety"
Nakahiga na kami ngayon sa kama at nakasandal ako sa kanya, siya naman sa headboard. Ramdam ko ang palad n'ya na hinihaplos ang balikat ko. At di ko alam kung paano n'ya napapayag si Milo na matulog sa sariling kuwarto nito.

Nandito kasi kami sa master's bed room at pinasamahan ko nalang sa yaya n'ya. May gusto akong itanong sa kaniya pero nagdadalawang isip ako at kinakabahan.

"L-Laham?" pinakiramdaman ko siya kasi yung chin n'ya nakapatong sa ulo ko.

"Hmn?" narinig kong sabi n'ya.

"T-Totoo bang hit man ka?" bigla nalang siya natahimik sa tanong ko, maya-maya ay kumalas siya sakin at tinitigan ako.

"Who told you that?"

"S-Si Lucard.."

"That asshole!"

"Totoo  ba?"

"If I'll say yes, do you still love me my Milk? huh?"

"So totoo?" tanong ko ulit sa kaniya. Kinuha n'ya ang dalawang kamay ko at hinalikan ang likod ng mga palad ko.

"Yeah I am baby, we are all hit man under the devil's organization. Pinapatay namin ang mga taong nasa death list ng organization. D'O is a secret organization, utos din ito ng government. Hindi pinapalampas ang mga taong nakalalabag sa batas usually sa mga taong may illegal business and agenda. I am the rank one devil but we have a founder, a Russian and half Filipino. But,  kaya kong magbago para sayo and for our son Milk. Di mo ba ako tanggap?"

"Lucian...mahal kita, kahit ano kapa. Gusto ko lang malaman ang totoo, naniniwala ako sayo Laham at nakikita ko 'yon, na ginagawa mo ang lahat alang-alang sa amin" napatitig naman siya sakin nang sabihin ko 'yon at pinisil ako sa kamay.

"Thank you my Milk. I love you damn much, and I don't know what to do pagmawala kapa ulit.
Hindi kaagad ako makakawala sa organization. Nanumpa kami noon, at kaya kami may tattoo dito sa leeg. Walang nakakaalam na ang D'O ang pumapataw ng batas kapag sekreto na kaming binibigyan ng death order."

"P-Pero paano yung mga nakaaway mo dati?"

"Don't be afraid Laham, I will protect you and our son. Hindi naman nila alam na members kami ng D'O, kinakalaban lang nila ako because of business. You know, business is a field of killings. Walang nais masapawan lalo na sa malalaking negosyo. And don't worry, the four devil's will always be my back up anytime, just trust me do you understand?"

Napatango ako sa kaniya at niyakap n'ya ako at hinalikan sa ulo. Medyo may nararamdaman akong pangamba at takot pero dapat maging matapang din ako at magtiwala sa kaniya. Ginusto ko ito, pinili ko siya, minahal ko siya kaya dapat maging matatag ako para sa pamilyang ito.

Mas hinigpitan n'ya ang pagyakap n'ya sakin at nakabaon lang ang mukha ko sa dibdib n'ya, paulit-ulit nyang hinihaplos ang buhok.  Rinig na rinig ko ang mabilis na pagtibok ng puso n'ya na tulad ng sakin. Sobrang tagal ng yakapan namin, ang akala ko nga ay tulog na siya ngunit bigla nalang siya kumalas sakin.

DEVIL'S WRATH 1: Lucian Velorca (COMPLETED)Where stories live. Discover now