CHAPTER 11

34.4K 953 65
                                    


“BASTOS!” napapintig ang puso ko nang marinig ko ang seksing pagtawa niya. Dinampian niya ako ng halik sa pisngi kaya mas lalo akong kinabahan.

“I’m just kidding, okay? Baka lang naman gusto mo.” patay malisya niyang sabi.

“Tumigil ka nga.” nag-iwas ako ng tingin dahil sa pagngisi niya sa’kin.

“Okay fine. Anyways, is that all? Hotdog lang? What else?” kinagat ko ang pang ibabang labi ko at muling nag-angat ng tingin. Nakatitig siya sa’kin partikular sa mukha ko.

“Dried fish.”

“Okay. But let me bite your lips first.” nagulat ako dahil sa sinabi at nanunukso ang mga tingin siya sa’kin. Napakalandi talaga ng lalaking ito.

“Malandi.” inis kong sabi kaya napakunot noo siya sa’kin at pagkatapos ay kinagat niya nga ang labi ko. Nailang ako dahil hindi pa ako nakapag toothbrush nang angkinin niya ito at mas pinalalim ang paghalik sa’kin.

“Magpapabili lang muna ako ng dried fish.”

Dinampot niya ang phone niya sa bedside table at boxer lamang ang  suot niya. Tumayo siya habang nakakunot ang noo habang nakatuon sa bibig niya ang phone niya.

“Devils! Buy me four baskets of dried fish! I need it in 10 minutes.”

“What the hell man?! Dried fish? Saan namin hahanapin ‘yon?” dinig kong sabi sa kabilang linya dahil naka loudspeaker pala ito.

“Fucking bastards! Try niyo sa hardware baka meron. You don’t even know where to buy dried fish?! I will give ten million for the first person who can bring me four baskets of dried fish, and, if it’s still not here in the mansion within 10 minutes, I swear, I'll burn all your cars!” sabay baba niya ng tawag at binato niya ang phone niya sa bedside table.

Bakit ganyan siya kung makipag-usap sa mga kaibigan niya? Nag-uutos na ngalang may kasama pang banta.

“Let's take a bath, baby para makababa na tayo.”

Mabilis kong pinigilan ang kamay niya nang akmang tatanggalin niya ang kumot na nakatakip sa hubad kong katawan.  Napatitig siya sa’kin kaya nabitawan ko ang kamay niya. Nagliyab ang mukha ko nang tinuloy niya parin ang pagtanggal ng kumot at mabilis niya akong kinarga papasok ng banyo. 

Napakapit ako sa leeg niya at ang tagal pa namin nakarating sa pinakaloob dahil ang lawak pa ng dadaanan. Inilapag niya ako sa bathtub na kulay rosas ang tubig at may lumulutang na petals. Napaiwas ako ng tingin nang tinanggal niya mismo sa harap ko ang suot niyang boxer.

Nag-init ang buo kong  katawan dahil sa kademonyohang ginagawa niya. Hindi ko namalayan nasa tabi ko na siya. Binasa niya ng tubig ang balikat ko at hinapit ako papalapit sa kaniya.

“A Doctor will come here tomorrow to check you and my baby. Gusto kong malaman ang lagay ng mag-ina ko. Hindi naman kita pwedeng ilabas dito dahil baka mahanap ka ni Quevas. I will never let that happen. He can steal anything from me but not you and my child! Magkakamatayan kami!”

“Bakit di mo pa ako pinatay? ‘yon naman gusto mo diba?” napalayo siya sa’kin at tinitigan niya ako ng mariin. Tila tumubo ang mga sungay niya dahil sa sinabi ko.

“Not now, but soon. After you deliver my child, your wish will be granted! I will make you suffer first.” nagngitngit ang mga ngipin ko sa sinabi niya. Sinasabi ko na nga ba! Plano niya lang ang lahat.

Siguro kinukuha niya lang ang loob ko para walang sagabal sa mga plano niya. Kahit kailan hindi ako naging matapang, pero kapag anak ko ang usapan kahit mamatay ako ipaglalaban ko siya! Siya nalang natitira kong lakas, siya nalang. Mabilis kong itinabig ang kamay niya at nasampal ko siya dahil sa inis. Nagtagis ang bagang niya dahil sa ginawa ko.

DEVIL'S WRATH 1: Lucian Velorca (COMPLETED)Where stories live. Discover now