Kabanata 12

29 2 0
                                    

"Sabagay. pero alam mo ba kung gaano karami ang calories nito? sobrang dami! plano ko ngang mag salad na lang buong araw bukas." paghi hysterical ni Aya

"Oh akala ko ba hindi ka tumataba, bakit nagiging weight conscious ka ngayon d'yan?" si Jean

"It's not about my weight but my pimple breakouts!" sagot naman nito

"Sus, arte! Para sa kaunting pimples lang e, ganda ka?"

"Duh! Tinatanong pa ba 'yan? Di porket sanay kang ginagawang lungga ng mga tigyawat yang mukha mo e ganon na rin ako. Hindi naman kasi ako sanay maging pangit!"

"Haynaku Aya. Binili nga natin lahat to para kay T, diba? tapos panay paalala ka naman d'yan about calories." Sabat ni Ena sa usapan. sa aming apat, siya ang pinakahuli sa pagkain.

"T? hmm.. mas madaling sabihin. Is it okay if we call you that... T?"

Ngumiti at tumango ako kay Jean

Pagkatapos kumain ay nag movie marathon kami sa dalang laptop ni Jean. Bumaba muna sandali ang dalawa para bumili ng snacks at kung ano mang magandang makakain habang kami naman ni Ena ang naghanap ng panonooring movie.

Habang naghahanap ng panonoorin ay may kumatok sa pinto.

"Ano? Ikaw ang mag bukas d'on, kitang naka dextrose ako e." Sabi ko ng magkatinginan kami ni Ena. Umirap lang siya at bumaba ng kama para pagbuksan ang kung sino man ang sa labas. napangisi ako.

"Who's there?" tanong niya dito.

"Janitor po, ma'am." kaya binuksan niya rin ito. "May nagpapabigay po."

Nangunot ang noo ko sa narinig. Bakit kailangan pang ipadala nina Aya at Jean ang biniling pagkain sa tagalinis?

"Ito na siguro 'yon. thankyou po." si Ena na nagpasalamat muna sa matandang lalaki bago tinanggap ang dalawang plastic na puno ng pagkain na dala-dala nito.

Pagkasara ng pinto ay lumapit siya sakin at doon sa kama nilapag ang mga pagkain.

"Ang dami naman ng pinamili nila? Akala ko ba snacks lang?" wala akong nakikitang ni isang snacks kundi puro mga totoong pagkain at may mga prutas pa!

"Basta ako, kaunti lang dyan ang kakainin ko kaya kayo ang umubos niyan." si Ena.

Ilang sandali lang ay nakabalik na rin sina Aya at Jean. Nabigla ako dahil pagkapasok nila ay may dala rin silang isang plastic na mukhang puno ng ibat ibat klaseng snacks.

"Anong klaseng tiyan ba ang meron kayo, bat ang dami ng pinamili niyo?"

si Ena na mukhang nagulat din sa mga kaibigan.

"Ang dami naman ata ng pinamili niyo? wala akong balak magtagal dito, 'no!" sabat ko, hindi makapaniwala sa dalawang 'to.

"Ano?"

"Ha?"

Sabay pa sila, naguguluhan.

"Ito. Di ba pinadala niyo 'to sa janitor? Mauubos ba natin 'to?" tinuro ko pa iyong dalawang naunang plastic.

Nangunot ang noo nila at nagkatinginan. "Ano yan? Hindi galing samin yan." si Jean

Ngayon ay kami naman ang nagtatakang nagkatinginan ni Ena.

"Kung hindi sa inyo galing, e kanino?" si Ena

Ilang segundong katahimikan pa bago nagsalita si Aya.

He's In TroubleWhere stories live. Discover now