Kabanata 30

13 1 0
                                    


"TIARA!" we were in the cafeteria when Eunice suddenly barged in, fuming in range.. while calling for my name.

Napatayo sina Jean at Aya habang ganun pa rin kami ni Ena, nakaupo.

Lumapit siya sa table namin at matalim ang tingin sakin.

"You've really done it, huh? You successfully stole Kairous from me sa ilang buwan lang. Wow!" Nakangisi ngunit galit na wika niya nang lumapit sakin.

Nagkatinginan kami ni Ena at gaya ko, mukhang nabibigla rin siya sa nangyayari.

"Why won't we clap our hands for her guys? oh, come on, she deserves it! Kung kayo hirap na hirap makuha ang atensyon ni Kairous, itong babaeng 'to naman ay walang kahirap- hirap na inaahas sakin ang soon-to-be boyfriend ko! Ang galing 'di ba??" Malakas niyang sinabi ito habang pabalik- balik ang tingin sakin at sa mga nanonood samin.

Napatayo na ako sa kinauupuan ko. Ramdam ko na rin ang mga mapang usisang tingin ng ibang mga estudyante samin.

"What's your problem?" Pilit kong pinakalma ang sarili.

Tumayo na rin si Ena at lumapit sakin, ganun din sina Jean at Aya.

"Eunice, ano bang problema mo?" si Jean

"Oo nga, nagsawa ka na ba sa mga kaaway mo kaya itong kaibigan naman namin ang nataypan mo ngayon?" sabat naman ni Aya

"Kung sana ibang lalaki nalang ang nilandi niya, edi sana wala kaming problema ngayon diba?" mataray pa ring aniya sa mga ito.

"Sino bang nilandi ko? Nilandi ko ba si Kairous? Ang pagkakaalala ko kasi sa sinabi niya gusto na niya ako, dati pa." ang dating nun ay nagyayabang pa ako, na siya namang totoo.

Mabilis siyang humarap sakin. "And you're proud of that?!"

"Bakit hindi? Sayo na rin galing halos kayo dito ginawa ang lahat mapansin lang niya pero ako? wala pa mang ginagawa pansin na pansin niya."

I smirked. As much as possible gusto kong ipasok niya yon sa isip niya at intindihin kung paano kami naiibang dalawa.

I expected her to get furious for what I said but not this way. Sinampal niya ako and I could hear people around me gasp in surprise.

Napahawak ako sa pisngi kong sinampal niya, nakayuko. Naramdaman ko ang kamay ni Ena na hinawakan ang braso ko at alam ko, kung nakikita ko lang at mukha niya ngayon. Kinukwestyon na nito ako kung bakit wala pa akong ginagawa para makaganti.

At iyon nga ang ginawa ko. Inangat ko ang tingin ko at malakas na sinampal si Eunice ng dalawang beses. You heard it right, dalawa.

Dahil dun talagang nagkagulo na sa buong cafeteria. Samo't saring mga boses na ang naririnig ko at halos lahat na ata ng tao rito nasa amin ang atensyon.

"How dare you!" kung galit siya kanina mas galit na siya ngayon. But I don't care cause she started it first.

"Eunice!!" Sabay na tawag ng dalawang babae at lumapit sa kanya. matalim silang tumingin sakin bago sa kaibigan.

"Girl, okay ka lang?" alalang tanong nila rito tsaka humarap sakin. "How dare you hurt her!? Don't you know who she is?" mataray na bulyaw nung isa

"We'll make sure that Kairous will hear about this! He's Eunice's boyfriend. Just wait!" wika naman nung isa na inaalo pa ang mangiyak- ngiyak na kaibigan. what the? e ang tapang- tapang niyan kanina!

"Go ahead. Let's see kung sino ang kampihan niya." Sabat ni Aya

"Well, of course si Eunice because she's his girlfriend! Kayo," turo niya sa mga kaibigan ko "Pagsabihan niyo yang kaibigan niyo. She's just a transferee here kaya matuto siyang lumugar!" bago mataray na tumingin sakin.

He's In TroubleWhere stories live. Discover now