Kabanata 38

31 3 0
                                    

Pagkatapos ng program ay umuwi agad ako at hindi ko na inabalang hanapin pa si Serena at nagtaxi na lang pauwi. Iniwan ko sila ron dahil naiinis ako sa t'wing naiisip ko kung anong klaseng pag-uusap ang ginawa nila nung ex niya.

Masama ang loob ko nun kaya hindi na rin ako nagtaka kung bakit binangungot na naman ako sa aking pagtulog. Pero sa pagkakataon ito, nang magising ako ay hindi ko na sinubukang bumalik pa sa pagtulog. Basang-basa ako sa pawis at hingal na hingal na para bang may humabol sakin nang magising ako. Sa akala ko ay nakatakas na ako sa masamang bangungot na 'yon ay hindi ko lubos akalain na sa paggising ko ay malulunod din pala ako sa kakaisip kung ano ang napag-usapan nila.

Nasabi niyang babalikan daw niya ang ex niya, ginawa kaya niya? Pumayag naman kaya siya?

Maganda rin siya, sexy. Siguro walang meron sakin na wala siya, kaya hindi na rin ako magtataka.

***

Ngayong sabado ay balak kong buong araw lang na mag mukmok sa bahay total ay wala naman akong pupuntahan ngayon. Nang magsawa ay pumunta ako sa likod ng bahay para maligo sa pool.

"Tita, si Ena?" Mabuti dahil naabutan ko si tita sa baba kaya may mapagtatanungan ako.

"I don't know, hija. Hindi ba nagsabi sayo?" Naglilinis sila ng bahay kasama ang ilang mga kasambahay. Sabado nga pala ngayon.

"Hindi e, saan na naman kaya 'yon?" wika ko "Anyways, I'll go ahead tita."

"Where? May pupuntahan ka?"

"Sa pool lang po, maliligo."

While I was enjoying myself there, swimming, Serena came out from the house and approached me.

"Coz, come here, bilis!"

I was on the other side of the pool so I had to swim all the way to the other side to get to her "What?"

"We're going to Heraya Island tomorrow, Yey!"

Nabigla ako. "Saan naman yan? No, thanks! Gagawin mo pa'kong buntot niyo ni Erik." Muli akong lumangoy palayo pero ilang strokes pa lang ay natigil ako nang magsalita siya

"No, silly! The whole OU basketball team will be there along with some others, so are you in?"

"No." Ngiwi ko "Marami akong kailangang gawin. I need to review pa dahil may individual demonstration kami next week."

"Next week pa naman pala, tsaka matalino ka naman, kahit mag cram ka pa you'll be able to ace that pa rin!"

"No. I said no, Ena."

Umahon na ako. I'm just on my black swimsuit so I used a towel to cover up the lower part of my body.

I laid my body on the sun lounger and wore sunglasses so I could freely look up to the sun. I tried closing my eyes but Serena just wouldn't shut her mouth even a bit.

"Really? But Kairous will be there, T!"

"Exactly why I don't wanna go. Kayo na lang."

Hindi man ako nakatingin sa kanya ay alam kong nakataas na ang kilay niya

"What, LQ kayo? Baduy niyo! For sure sasama rin si Eunice, ayaw mo bang bantayan ang dalawang 'yon? Baka mauntog yon at magkagusto na rin sa kaibigan niya, sige ka."

"Find my fcking care, Serena."

"Well, someone sounds anxious. May nangyari kahapon 'no?"

Matagal bago ako sumagot. Iniisip kong dapat bang magkwento ako..

"Wala. Do you mind? I really want to enjoy it this weekend." I sighed. My heart feels heavy. I feel so tired and empty, for now I just want some peace and quiet so maybe I would feel better.

He's In TroubleWhere stories live. Discover now