Kabanata 14

31 2 0
                                    


Kinabukasan ay maaga akong nagising at naligo. Ngayong araw din ay napag- desisyonan kong isuot na ang uniform ko dahil napapagod na akong ibagay ang mga damit ko sa outfit ko. Napatingin ako sa repleksyon ko sa malaking salamin.

Mukhang bagay naman pala sakin. May white na blouse sa loob at katamtaman lang na haba ng necktie na pinarisan ng black na blazer. May logo ito ng school habang sa kabila ay ang initial at apelyido ko. T.f. Vernieza

"Pfft." Hindi ko mapigilang matawa nang mabasa ito. Parang the fuck lang ang dating e.

Tiningnan ko rin ang skirt na suot at black din ang kulay nito and above the knee ang haba. Maganda naman pala. Now you're probably wondering why our uniform isn't like those ordinary and usual plain and all white uniforms that nursing students usually have. Pare-pareho lang ang mga uniporme ng mga estudyante sa OU, naiiba lang ang pin na nasa gilid ng name tag nito. Para itong logo na nagsi-symbolize ng course mo, halimbawa nalang saming mga nursing students na ang nakalagay sa logo ay isang syringe. Kina Serena naman ay luggage, while for engineering students ay that yellow cap that people usually wear on most construction sites.

Bumaba na ako and as usual ay dumiretso ng kusina. Naabutan kong nagluluto roon si Ena kaya pagdating ko ay inasar ko agad siya. "Naks naman! Nagluluto ka, Ena?" kunwari ay gulat na gulat na tanong ko.

"Mukha namang magaling na ako at wala nang lagnat.." kinapa ko pa ang noo ko at leeg pagtapos ay dahan- dahang tumingin sa kanya. "Don't tell me, ikaw naman ngayon ang masama ang pakiramdam?!"

Inismiran niya lang ako at hirap na inilipat ang mukhang tustadong mga hatdog sa lalagyan. Pinatay na rin niya ang stove at tinanggal ang suot na apron. Naka uniform na kasi siya at siguro ay sa takot niyang mamansyahan ito. "Stop pissing me off, Tiara, wala ako sa mood!" Masungit na sagot niya.

"Anong meron, ba't ang sungit mo?" Tanong ko dahil nakabusangot siya . ako rin ang naglapag ng mga plato sa lamesa dahil makikikain ako sa niluto niya. Kahit pa ba tustado ay pagkain pa rin naman 'yan.

"Do you know Margaux Anastasia Wong?" tanong niya habang masama pa rin ang timpla ng mukha. Umupo na kami at nagsimula ng kumain.

"No. Pero pamilyar sakin. why?" Sagot ko habang kumakain. feel ko ay narinig ko na ang pangalang yon somewhere... hindi ko lang ma recall.

"She's from Avelyn University and she transferred to OU. I saw her yesterday and she's literally worse than Austria. Ugh! It's a good thing they don't like each other tho, baka kung nagkataon ay maging impyerno talaga ang buong OU."

"Well.. as long as we don't get on their way, hindi naman siguro nila tayo pakikialaman, di'ba? Stay out of trouble, Ena." Ngayon pa lang ay pinaalalahan ko na siya.

"I don't think so, T. As I said, she's worse than Austria and someone who's worse than that girl will definitely make way just to do bad things on anyone... specially those who they think are better than them."

Napaangat ako ng tingin sa kanya dahil sa sinabi niya. She has a point. but if that ever happened.. I'd make sure that she'll regret ever messing with a Vernieza.

Nag- usap pa kami sandali at kinwento pa niya sakin kung gaano kasama iyong Margaux ayon sa mga nakakakilala sa kanya. Mataray daw talaga ito at literal na spoiled brat. Nanggaling din sa mayamang pamilya na nagmamay- ari ng mga sikat na restaurants sa loob at labas ng bansa.

Pagkatapos naming kumain ay pumasok na agad kami. As usual ay pinagtinginan agad kami ng ibang mga estudyante pagkapasok pa lang namin. Nang maghiwalay na kami ng daan at dumiretso sa kani- kaniya naming mga building ay may napansin agad akong nagkukumpulan sa may bandang field habang naglalakad. Maraming tao doon at napansin ko agad ang tatlong babaeng nakatayo at nakaharap sa Isang babaeng nakaupo na mukhang pinagkakaisahan nila. Nakatalikod sakin ang tatlo habang iyong nakaupo naman ay nakayuko lang kaya hindi ko makita ang itsura niya. Nagpatuloy na ako sa paglalakad dahil wala naman akong karapatan na makialam sa gulo ng iba. Lalo na dahil hindi ko alam kung baka may kasalanan din iyong isa.

He's In TroubleWhere stories live. Discover now