Chapter 3: I Like You Too.

1.6K 35 1
                                    


Chapter 3: Mutual Feelings
Written by Felix Alejandro

5PM na at paalis na sana siya sa School nang hilahin siya ni Jocelyn.

"Besh, sama ka! Punta tayo Jollibee!"

"Nagtatrabaho ako sa KFC as a part timer tapos papupuntahin mo ako sa Jollibee? Okay ka lang ba, Jocelyn?" natatawang sabi niya habang inaayos na ang bag at inilalagay ang mga libro roon para makaalis na.

"Besh, kasama si Drake! Alam mo ba, kaibigan pala siya ng kuya ko at nagkayayaan silang kumain? Bigla kitang naisip, crush mo siya, hindi ba? Chance mo na 'to, besh!" kinikilig na sabi nito.

Lumingon siya sa paligid dahil kinabahan siya na baka may nakarinig sa sinabi nito.

"Ang ingay mo talaga, Jocelyn! Sinabi ko na sa 'yo, 'di ba? Ayokong may makaalam ng pagkakacrush ko sa kanya! Kakainis ka!" pananaway niya rito ng mahina lang.

"Besh naman kasi, sayang opportunity. Hanggang crush ka na lang ba? Kulayan naman natin ang drawing mo!"

"Pero mga bata pa tayo! Kung tutuusin nga, mali na nagkakacrush na ako sa isang lalaki. Nangako ako kina Papa na hindi muna ako magbo-boyfriend!" mariing sabi niya.

"Boyfriend agad? Besh, 'di ka pa nga sure kung mata-type-an ka ni Drake tapos boyfriend agad? Hindi ba pwedeng kikilanin lang natin siya? Besh, ang tagal mo nang may crush sa kanya pero hanggang tingin ka lang, baka hindi na dumating ang opportunity na ito kapag pinakawalan mo pa, sige ka!" pananakot pa nito.

Napabuntong-hininga siya. Natutukso talaga siya na sumama dahil sa totoo lang, matagal na niyang gustong makausap man lang si Drake. School heartrob ito kaya masyadong mahirap na makasama ito lalo pa at marami palaging nakapaligid dito. Pero tama naman si Jocelyn, imposible naman na magkagusto ito sa kanya kaya ano pa ba ang dapat niyang ikatakot? Hindi naman siguro masamang makipagkaibigan.

"Fine. Tatawag lang ako sa KFC para sabihin na hindi ako makakapag duty ngayon dahil kakain tayo sa Jollibee na kakumpetensya nila. Sasama na ako," pagpayag niya.

"Besh, the best ka talaga kahit ang corny mo magjoke! Huwag kang mag-alala, ililibre kita!"

Ngumiti na lang siya sa kaibigan.

___

HINDI MAKAPANIWALA si Drake na nasa harapan niya ngayon ang babaeng matagal na niyang crush. Si Kaitlyn Lopez. Mas matanda sila ng isang taon dito kaya never nagkachance na magkausap sila ng matagal kaya hindi niya akalain na makakasama nila ito ngayon as a group. Kaibigan nito ang kapatid ng kateam nila sa basketball kaya sumama ang mga ito sa celebration nila dahil nanalo sila kanina sa sparring.

My god! She's so beautiful!

Bigla tuloy nagbalik sa isipan niya ang ala-ala niya rito noon.

Para sa kanya ay pangarap lang si Kaitlyn. Nakuha nito ang atensyon niya sa unang beses lang na nagkatagpo ang mga mata nila noon. Isang beses lang iyon pero sapat na para magkacrush siya dito. Nalaglag lang nito ang panyo nito noon at hinabol naman niya ito noon para ibalik.

2nd year highschool lang siya noon at ito naman ay bagong pasok lang sa Estefano University bilang freshman. Noong lumingon ito noon sa kanya na may matamis na ngiti sa labi ay kumabog na agad nang malakas ang puso niya.

Simula noong unang pagkikita nila ay palihim na siyang palaging dumadaan sa room nito noon. Kahit masulyapan man lang ito noon ay sapat na sa kanya. Gusto niya itong kilalanin pero natotorpe lang siya. Ewan, kakaiba ang appeal ni Kaitlyn. Para itong isang mamahaling pinggan na tila ba kaunting galaw lang ay mababasag na. Bukod doon, nalaman niya na straight a student si Kaitlyn at pag-aaral lang daw ang priority nito. Scholar ito sa mamahaling school na iyon kaya ayaw nito na mawala iyon. Natakot siya na baka kung maging close sila ay makasira siya sa pag-aaral nito.

Prisoner of Love (SPG) Obsession Series # 2 (COMPLETED)Where stories live. Discover now