Chapter 4: Stay Away From My Girl!

1.4K 33 1
                                    


Chapter 4: Stay Away From My Girl!
Written by Felix Alejandro

NAGKAROON NG MALAY si Drake na naramdaman niyang may piring na ng panyo sa mata niya at ang mga kamay at paa niya ay nakatali sa isang upuan. May takip din ang bibig niya pero tinanggal din iyon ng marahas ng sinuman nang mapansin ng mga ito na gising na siya.

"Sino kayo? Nasaan ako?!" pagsisigaw niya na natatakot na para sa sariling buhay.

Nanlaki ang mga mata niya nang mapansin na nasa isang madilim na lugar siya kung saan napapalibutan siya ng mga lalaking nakasuit at may hawak pang mga pamalo at baril! Mukhang luma na ang malaki at malawak na bahay na iyon na tila wala nang nakatira dahil walang mga gamit doon.

Pero ang higit na nagpalaki ng mga mata niya ay nang makita niya kung sino ang kidnapper niya. Ang nag-iisang nakaupo na parang hari na lalaking iyon na malapit sa kanya. Iyon ay walang iba kung hindi ang may-ari ng school na pinag-aaralan niya. Si King Estefano na tila nagbabaga ang mga mata habang nakatingin sa kanya.

"Bakit po ako narito? Ano po ang naging atraso ko sa inyo?"

Ngumisi ito ng nakakaloko. "Are you seriously asking me that? Ngayong ninakaw mo na ang pag-ma-may-ari ko?" galit na sabi nito.

Kumunot ang noo niya. "Wala po akong ninakaw! I think this is a misunderstanding! Wala akong ninakaw na kahit ano sa school, Mr. Estefano!" pagtanggi niya. Mukhang napagkamalan siyang magnanakaw ng mga ito.

"Really? Then how can you explain this?"

Biglang kinuha ni King ang remote control na nasa tabi lang nito at binuksan ang isang projector. Nagulat siya nang makita ang sarili sa video na naroon. Iyon ay iyong nasa Jollibee sila kanina. Naguluhan siya kung bakit may video habang kumakain sila. May nag-eespiya sa kanila?

"Ako nga pala si Drake."

"Alam ko."

"Alam mo?"

"Oo, Drake, alam mo kasi, itong bestfriend ko, matagal nang may crush sa 'yo--"

"Naku, huwag mong pansinin itong kaibigan ko! Nagbibiro lang siya!"

"That's fine. Because I also have a crush on you, Kaitlyn."

Iyon ang mga naging palitan nila ng salita kanina. Iyong pag-amin niya kay Kaitlyn na may crush siya rito at maging ang pagtukso sa kanila ng mga kasama nila na tila kinikilig sa kanila ni Kaitlyn.

So ang tinutukoy ni Mr. Estefano na pagma-may-ari nito ay si Kaitlyn?

Kung ganoon ay totoo ang rumors na naririnig niya tungkol kay Kaitlyn? Na talagang nakikidnap ang mga lalaking nagpapakita ng interes dito at ang salarin sa lahat ng iyon ay ang may-ari nga ng school nila?!

"Do you understand now, little boy?"

Biglang tumayo si Mr. Estefano sa kinauupuan nito at lumapit sa kanya. Saka siya nito muling sinuntok ng malakas sa sikmura na nagpaubo sa kanya.

"Stay away from Kaitlyn. She's mine and I will f*cking kill you kapag nilapitan mo pa ulit siya!" pagbabanta nito. Mababa ang tinig pero mariin. Marahil, kahit sino'ng makarinig ng banta nito ay tutubuan ng takot sa katawan but not him. He loves Kaitlyn too much.

"No! I love her! Pangarap ko lang noon na makausap man lang siya pero ngayong nalaman ko na gusto niya rin ako, hinding-hindi ko siya lalayuan kahit patayin mo pa ako!" galit na sigaw niya kahit na hirap na hirap.

Tumawa ng malakas si Sir Estefano.

"Love? You're a fucking 17 year old kid! Ano ang alam mo tungkol sa love? Tuition fee mo pa nga lang ay inaasa mo pa sa mga magulang mo! You don't even have your own money, how dare you steal my girl away from me?" pang-iinsulto nito.

Prisoner of Love (SPG) Obsession Series # 2 (COMPLETED)Where stories live. Discover now