Chapter 10: Bee Cameras

1.4K 43 2
                                    

Chapter 10: Bee Cameras

Written by Felix Alejandro 


Lumipas ang ilang linggo...


Napabuntong-hininga si Kaitlyn nang malaman ang balita kay Jocelyn na ayos na raw ang lagay ni Drake pero nalaman niya na katulad ng iba na nagkagusto sa kanya sa school na iyon na bigla na lang nakidnap ay nakatakda na ring mag transfer ng school si Drake. 


Gusto sana niya itong makausap kahit na saglit lang pero malinaw na sinabi ni Jocelyn na pinasasabi daw ni Drake sa kuya nito na huwag na raw siyang lalapit dito. Medyo nasaktan siya dahil kahit yata si Drake ay galit sa kanya sa hindi niya malamang dahilan. Pero may ibinigay na sulat sa kanya si Jocelyn at galing daw iyon kay Drake. 


I'm sorry kung hindi na ako pwedeng makipagkaibigan sa 'yo. I realize na mahalaga ang pamilya sa akin at ayaw ko silang madamay dahil lang sa pagiging selfish ko. Gusto kita pero kailangan kong lumayo dahil buhay ng pamilya ko ang nakasalalay dito. Huwag ka na lang sanang magtanong pa kung bakit. Mag-iingat ka palagi, Kaitlyn. Palagi kang titingin sa paligid mo.


Iyon ang nakalagay sa sulat ni Drake. Maging si Jocelyn ay tila nagulat din sa nakasulat doon na buhay ng pamilya ni Drake ang nakasalalay sa paglapit sa kanya kaya parehas pa silang napatingin sa paligid. Malayo sila sa mga kaklase nila dahil hindi pa nag-uumpisa ang huling subject nila sa araw na iyon pero feeling niya, may nanonood sa kanila.


Hanggang sa may mapansin siyang isang parang langaw na lumilipad malapit sa kanya. Mabilis iyong gumalaw at napakaliit pa pero parang may lense doon. Dahan-dahan na hinuli niya ang parang langaw. Nanlaki ang mga mata nila ni Jocelyn nang mapansin nila na hindi iyon totoong langaw kundi tila isang maliit na camera na lumilipad!


Namatay ang power niyon nang mahuli iyon ng kamay niya!


"OMG! Ano ito?! Gadget? Bakit ang liit!" reaksyon ni Jocelyn.


Kinabahan siya dahil tinubuan siya ng hinala.


"Alam mo ba na palagi kong napapansin na parang may langaw na nakasunod sa akin kahit saan ako magpunta? Kahit sa bahay. Sa CR nga lang yata walang sumusunod. Ang akala ko mabaho lang ako pero kahit ano'ng ligo ko, may langaw pa rin. But it turns out, spy camera pala ito!" kinikilabutang sabi niya.


"Pero besh, sino naman ang gagawa nito sa 'yo? May nakaaway ka ba? Saka ang sosyal naman, gumamit pa ng ganitong gadget para lang manmanan ka! Hindi kaya may kinalaman ito roon sa mga nagkakagusto sa 'yo na bigla na lang nawawala at pagkatapos ay lumilipat ng school?"


"Hindi ko rin alam, Jocelyn. Bukod sa limang nagkagusto sa akin dito sa school, wala naman akong nakikilalang ibang lalaki kaya wala talaga akong idea. Pero pakiramdam ko talaga ay may stalker ako at ang kinatatakot ko, paano kung wala naman pala talagang gusto sa akin iyon at gusto lang akong patayin o kaya pagsamantalahan? Paano kung madamay ang pamilya ko dahil dito?" Natatakot na talaga siya. 

Prisoner of Love (SPG) Obsession Series # 2 (COMPLETED)Where stories live. Discover now