Chapter 6.2: Caught In The Act

1.3K 22 0
                                    

Chapter 6.2: Caught In The Act

Written by Felix Alejandro

HINDI NATULOY SA pagpunta sa fastfood sina Kaitlyn at Jocelyn dahil pinauwi na ito ng kuya nito. May biglaan daw kasing bisita ang mga ito kaya naman iyong inorder nila ay tinake out na lang niya.

Naisip niya na sayang naman iyong binili niya at bigla niyang naaalala na naiwan nga pala ng papa niya kanina ang lunch box nito sa bahay kaya siguradong wala itong kakainin ngayon.

Tama! Dadaanan niya ang papa niya sa trabaho nito. Janitor ito roon sa Estefano corporation, isang telecommunication company.

"Hello, nandito po ako para puntahan ang papa ko at dalhan siya ng pagkain. Alam ko po break niya ngayon kaya ihahatid ko lang sana ito," nakangiting sabi niya sa babaeng naroon sa reception.

Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. Sa totoo lang, medyo nailang siya dahil parang kulang na lang ay sabihin nitong mukha siyang hampaslupa. Alam naman niyang para lang siyang naligaw sa building na iyon dahil nakaschool uniform pa siya dahil pagkatapos ng pasok nila ay dumaan na agad sila sa ospital ni Jocelyn kanina para bisitahin si Drake. Pero dapat ba talagang pasadahan siya ng ganoong tingin? Alam niyang sosyal ang building na iyon pero hindi naman siya mukhang pulubi. Mukha nga lang siguro siyang nene dahil sa school uniform niya.

"Ano ba ang papa mo rito?" masungit na tanong nito.

"Janitor po siya," nautal pa siya no'ng sumagot. Ewan niya pero parang nahihiya siya sa uri ng pagtingin nito.

"Iyon naman pala e, bakit dito ka dumadaan? Ang mga janitor dito, doon sa likod ang elevator dahil palagi silang may mga dalang panlininis na mabibigat," pagsinghal nito.

Napahiya siya ng kaunti pero nagyuko na lang ng ulo. "Sorry po, sige, doon na lang ako dadaan!" natatakot na tumakbo na siya paalis sa harap nito.

Agad siyang nagtext sa papa niya. Sinabihan naman siya nito na pumunta raw sa rooftop dahil doon nito gustong kainin ang dala nila dahil presko ngayon at hindi maaraw. Nang nasa elavator ay nagkita pa sila noong nasa 10th floor na siya kaya naman
sabay na silang dalawa na umakyat papunta sa rooftop. Hindi na niya binanggit iyong masungit na babae sa reception. Baka mahighblood pa ang papa niya.

Kailangan pa nilang umakyat ng isa pang baitang pagkatapos mag-elavator para marating ang rooftop pero nanlaki ang mga mata nila nang pagbukas nila ng pinto ay mayroon silang nakitang nagmimilagro!

May isang babae at lalaking walang suot na pang-ibaba! Nasa likuran ng lalaki ang babae na nakatuwad habang gumagawa ng kalaswaan!

Nakilala niya ang pamilyar na lalaking iyon. Iyon si King Estefano, ang may-ari ng school nila at ng kumpanyang ito na pinagtatrabahuhan ng papa niya!

Muntikan na niyang mabitawan ang hawak niyang KFC dahil nagkasala ang mga mata niya sa nakita. They are fuc-- she can't even say the word even in her mind!

"What the f*ck! What the hell are you doing here!!" Galit na galit na sabi ng babae habang si King naman ay tila natulala sa nangyari.

Halos sabay pa silang tumalikod ng papa niya na para bang sila pa ang nahihiya.

"Sorry, ma'am, sir, hindi namin sinasadya! Ang akala namin ay walang tao rito!" paliwanag ng papa niya habang nakatalikod pa rin sila.

Alam nila na nagbibihis na ang dalawa. Bakit kasi sa dinadami-dami ng lugar ay sa rooftop pa gumagawa ng kalaswaan ang mga ito?!

"Hindi sinasadya?! Are you f*cking kidding me?" Nang makapagbihis ay galit na nilapitan sila ng mala-tigreng babae.

Nakilala niya ang babae dahil kahit minsan lang siyang manood ng tv ay nakikita niya rito roon! Yes, the girl in front of them is an actress! Si Beatrice! Baguhan pa lang ito at hindi pa ganoon kasikat pero sobrang ganda nito! She can't believe na ang katulad nito ay gagawa ng ganoong kaeskandalosang bagay!

Prisoner of Love (SPG) Obsession Series # 2 (COMPLETED)Where stories live. Discover now