Chapter 7: Free Food

1.3K 33 0
                                    


Chapter 7: Free Foods

Written by Felix Alejandro


SUMUNOD nga sila kay King sa office nito sa 28th floor. Sakop ng buong office nito ang floor na iyon at napakarangya, maluwag at mabango ang opisina nito. 


Ngayon lang siya nakakita ng private office ng isang ceo. Parang bahay na rin sa laki. Mas malaki pa nga yata ito kaysa sa bahay nila. Pinaghalong itim at puti lang ang kulay ng opisina nito pero ang elegante ng tingnan. At iyong mga gamit doon, halatang mamahalin. 


Napansin niya na may isang kwarto rin doon. Doon siguro ang pahingahan nito kapag napapagod na ito.


"Seat. I already called Violet. She will bring all the foods here." 


"Nakakahiya naman po, boss. Isa pa, matatapos na rin po ang lunch ko--"


"I'm the boss, right? I can extend your lunch even for a day. Don't worry, I will call your supervisor. You will still get paid in full."


Wala nang nasabi pa ang ama niya. Nararamdaman din niya na kabado rin ito sa presensya ng boss nito. She can't really blame him, siya nga na walang kinalaman sa boss nito ay kinakabahan at nahihiya, ito pa kaya?


Ang mga taong katulad ni King na mas mataas pa kaysa sa langit ay baka wala pa sa sampung porsyento ng chance na makasalamuha ang mga katulad lang nila. Kung hindi nga siguro nila ito nahuling may ginagawang bastos ay baka never pa silang magkachance na makausap ito kahit pa rito nagtatrabaho ang papa niya. Sa dami ba naman ng empleyado nito, imposibleng makilala at matandaan nito lahat.


Pero sa pagtatanggol nito sa kanila kanina at sa planong pagpapakain ngayon, sa tingin niya ay medyo nahihiya rin ito sa nangyari. Mahuli ka ba naman na may ginagawang milagro. Ayaw lang siguro nitong aminin pero way nito iyon para mag-apology sa kanila dahil sa pang-aaway sa kanila ng girlfriend nito.


Pinaupo sila ni King sa malambot na couch na naroon habang ito naman ay nasa workstation nito at nakaupo sa laptop nito. May tinatype ito roong kung ano.


Napansin niya na sa gilid nito ay mayroong may kalakihang picture frame pero dahil hindi nakapatalikod sa kanila ng papa nila iyon ay hindi niya masilip kung sino ang nasa frame na nakalagay doon.


Siguro ay ang girlfriend nitong si Beatrice ang naroon. It seems like he is head over heels in love with her kaya kahit nasa trabaho na ito ay gusto pa rin nitong makita ang mukha niyon for inspiration.


Nakatingin si King sa laptop nito at may ginagawa roon kaya napagmasdan niya ito. 


Sobrang crush na crush ito ni Jocelyn at ngayong natititigan na niya ito ng malapitan, narealize na niya kung bakit. He really have a godly face at kahit mature na ito kung tingnan, ang gwapo-gwapo pa rin nito. Maraming nag-iisip na isa itong ideal man. Handsome, smart, popular and rich, no wonder, maraming babaeng naghahabol dito at sa totoo lang, maswerte talaga si Beatrice dahil ito ang girlfriend ni King.

Prisoner of Love (SPG) Obsession Series # 2 (COMPLETED)Where stories live. Discover now