Chapter 5: Drake's Critical Condition.

1.3K 27 0
                                    

Chapter 5: Drake's Condition
written by Felix Alejandro

HINDI MAIWASANG hindi ngumiti ni Kaitlyn habang naglalakad siya papunta sa classroom. Naaalala kasi niya iyong sinabi ni Drake kahapon na gusto raw siya nito. Hindi niya akalaing maririnig niya iyon dito at bukod doon, kinuha pa nito ang number niya.

Siguro ngayong araw ay lalapitan na siya nito. Alam niyang sinabi niya sa sarili na priority niya ang pag-aaral pero kahit ano'ng pigil niya ay hindi niya mapigilan ang kiligin lalo na at  nangyari ang isang milagro sa kanya. Iyong crush din pala siya ng matagal na niyang crush!

"Hoy, Jocelyn, bakit ang seryoso mo riyan?" pagpasok niya sa classroom ay agad na niyang tinabihan ang kaibigan sa upuan.

"Besh, si Drake daw, nasa ospital."

"Ha? Bakit?!"

"Napagtripan daw kagabi besh noong umuwi na galing sa bahay ninyo. Nakidnap siya at binugbog pero ayaw namang magsalita kahit ng pamilya niya kung sino ang gumawa no'n sa kanya."

Hindi niya alam kung bakit pero parang kinabahan siya.

"Maybe it's because of your curse, Kaitlyn."

Napalingon siya sa nagsalita. Si Eve iyon. Isang kaklase nila na mainit ang dugo sa kanya. Palagi siya nitong inaaway kahit never naman siyang pumatol dito.

"Oo nga, 'di ba lahat naman ng nagkakainteres sa iyo ay bigla na lang nagda-drop out?" sabi naman ng kasama nito, si Joyce.

"True! Bigla na lang nakikidnap tapos kinabukasan, lumilipat na ng school! Ano bang mayroon sa 'yo, ha? May sumpa ka ba? May nakasunod ba sa 'yong demonyo kaya lahat na lang ng napapalapit sa 'yo, napapahamak?" pang-iinsulto ng isa pa nilang kaklase, si Jewel.

"O baka naman she have a bad breath kaya bigla na lang lumilipat ng school ang mga nagkakagusto sa kanya! Yak, kadiri!" pang-aasar pa ni Eve saka nagtawanan ang tatlo.

Hindi na lang niya pinansin ang mga ito at nagsagot na lang siya ng mga assignment niya.

"Masyado ka kasing malandi! Pati ba naman ang captain ng basketball team na si Drake ay nilandi mo? Akala mo ba ay hindi namin alam na nagligawan kayo kagabi? Kaya ba hinabol siya ng mga kampon mong demonyo at nasaktan siya?! I even heard na naghihingalo raw siya ngayon sa ospital and it's all because of you! Maybe you are a witch and you sucked her energy!"

Kung ano-ano na lang ang sinasabi ni Eve. Galit na galit ito dahil isa ang boyfriend nito sa mga 'nakidnap' daw at pagkatapos ay bigla na lang lumipat ng school pagkatapos mag confess sa kanya.

Kaya siguro iritable ito sa kanya. Kasalanan ba niya na nagkagusto sa kanya ang boyfriend nito kahit jowa na nito si Eve?

"Baliw ka ba? Ang tanda-tanda mo na, naniniwala ka pa sa mga demonyo at mangkukulam? Siguro dahil mga kamag-anak mo. Nakatira ka sa hell 'di ba--" Hindi na naituloy pa ni Jocelyn ang sasabihin sana nito dahil hinila na niya ito paupo sa tabi niya.

"Huwag mo na silang pansinin, Jocelyn. Magsagot na lang tayo ng assigment," sabi na lang niya.

"Maybe your conscience is eating you right now! I can't blame you because someone almost lost his life because of you!" Huling sabi na ni Eve bago siya tinigilan.

She hates to admit it pero may kutob siya na baka nga may kinalaman siya sa nangyari kay Drake.

Sa totoo lang, itinatago lang niya sa lahat pero hindi siya manhid para hindi maramdaman na madalas ay parang may mga sumusunod o nagmamatyag sa kanya. Madalas din ay may nakikita siyang iba't-ibang klase ng kotse na nakahinto malapit sa kanya at tumatagal ang mga taong sakay niyon sa loob ng dalawa o tatlong oras lalo na kapag nasa part time job niya siya.

Prisoner of Love (SPG) Obsession Series # 2 (COMPLETED)Where stories live. Discover now