CHAPTER 7

9 1 0
                                    

AUTOMATIC na tumaas ang kilay ko nang madatnan ang "nakaririmarim" na eksenang iyon sa L'espresso. Nandito lang naman ako para uminom ng paborito kong frappe, pero bakit kailangang ma-witness ko pa ang lampungan ng dalawang taong kinabub'wisitan ko? Why?

"Dapat hindi mo sila pinapasok. Sinasabi ko na, bad luck lang ang dala ng mga 'yan dito sa shop mo!" nanggagalaiting pabulong na sabi ko kay Zeph nang lapitan ko siya sa counter.

"'Wag kang gan'yan, Kia. Businessman ako, remember? Sayang naman ang kita ko kung palalayasin ko sila," kalmado pero natatawang sabi niya.

"Kaibigan ba talaga kita, ha?" Inirapan ko siya.

"Hey, chill! Alam mo gutom lang 'yan. Better umupo ka na do'n at hintayin mo 'yong order mo. Saka pumikit ka na lang muna para hindi ma-infect 'yang eyes mo," mapang-asar pang sabi ng siraulong kaibigan ko.

Ngali-ngaling hampasin ko ang bwisit sa sinabi niya.

Ayaw ko man, I went to my usual seat. At nakakabuwisit kasi kitang-kita sa puwesto ko ang lampungan nina Camille at Jiro! Dapat yatang pumikit na lang ako katulad ng suggestion ni Zeph. Parang magdidilim yata ang paningin ko nang wala sa oras!

"Baby, say 'ah'..."

Gusto kong masuka nang ilapit ni Camille ang kutsarang may lamang slice ng cake sa bibig ni Jiro—na game na game namang ngumanga!

Pucha! Malutong na mura ko sa isip. Kulang na lang ay ibato ko sa kanila ang lagayan ng table napkin sa harap ko.

''Wag mas'yadong bitter, 'te! 'Di ba nagmo-move on ka na?

Oo nga! Pero hindi ko naman sinabing i-test agad kung naka-move on na ba ako.

Sa sobrang pagkairitang nararamdaman ko, dinampot ko na lang ang phone na inilapag ko sa table at nag-scroll na lang sa FB. Pero punyemas lang kasi pagbukas ko ng app tumambad sa feed ko ang selfie ng mga lintik sa nasa harap ko! Jiro posted their damn picture together. "At the moment" pa ang nakalagay sa caption. Humigpit tuloy ang hawak ko sa gadget. Hindi na rin ako nagdalawang isip, I clicked his profile and unfriend him immediately. Bakit ba kasi hindi ko naalalang gawin 'yon last time?

'Kalma, Kia,' paulit-ulit na reminder ko kay inner self saka nag-inhale exhale.

Seconds passed, lumapit si Zeph at inilapag ang order kong Matcha frappe at blueberry cheesecake. Saglit na nawala ang pagka-beast mode na nafi-feel ko nang makita ang mga pagkaing 'yon. Umaliwalas ang pakiramdam ko at agad na naramdaman ang gutom nang maamoy ko ang creamy scent ng cake. With that, agad kong nilantakan iyon.

"Look, may surprise ako sa 'yo," magaang sabi niya mayamaya saka umupo sa tapat ko.

"Huh? Ano?" curious na tanong ko pagkatapos kong lunukin ang slice ng cake sa bibig ko.

"Lingon ka sa hatest love birds mo." Inginuso niya ang puwesto ng dalawa.

Kunot-noo namang sinundan ko 'yon ng tingin kahit parang magkaka-sore eyes ako. Dalawang table lang ang pagitan namin. May occupants ang table na katabi nina Camille at Jiro kaya hindi mahahalatang sinusuri namin sila ng tingin ni Zeph.

Sweet na sweet pa ring naglalampungan ang dalawa. Mayamaya inilapag ni Ren—isa mga service crew ni Zeph—ang order nilang frappe.

"Miss, hindi kami om-order nito," narinig kong sabi ni Jiro.

"That's on the house, sir. Treat po 'yan ng L'espresso para sa mga first time costumers."

Muntik na akong matawa sa sinabi ni Ren—na pasimpleng bumaling sa direction naming dalawa. Amused na nilingon ko si Zeph na kalmado lang ang expression ng mukha habang nakaharap sa 'kin. Ano na namang kalokohang naisip ng siraulong 'to? Pero malakas ang pakiramdam kong matutuwa ako sa susunod na mangyayari. Ibinalik ko ang tingin kina Camille at Jiro.

So, It's YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon