CHAPTER 10

9 1 0
                                    

Two years ago...

IKAKASAL na si Zeph.

Iyan ang paulit-ulit na nagpi-play sa utak ko nang marinig ko ang balita mula kay Mommy. Kabababa ko sa dining area para kumain ng late lunch—halos maghapon akong nagtrabaho para sa lesson plan ko—nang matapos si Mommy sa pakikipag-usap sa phone, na napag-alaman kong si Zeph pala.

She broke the news that he was engaged at next month ang inaasahang kasal. Nang malaman ko iyon hindi ko halos malasahan ang pagkaing nasa bibig ko. Suddenly, the food tasted bland. Naglaho ring parang bula ang gutom sa sistema ko. I was tempted na tumakbo pabalik sa room ko pero ayaw kong magtanong si Mommy—na masaya pang nagkukuwento sa harap ko.

"He asked me to relay the news to you and Kade. Hindi pa raw kasi kayo nagkakausap," Mom said. Obviously, hindi niya ramdam na may rason kung bakit hindi ko agad nalaman ang balita tungkol sa engagement ni Zeph.

Nagbaba ako ng tingin at inabala ang sarili sa pagkain. It has been three months since I last talked to Zeph. Actually, normal lang iyon sa 'min dahil madalas ay busy rin kami sa kaniya-kaniya nang buhay. I recently had my teaching job at Brentwood. Siya naman ay abala na sa career sa London—bagay na mas pinili kong hindi na alamin ang buong detalye.

At dahil hindi ka na nakibalita sa kaniya, you missed the chance to know more about his whereabouts. Kaya hindi ka rin handa sa news na ikakasal na siya.

At that thought parang piniga ang puso ko. Naramdaman ko ang pagkirot no'n.

Pero hindi ba't ito rin naman ang gusto ko? Kaya ko unti-unting pinutol ang communication naming dalawa ay dahil gusto ko na ring ibaon sa limot ang espesyal na pagtingin ko sa kaniya. After all, almost seven years na naming hindi nakikita ang isa't isa. Siguro'y enough reason na rin iyon para umusad ako at itigil na ang paghihintay sa kaniya.

And knowing na ikakasal na siya isang valid reason iyon para kalimutan ko na ang anumang damdaming meron pa ako para kay Zeph.

But you couldn't also hide the fact na kaya mo naiisip 'yan ngayon ay dahil nasasaktan ka sa nalaman mo, Kia...

Nagkaroon ng bikig ang lalamunan ko. Bigla ay nag-init ang sulok ng mga mata ko. At bago pa mabisto ni Mommy ang tunay na damdamin ko kay Zeph, pinilit ko ang sariling huminga nang malalim. Paulit-ulit kong ginawa iyon hanggang sa kumalma ang pakiramdam ko. Then I excused myself. Nagdahilan na lang ako na kailangan ko pang tapusin ang naiwan kong trabaho sa room ko.

Tuloy-tuloy ang pagbagsak ng mga luha ko nang maisara ko pinto ng kwarto. Nanghihinang napasandal ako roon. Mayamaya hindi ko napigilan ang sariling mapahikbi. Gusto ko mang paniwalain ang sarili kong wala lang sa 'kin ang balitang nalaman ko pero hindi naman maitanggi ng puso ko ang totoong nararamdaman nito.

The thought of knowing about his engagement sent an overwhelming pain inside me. Pakiramdam ko pinipiga nang paulit-ulit ang puso ko. And little by little it was suffocating me...

I hated to see myself in this situation. I felt helpless. For the first time naawa ako sa sarili ko. Kailanman hindi ko inakalang hahantong sa ganito ang ilang taong pagtingin ko kay Zeph. Bakit hindi ko naisip na sakit lang ang aabutin ko sa pag-aakalang babalik siya at susuklian ang damdaming meron ako sa kaniya?

Kung hindi ba naman ako tanga!

Seconds passed natigil din ako sa pag-iyak. Inayos ko ang sarili at pinahid ang natitirang trace ng luha sa pisngi ko. Mayamaya, ibinagsak ko ang katawan sa malambot na kama. Wala sa loob na itinaas ko ang kanang kamay ko. There, I saw Zeph's gift—ang bracelet na bigay niya noong seventeenth birthday ko. I realized, pitong taon ko na rin palang suot iyon. Ibig sabihin pitong taon na rin akong umaasang magkakaroon din ng happy ending ang love story na ako lang pala ang naghahangad para sa 'min.

So, It's YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon