.
Dalawang araw ang nakalipas matapos akong ma-confine sa hospital, I was still thinking about my past. Bakit iyon lang ang naaalala ko? Sigurado akong may connection ako kay Hades, dahil minsan na siyang nagpapakita sa panaginip ko.
"You okay?" Mabilis akong bumaling kay Eerah. Kapapasok lang nito sa kwarto na tinutuluyan ko sa bahay niya. "I'm sorry I didn't knock, nasa baba sina Edrael, kumakain. Do you wanna join us?" tanong nito habang nakasandal sa hamba ng pintuan.
Dahil gutom na rin ako ay sumunod lang ako. Pitong lalaki ang nag-iingay sa kusina, habang nag-aagawan naman ng pagkain ang dalawa. Mga patay-gutom na mafia.
"Ay! 'Di ako na-inform na mga patay gutom pala kayo?" umirap na ani ko sa kanila. Napahinto silang lahat sa ginawa nila't napabaling sa amin—akin.
Lahat sila'y nakatingin sa akin, ngayon ang init ko na. Char!
Umarko ang isang kilay kong bumaling kay Edrael. "Yow, bro, why you didn't tell us she's back. Part of the the pla–"
"Shut up!"
Edrael stood up while looking at me and at Eerah. "Maupo na kayo. Sumabay na kayo sa amin," pagyayaya nito. Lumapit kaagad si Eerah sa bakanteng upuan, kaya sumunod na lang din ako.
Naging tahimik ang hapag. "Grabe! Ang sarap naman nitong menudo. Sino nagluto nito?" nakangiting tanong ni Bullet.
Sumubo ako bago bumaling sa kanya. "Alam mo bang may lason 'yan?" pagbibiro ko. Malakas na natawa si Hades nang basta na lang binuga ni Bullet ang sinubo nitong menudo.
I heard Eerah laugh. Lahat sila natawa. "Tang-ina! Ganyan ba kayo kawalang respeto sa pagkain?!" Lahat kami natahimik dahil sa biglaang pagsigaw ni Edrael. May pahampas pa sa mesa itong nalalaman.
Pinandilitan ko siya ng mata. "Don't you dare look at me like that, Sheena!" He pointed at me. Dahil kasunod lang siyang nakaupo sa akin, basta ko na lang kinagat ang daliri nito't mabilis na tumakbo sa taas.
Bwesit! Na-hospital lang ako, ganito na ang pag-uugali ko. Ang gaga mo, Sheena!
Umupo ako sa kama at tumingala sa kisame, sana naging butiki na lang ako. Char!
"You look like an idiot." Mabilis na bumaling ako sa pintuan, nandoon si Edrael nakatayo at nakatingin sa akin. Umirap ako. "Ganoon ba kalakas ang pagkabagok ng ulo mo sa sahig para ngumiti ka mag-isa riyan?" dagdag pa nito bago pumasok.
Umupo ito sa sofa habang nakatingin sa akin. Napalunok na lang ako nang hubarin nito ang pang itaas niyang damit. Nakaramdam ako ng init kahit naka-on naman ang aircon sa kwarto. Tumikhim ako.
"Bakit familiar siya? Sino ba kayo?" tanong ko, na ikinakunot ng noo niya.
He sat back and rested both arms on the armrest while still looking straight at me.
"Hades? He's the one who helped you escape from the arm of Samuel. Does Samuel sound familiar to you?" Tumango ako. "How 'bout me?"
Natigilan ako sa tanong nito. Bumilis ang tibok ng puso kong napatitig sa mga mata niya.
Tumayo ito't lumapit sa akin. "I'm just joking. Tsk!" At saka lang siya pabagsak na humiga sa kama at nakadapa roon. Kita ko na naman ang peklat nito sa kanyang likuran.
Sa hindi malamang dahilan nasaktan ako para doon. Hinaplos ko iyon na ikinadaing ni Edrael. "Damn, Sheena, don't tease me!"
Umayos ito nang higa at tumitig sa akin.
"I am not!" Nilabanan ko ang tingin nito. "What happened to your back? Bakit marami kang peklat?" sunod-sunod kong tanong.
He held my hand and pulled me, dahilan para mahiga ako sa kama't nagawang unan ang dibdib nito. Aalis na sana ako nang pigilan ako nito.

VOCÊ ESTÁ LENDO
Lust And Obsession
Ficção GeralSheena Easton Hernandez was a runaway bride who attempted to escape from an old billionaire who forced her to marry him. On the day of her wedding, she decided to flee without considering the possible consequences of the old man's actions. She did n...