THIRD PERSON'S POV
Nasa dalampasigan si Amora habang nakasimangot na pinagpapatid lahat ng batong maliit na kanyang nakikita. "Isa... dalawa... tatlo..." bilang nito habang patuloy pa rin sa kanyang ginagawa.
Napahinto na lang siya sa ginawa nang matanaw niya ang isang nakahandusay na katawan ng babaeng nakadapa sa may batuhan. Mabilis niya iyong nilapitan at pinagmasdan ang sugatan nitong mukha.
"Shokoy—este, tao! Tulong! May tao rito, oh! Patay na—ay buhay—hindi patay yata! Ewan!" Sigaw nito habang tumatako pabalik sa baryo nila.
"Buhi pa man ni!" anunsyo ng matandang manggagamot sa kanila gamit ang Cebuanong lengwahe nito, sinasabing buhay pa ito.
Nagkatinginan sila ng ina ni Amora, at nagpagdesisyunan na lang ding kupkupin ito dahil walang gustong kumupkop dito.
SHEENA
1 Month after...
"May naalala ka na ba?" tanong sa akin ni Amora, anak ni Nanay Lina, ang taong kumupkop sa akin matapos ang insedente.
Umiling ako sa kanya. "Gano'n pa rin eh, pagsabog at pangalan ko lang ang naaalala ko," tugon ko sa kanya. Malungkot itong tumanggo.
Mahirap lang si Amora ngunit nagawa pa rin nila akong alagaan kasama ang nag-iisang pamilya nitong si Nanay Lina.
"Sheena, hija, sumama ka kaya kay Amora sa dalampasigan, baka sakaling may mag-trigger sa nawawala mong ala-ala?" anang Nanay Lina.
Nilapag ni Amora ang niluluto nitong dalis at saka lang bumaling sa akin. "Tama si Nanay. Baka maalala mo ang pangalan ng pamilya mo, nang sa gano'n ay ma-contact natin sila," anito sa akin.
Nagising na lang ako isang araw na nasa isang isla ako sa Cebu. "O siya, mangaon na lang ta. Unya namo pag estorya ana." Sulpot ni Nanay Lina, at sinabi nitong kumain na lang kami at mamaya na naming pag-usapan ang kung anumang pinag-uusapan naming at sinimulan nang kumain.
I did the same. At first, it was too hard living the life with them. Ngunit nang nalaman kong dalawang buwan na akong buntis ay kinaya ko ang lahat. Nagpakahirap ako para sa anak ko at para na rin may maitulong ako kay Amora at Nanay Lina.
Kung ano-anong mga tinda ang pinangnegosyo ko para makapag-ipon. Napatitig ako sa naglalakihang barko habang kasama ko si Amora na mangalakal.
"Kaya pa, 'Teh?" tanong nito sa akin. Umoo naman ako sa kanya.
Lumipas ang pitong buwan at ngayon ang buwan ng kapanganakan ko na. Naglalakad ako sa dalampasigan, hawak-hawak ang malaki kong tiyan, habang inalalayan ako ni Amora.
"Naalala mo na ba?" Halos araw-araw na tanong nila sa akin.
Mabilis akong umiling. "Ed lang ang naalala ko, Amora."
"Naunsa naman ni!" reklamo niya at pumadyak. "Ani na lang, manghuhula ako ng pangalan na nag una sa Ed, okay ba?" saad nito, sinabing maghuhula na lang siya ng mga pangalang nagsisimula sa Ed, kaya tumanggo ako.
Isa-isa siyang nagbanggit ng pangalan na puro Ed ang simula. "Ay, teka gaga, nakalimutan ko babae ba ang Ed na 'yan o lalaki?" Umupo siya sa may batuhan habang nakatingin sa akin.
Bumaling ako sa karagatan. "Lalaki yata?" Hindi ako sigurado dahil hindi ko talaga siya maalala.
"Ed... rael? Oo! Pweding Edrael, 'di ba?" excited na sigaw nito sa akin.
Napahawak ako sa tiyan kong bigla na lang sumakit. "Aray, Amora, manganganak na yata ako!" sigaw ko sa kanya. Mabilis itong tumayo.
"Naku! Giatay na! Hindi ko alam paano—saglit. Hoy, bata, huwag ka munang lumabas!" sigaw nito at inalalayan akong bumalik sa kubo nila.
"'Nay! Manganganak na si Sheena!" sigaw nito.
"Aray, Amora!"
Mas lalo lang itong nag-panic. "Giatay! Fishty man ka, Sheena! Huwat sa jud!" natatarantang saad nito, sinasabing maghintay ako.
It was May 21 when I gave birth to a healthy baby girl. Si Nanay Lina na ang nagpa-anak sa akin. "Gaga! Ka gwapa ng anak mo, pero hindi mo kamukha! Unsa man tawon na eyy!" Napangiwi na lang ako sa lakas ng bunganga ni Amora.
I remember her saying a name earlier. "Ano nga ulit 'yong pangalang binanggit mo kanina?"
Napa-isip siya. Lumawak ang ngiti nito. "Edrael!"
Tumulo na lang ang luha ko nang muling marinig iyon. "Hala! Giatay ka, 'Teh! Naunsa ka?!" Nag-alala itong lumapit sa akin.
Pinunasan ko ang luha ko, saka ako bumaling sa mahimbing kong anak na natutulog. "Siya... siya ang ama ni Edraela," humihikbing saad ko. Nanlaki ang mata nitong tumingin sa akin.
"May naalala ka na?" Tanggo lang ang sinagot ko. Lumiwanag ang mukha nito't mabilis na tumakbo palabas. "'Nay, may naalala na si Sheena!"
Dalawang linggo ang makalipas ay sinamahan ako ni Amora sa center upang irehestro ang anak ko. "Anong pangalan ni Baby, Misis?" tanong sa akin ng doctor.
Ngumiti ako at bumaling sa anak kong kamukhang-kamukha ni Edrael. "Edraela Noriane Hernandez po," sagot ko. Ngumiti sa akin ang doctor at saka nito sinulat sa dala-dala niyang papel ang sinabi ko.
Kay Edraela ko binigay lahat ng attention ko. Nanay Lina didn't allow me muna na magtrabaho at si Amora naman ay pansamantalang nagtrabaho sa bar ng kanyang Tita Janice.
Sobrang hirap ng mga pinagdaanan ko. Halos araw-araw kong pinalangin na sana bigla na lang susulpot si Edrael dito at kunin kami, ngunit parang imposible naman iyon, dahil ang huli naming engkwentro ay ang pangtataksil niya sa akin.
"Nikaon naka, Sheena, Hija?"
"Opo, 'Nay, kumain na rin po kayo."
Masaya ako sa kung anong merong buhay ako ngayon. Nakahanap muli ako ng pamilya na tinuring akong parang anak nila. At mas lalo akong sumaya nang biniyayaan ako ng sobrang cute na anak.
Nasa dalampasigan ako habang nagbibilad ng mga labahan ko. Sa tabing-dagat lang kasi ang kubo ni Nanay Lina, kaya sa tuwing wala kaming ulam ay kasama kaming maghahanap ni Amora ng kung anumang lamang-dagat para pang ulam.
Nasa kalagitnaan ako ng pagbibilad nang bigla na lang humahangos na tumakbo si Amora sa akin.
"Sheena, si Edraela, inaapoy ng lagnat!" sigaw nito. Basta ko na lang tinapon ang damit na hawak ko't patakbo na bumalik sa kubo.
Mabilis kong dinampot ang anak kong umiiyak. "Jusko! Ang init mo. Amora samahan mo ako sa bayan, ipapa-check-up natin ang anak ko. May ipon pa naman ako." Tumanggo siya sa akin at sinamahan naman ako.
Dinaanan namin si Nanay Lina sa palengke para magpaalam dahil nagbibinata siya ng daing at isda roon.
"Doc, tulong po, ang anak ko inaapoy ng lagnat!" sigaw ko sa doctor na nakasalubong ko.
Huminto naman ito at kaagad na tinawag ang nurse. "Ano ba! Gamutin mo ang anak ko! May pera ako! Bwesit ka, ipapabarang kita eh!" sigaw ko dahil sa pag-aalala.
Inasikaso naman kaagad nila ang anak ko't tiningnan ang kalagayan. Umuwi si Amora para kunin sa kubo ang naiwan kong huling ipon. Lagpas 5 thousand naman iyon.
"Ma'am, maayos na po ang anak niyo. Bilhin niyo na lang po ito, mild lang naman ang lagnat ni Baby," sabi nito. Napahinga ako ng maayos.
Pumasok ako't hinalikan ang baby kong mahimbing na natutulog. "Pagaling ka, anak, ha?"
Matapos bayaran ang hospital ay dumaan muna kami sa botika para bumili ng gamut. "Paano na ang ipon mo, Sheena?" malungkot na tanong sa akin ni Amora.
Alam kasi niyang nag-iipon ako para pangnegosyo, para kapag lumaki-laki na si Edraela ay may handa na akong pera.
"Ano ka ba? Okay lang 'yon."
Bumalik ako sa pagtatrabaho sa karenderya ni Aling Neneng, para kahit papaano ay makaipon ulit ako. Si Amora kasi ang nagpresentang bantayan ang anak ko, kaya pumayag na lang din akong magtrabaho.
"Miss, magkano lahat ng sa 'kin?"
"Isang kanin, dalawang giniling, at isang tinola. Sixty ho lahat, Sir," nakangiting sagot ko rito. Dinukot nito ang kanyang pitaka at nagbigay sa akin ng isang daan.
"Keep the change."
"Salamat po."

YOU ARE READING
Lust And Obsession
General FictionSheena Easton Hernandez was a runaway bride who attempted to escape from an old billionaire who forced her to marry him. On the day of her wedding, she decided to flee without considering the possible consequences of the old man's actions. She did n...